ZAREPAT
[posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “dalisayin”].
Isang bayan ng Fenicia na “sakop ng” Sidon noong mga araw ni Elias. Sa Zarepat ay pinagpakitaan ang propeta ng pagkamapagpatuloy ng isang dukhang babaing balo, na ang harina at langis ay makahimalang tinustusan noong panahon ng isang malaking taggutom at na ang anak ay ibinangon ni Elias mula sa kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. (1Ha 17:8-24; Luc 4:25, 26) Nang maglaon ay nagsilbi itong palatandaan ng isang dulo ng dating teritoryong Canaanita na inihulang magiging pag-aari ng mga Israelitang tapon. (Ob 20) Ang pangalan ay pinanatili sa pangalan ng Sarafand, mga 13 km (8 mi) sa TTK ng Sidon, bagaman ang sinaunang lokasyon ay maaaring malapit sa may baybayin ng Mediteraneo.