Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 9/1 p. 23-24
  • Maaari Kang Makaligtas!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maaari Kang Makaligtas!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kapana-panabik na mga Hulang Dula sa Bibliya
  • Pundasyon ng Bagong Lupa
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Aklat na “Survival”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • Natuto Siyang Maging Maawain
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Natuto Siyang Maging Maawain
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • Aklat ng Bibliya Bilang 32—Jonas
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 9/1 p. 23-24

Maaari Kang Makaligtas!

ANG kaligtasan ay nasa isip ng karamihan ng mga tao sa buong daigdig. Bagamat ipinakikita ng Bibliya na ang nakaharap sa sangkatauhan ay higit na kasindak-sindak kaysa mga inaasahan ng mga ilang siyentipiko, ipinakikita rin nito na mayroong mga pag-asang makaligtas ang iba. Kaya naman angkop na angkop na sa unang araw na isang pandaigdig na sunud-sunod na mga kombensiyon na ginanap kamakailan ng mga Saksi ni Jehova, ang Watch Tower Society ay naglabas para sa malaganap na pamamahagi ng isang aklat na pinamagatang Survival Into a New Earth. Ano ba ang nilalaman nito?

Tinatalakay ng aklat ang mga suliranin na nakaharap sa atin sa mga taon ng 1980’s. Mayroong mga bagay na kinaliligtaan ng karamihan ng mga tao, kaya naman marami ang walang makitang lunas sa lumulubhang krisis ng daigdig. Ang mahalagang mga bagay na ito ay nililiwanag sa unang-unang kabanata, “What Will Become of Planet Earth?” May mga taong taimtim na umaasang ang paghahalal ng mga bagong pinuno o mga lansakang pagprotesta o mararahas na rebolusyon ang magdadala ng lunas. Subalit ipinakikita ng mga pangyayari na lalong-lalo pang lumulubha ang mga problema. Tinatalakay ng aklat ang dahilan at ipinakikita ang talagang mahalagang mga isyu na kinasasaligan ng ating kinabukasan.

Ang Salita ng Diyos ang autoridad nito, kaya sinasagot ng bagong aklat ang tanong na “How Long Will the Present System Last?” At, pagkatapos na ipakita na may mga taong nabubuhay ngayon na may pag-asang makaligtas sa katapusan ng sanlibutang ito, inilarawan ng aklat “The Kind of Life That Awaits Survivors.” Ito ang pag-asa na nag-uudyok sa kaninumang umiibig sa katuwiran na mapabilang sa mga makaliligtas. Ang tinatalakay sa aklat na ito ay tiyak na makapagpapatibay-loob sa angaw-angaw na tapat-pusong mga tao.

Kapana-panabik na mga Hulang Dula sa Bibliya

Nang panahon na ilabas ang aklat na Survival Into a New Earth ang mga nagpahayag sa iba’t ibang kombensiyon ay nagpaliwanag na ito’y nagbibigay ng pantanging atensiyon sa marami sa mga hulang dula sa Bibliya at iba pang mga hula lalung-lalo na tungkol sa pagkaligtas sa “malaking kapighatian” at pamumuhay magpakailanman sa isang lupang paraiso. (Mateo 24:21; Apocalipsis 7:14) Ang mga dulang iyan sa Bibliya ay nagbibigay ng halimbawa sa tunay-na-buhay na nagpapakita kung papaano si Jehova ay nakikitungo sa mga taong nabubuhay ngayon. Ipinakikita kung ano ang kailangan upang kamtin ang kaniyang paglingap. Subalit, imbis na tukuyin lamang kung ano ang kailangan nating gawin upang kamtin ang pagsang-ayon ng Diyos, ginigising tayo ng mga pag-uulat na ito na bumubuhay sa mga kahilingan niya. Pinupukaw ang ating damdamin at pinatitibay ang ating hangarin na gawin ang matuwid.

“Sa Jonas kabanata 3, halimbawa,” ipinaliwanag ng mga tagapagpahayag sa kombensiyon na ito’y “isang dula na nagdiriin sa pangangailangan ng agad-agad na pagkilos upang maiwasan ang kapahamakan. Sinugo ni Jehova si Jonas na pumaroon sa Ninive, sa isang bayan na hindi nag-aangking sumasamba sa Diyos ni Abraham, upang ipaalam sa kanila na ang dakilang lunsod na ito ay igigiba hindi matatapos ang apatnapung araw. Papaano sila kumilos? Imbis na sila’y manlibak, ‘ang mga taga-Ninive ay sumampalataya sa Diyos.’ Sila’y nag-ayuno at nagsuot ng magaspang na kayo. Bilang pagtugon sa paghimok sa kanila ng kanilang hari, sila’y taimtim na nanalangin sa Diyos at nagsisi buhat sa kanilang masasamang gawa. Dahilan sa kanilang tunay na pagsisisi, sila’y hindi nilipol ni Jehova. Nang malaunan ay ipinakita ni Jesus na ang mga pangyayaring nasusulat sa aklat ni Jonas ay hindi basta kasaysayan lamang. (Mateo 12:39-41) Ang makahulang kahulugan bang ito ay kapit din sa ating panahon?

“Mayroon bang mga tao sa ngayon na katulad ng mga sinaunang taga-Ninive?” ang tanong ng mga tagapagpahayag. “Oo. Ngayong nagbibigay ng babala ang mga Saksi ni Jehova na ang balakyot na sanlibutan ay malapit nang puksain, maraming mga taong nakikinig ang dati’y hindi sumasamba sa Diyos ng Bibliya, mga tao na hindi nakakaalam ng pagkakaiba ng kanilang kanan sa kanilang kaliwa, sa makarelihiyong pangungusap. [Jonas 4:11] Subalit ngayon sila ay sumasampalataya kay Jehova, nagsisi na sa kanilang dating lakad, at naging bahagi ng ‘malaking pulutong,’ na may pag-asang makaligtas sa ‘malaking kapighatian.’”​—Apocalipsis 7:9, 14.

Lahat-lahat, sa aklat ay tinatalakay ang 21 iba’t ibang grupo o mga indibiduwal na binabanggit sa Bibliya at lumarawan sa mga taong nabubuhay ngayon na magmamana ng makalupang sakop ng Kaharian ng Diyos nang hindi namamatay. Tinatalakay din ang 26 na mga iba pang makahulang paglalarawan ng grupong ito na mayroong pag-asang magtamo ng sakdal na buhay bilang mga tao rito sa lupa.

Pundasyon ng Bagong Lupa

Yaong mga itatawid ng Diyos na Jehova sa napipintong “malaking kapighatian” ang magiging pundasyon ng inihulang bagong lupa, sapagkat sila ang mga unang bahagi ng bagong lipunan, yaong magpapalaganap ng pagsamba sa tunay na Diyos sa buong globo. (2 Pedro 3:13) Sila’y magkakaroon ng kagalakan ng pakikibahagi sa pagtuturo sa bilyun-bilyon na sa bandang huli ay bubuhayin sa mga patay. Kung gayon, gaya ng binanggit ng mga tagapagpahayag sa kombensiyon, kailangan na ang pundasyon ng bagong lupa ay maging matatag.

Sa mismong sandaling ito ang umaasang magiging mga bahagi ng bagong lupa ay tinuturuan sa mga daan ni Jehova. Sila’y tinutulungan na magkaroon ng taus-pusong pagpapahalaga sa kung paano ang suliranin ng pansansinukob na pamamahala ay may epekto sa ating araw-araw na pamumuhay. Sila’y natututo kung gaanong kahalaga ang ‘magtiwala kay Jehova ng kanilang buong puso at huwag sumandig sa kanilang sariling kaunawaan.’ (Kawikaan 3:5, 6) Sila’y binibigyan ng mga pagkakataon na patunayan na sila ay masigasig at tapat na mga tagatangkilik sa Kaharian ng Diyos. Sila’y nagkakaroon ng karanasan bilang bahagi ng isang pambuong-lupang lipunan na doo’y mga tao sa lahat ng bansa, wika, at lahi ang gumagawang sama-sama sa isang maibiging pagkakapatiran. Ikaw ba ay isang aktibong bahagi ng grupong iyan?

Imbis na talakayin lamang ang paksa tungkol sa kaligtasan, ang bagong aklat na inilabas sa kamakailang serye ng mga kombensiyon na ginanap ng mga Saksi ni Jehova ay nakadirekta sa mambabasa, at tinutulungan siyang suriin ang kaniyang sariling buhay sa liwanag ng mga kahilingan ng Salita ng Diyos. Ikaw man ay isang bagong estudyante ng Bibliya o nakabasa na nito sa loob ng maraming taon, ikaw ay makikinabang sa pamamagitan ng aklat na Survival Into a New Earth kung pahihintulutan mong ito ang pumukaw ng iyong kaisipan. Kung hindi mo pa nababasa ito gawin mo na ngayon, iyan ang payo namin sa iyo. Pagkatapos ay ibahagi mo ito sa iba upang sila man ay magkaroon ng kahanga-hangang pag-asa na inihaharap nito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share