Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 8/15 p. 8-9
  • Nagpakababa ang Isang Taong Hambog

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nagpakababa ang Isang Taong Hambog
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Mandirigma at ang Batang Babae
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Gusto Niyang Makatulong
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Naaman
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Matigas ang Ulo Pero Sumunod Din
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 8/15 p. 8-9

Buháy ang Salita ng Diyos

Nagpakababa ang Isang Taong Hambog

ANG hambog na punong-hukbo ng Siria na si Naaman at ang kaniyang mga utusan ay makikita rito na patungo sa Israel na kung saan umaasa si Naaman na siya’y gagaling sa kaniyang sakit na ketong. Nabalitaan ni Naaman buhat sa batang Israelita na utusan ng kaniyang asawa ang tungkol sa makahimalang mga pagpapagaling ng isang propeta ni Jehova sa Israel.

Dala ni Naaman ang isang liham buhat sa hari ng Siria na nagpapakilala sa kaniya sa hari ng Israel. Hinihiling ng liham na iyon na si Naaman ay pagalingin sana sa kaniyang ketong. Nang dumating sila sa Israel, ang liham ay ipinabasa ni Naaman kay Haring Jehoram, na totoong nabagabag dahilan sa hindi niya mapagagaling ang taong ito. Ang sabi ni Jehoram, ‘Ang hari ng Siria ay humahanap ng butas upang makipag-away sa akin.’ Nang ito’y mabalitaan ng propeta ni Jehova na si Eliseo, kaniyang hiniling na papuntahin doon sa kaniya si Naaman.

Kayat si Naaman, kasama ang kaniyang mga kabayo at mga karong pandigma, ay nagpunta sa bahay ni Eliseo. Subalit si Eliseo ay hindi man lamang lumabas ng bahay upang salubungin siya. Nagsugo lamang ito ng isang mensahero na ang sabi kay Naaman: ‘Upang gumaling ka ay pumunta ka at maligo nang makapitong beses sa Ilog Jordan.’

Ang hambog na si Naaman ay nainsulto at umalis siya dali-dali. ‘Ang akala ko’y lalabas man lamang siya,’aniya, ‘at mananalangin kay Jehova at kaniyang hahaplusin ang bahaging may karamdaman. Ang mabuti pa’y maligo na lamang ako sa mga ilog sa Siria.’ Ngunit isang utusan ni Naaman ang nagsabi sa kaniya ng ganito: ‘Mahal na ginoo, kung sinabihan ka ng propeta na gumawa ng isang bagay na mahirap, marahil ay gagawin mo iyon. Bakit nga hindi ka na lang maligo, gaya ng sinabi niya, at sa ganoo’y gagaling ka?’

Pinakinggan ni Naaman ang kaniyang utusan. Naparoon siya sa Jordan at lumusong sa tubig. At, anong laking himala, pagkatapos nang makapitong beses, nawala ang kaniyang ketong! Ganiyan na lamang ang pasasalamat ni Naaman kayat siya’y nagbalik kay Eliseo upang pasalamatan ito, at ang nilakbay niya marahil ay 30 milya (48 km).

Inalok ni Naaman si Eliseo ng maluluhong regalo at pagkatapos ay humiling: ‘Bigyan mo sana ako ng lupa na mailululan ko sa aking mga mola upang maiuwi sa amin.’ Para sa ano? Para daw makapaghain siya ng mga handog kay Jehova sa lupain ng Israel. Oo, nagpanata si Naaman na magmula noon ay hindi siya maghahandog ng mga hain sa kaninumang Diyos maliban kay Jehova.​—2 Hari 5:5-17.

Anong kahanga-hangang pagbabago ang nagawa ni Naaman! Isa nga itong magandang halimbawa na dapat nating tularan. Subalit may matututuhan pa tayong isa pang leksiyon sa pangyayaring ito, na ating isasaalang-alang sa labas ng magasing ito sa hinaharap.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share