ZEFANIAS
[Ikinubli (Iningatan) ni Jehova].
1. Isang Levita sa linya ng angkan mula kay Kohat hanggang kina Samuel at Heman.—1Cr 6:33-38.
2. Isang propeta ni Jehova sa Juda noong maagang bahagi ng paghahari ni Josias; manunulat ng aklat na nagtataglay ng kaniyang pangalan. Si Zefanias ay posibleng isang apo sa talampakan ni Haring Hezekias.—Zef 1:1; tingnan ang ZEFANIAS, AKLAT NG.
3. Isa sa mga pangunahing saserdote noong huling dekada ng kaharian ng Juda; anak ni Maaseias. Si Zefanias ay makalawang ulit na isinugo ni Zedekias kay Jeremias, una ay upang itanong kay Jehova kung ano ang mangyayari sa Juda at nang dakong huli ay upang hilingan ito na manalangin para sa kanila. (Jer 21:1-3; 37:3) Mula sa isang bulaang propeta sa Babilonya ay nakatanggap si Zefanias ng isang liham na humihimok sa kaniya na sawayin si Jeremias, ngunit sa halip na sumunod, binasa ni Zefanias ang liham kay Jeremias, na sumulat naman ng tugon ni Jehova. (Jer 29:24-32) Pagkatapos ng pagbagsak ng Jerusalem, si Zefanias, na noon ay ikalawang saserdote sa ilalim ni Seraias, ay dinala kay Nabucodonosor sa Ribla at pinatay.—Jer 52:24, 26, 27; 2Ha 25:18, 20, 21.
4. Ama ni Josias, o Hen, na nabuhay pagkaraan ng pagkatapon at nag-abuloy ng mahahalagang metal upang gawing korona para sa mataas na saserdoteng si Josue.—Zac 6:10, 11, 14.