Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 3/15 p. 28-29
  • Gaano ba Kahalaga sa Iyo ang Kaharian?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gaano ba Kahalaga sa Iyo ang Kaharian?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Nakita Nila ang “Mamahaling Perlas”
    Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay
  • “Pagkasumpong sa Isang Perlas na may Mataas na Halaga”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Ituon ang Iyong Puso sa Espirituwal na mga Kayamanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
  • Pinagpala sa Pagtanggap ng Higit Pang Turo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 3/15 p. 28-29

Buhay ang Salita ng Diyos

Gaano ba Kahalaga sa Iyo ang Kaharian?

HALIMBAWA alam mo na isang malaking kayamanan ang nakabaon sa isang bukid. Kung ipagbibili mo ang lahat mong pag-aari, magkakaroon ka ng sapat na kuwarta para bilhin ang bukid na kinaroroonan ng kayamanan. Ano ang gagawin mo?

Ganiyan ipinaghalimbawa ni Jesu-Kristo ang kahalagahan ng Kaharian ng Diyos. Sinabi niya: “Ang kaharian ng langit ay tulad sa natatagong kayamanan sa bukid, na nasumpungan ng isang tao at inilihim; at sa kaniyang kagalaka’y yumaon at ipinagbili ang kaniyang ari-arian at binili ang bukid na iyon.”​—Mateo 13:44.

Ikaw ba’y katulad ng binanggit na tao? Ganoon si Jesus. Nang mapag-alaman niya ang layunin ng Diyos na magkaroon ng makalangit na pamahalaan​—dito’y tinatawag na “ang kaharian ng langit”​—kaniyang ipinagbili ang lahat niyang ari-arian, wika nga, upang mabili ang natatagong kayamanang iyon, na para sa kaniya’y ang pagiging Tagapamahala ng pamahalaang iyon. Iniwan ni Jesus ang kaniyang kalagayan sa langit bilang isang makapangyarihang personang espiritu at naging isang miyembro ng dukhang pamilya sa lupa sa liblib na bayan ng Nazaret. Nang bandang huli, siya’y dumanas ng masaklap na pag-uusig at kamatayan sa pahirapang tulos. Kaya’t pinatunayan niya na karapat-dapat siyang maging Hari ng Kaharian ng Diyos.

Ikaw ba ay makapagsasakripisyo rin upang makamit ang gayong katulad na kayamanan? Upang idiin na kailangang gawin iyon, sinabi rin ni Jesus: “Gayundin, ang kaharian ng langit ay katulad ng isang mangangalakal na humahanap ng magagandang perlas. Nang masumpungan niya ang isang mamahaling perlas, agad siyang humayo at dagling ipinagbili ang lahat ng kaniyang ari-arian at binili iyon.”​—Mateo 13:45, 46.

Oo, “dagling” ipinagbili ng mangangalakal ang lahat niyang ari-arian upang magkaroon ng pera na ibibili sa perlas. Anong laking hirap at sakripisyo ang tiniis niya marahil! Subali’t bale-wala iyon. Ang kailanga’y kumilos siya bago lumampas ang pagkakataon! Sulit naman iyon dahilan sa mahalagang perlas na kapalit. Gayundin tungkol sa Kaharian. Baka mahirap na unahin natin ito sa ating buhay. Nguni’t ano pa ang makakatulad ng premyo na pagiging hari na kasama ni Jesu-Kristo sa langit o pagiging isa sa mga sakop ng kaniyang Kaharian na nagtatamasa ng buhay na walang hanggan sa lupa? Ganiyan ba ang tingin mo riyan?

Iyan ang pagkilalang ipinayo ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod, at nag-iwan pa siya ng halimbawang dapat sundin. (1 Pedro 2:21) Sinabi niya: “Ang pagkain ko’y gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang kaniyang gawain.” (Juan 4:34) Ang malaking hangarin ni Jesus ay gawin ang kalooban ng Diyos. Hindi man lamang niya hinangad na mag-ari ng mga bagay na kailangan para sa “normal” na buhay. Iisa ang hangarin niya​—mapasa kaniya ang bukid na kinatataguan ng kayamanan, ang mahalagang perlas. Ikaw, inuuna mo ba rin na hanapin ang Kaharian ng Diyos? Nakikita ba ito sa iyong pamumuhay?​—Mateo 6:31-33.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share