Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 10/1 p. 4-6
  • Kaligayahan sa Pamamagitan ng Mahalagang Ugnayan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kaligayahan sa Pamamagitan ng Mahalagang Ugnayan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Bagay na “Lalong Mainam Kaysa Buhay”
  • Ano ang Dahilan at May Buhay
  • Pansandaliang Kapakanan Kung Ihahambing sa Pangmatagalang Pakinabang
  • Magpasiya Ka Nang May Katalinuhan
  • Pakikinabang sa Maibiging-Kabaitan ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Hayaang Ingatan ng “Kautusan ng Maibiging-Kabaitan” ang Iyong Dila
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Mayroon Ka Bang Espiritu ng Pagbibigay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Magpakita ng Maibiging-Kabaitan sa mga Nangangailangan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 10/1 p. 4-6

Kaligayahan sa Pamamagitan ng Mahalagang Ugnayan

“ANG isang buháy na aso ay mas mainam kaysa isang patay na leon.” (Eclesiastes 9:4) Sa mga pananalitang iyan, ang sinaunang si Haring Solomon ay nagpahayag na ang buhay ang pinakamahalaga kaysa anumang materyal na mga ari-arian o anumang ambisyosong mga hangarin na inaasahan nating makakamtan. Kung walang buhay, hindi tayo maaaring makinabang sa mga bagay na ito. Oo, ang buhay ang mahalaga sa ating paghanap ng kaligayahan.

Isang Bagay na “Lalong Mainam Kaysa Buhay”

Bagaman mahalaga ang buhay, mayroon pang isang bagay na lalong mainam. ‘Posible kaya iyan?’ marahil ay itatanong mo. ‘Ano kaya ang lalong mahalaga kaysa buhay mismo?’

Si Haring David ng sinaunang Israel ang nagbibigay sa atin ng sagot. Ang kinakausap ay ang Maylikha, ang Diyos na Jehova, sinabi niya na may matinding pagpapahalaga: “Sapagkat ang iyong kagandahang-loob ay mas mainam kaysa buhay, pupurihin ka ng aking sariling mga labi.” (Awit 63:3) Ang taus-pusong mga pananalitang iyan ni David ay nagpapakita na ang pagtanggap ng isa ng kagandahang-loob ng Diyos, na nakasalig sa pagkakaroon ng isang mabuting kaugnayan sa kaniya, ay lalong mahalaga kaysa buhay mismo. Bakit nga ganito?

Ano ang Dahilan at May Buhay

Ipagpalagay natin na ikaw ay binigyan ng isang regalo, isang bagay na talagang gustung-gusto mo. Mangyari pa, ikaw ay lubhang liligaya na tanggapin ang regalo at marahil ay totoong masisiyahan ka sa paggamit niyaon. Subalit ikaw ay hindi marunong kumilala ng utang na loob kung hindi mo pasasalamatan ang nagbigay ng regalo. Hindi baga dahil sa kaugnayan mo sa nagregalong iyon kung kaya binigyan ka ng regalo? Kung wala ang ugnayang iyon, marahil ay hindi ka bibigyan ng regalong iyon at sa ganoo’y masisiyahan ka sa paggamit niyaon.

Ganiyan din naman kung tungkol sa buhay. Bagama’t ito ay napakahalaga, isaisip natin kung saan nanggaling ang ating buhay at kung papaano ito napananatili. Tunay na hindi tayo ang lumikha nito, ni mapananatili man ito nang hiwalay sa lahat ng mga paglalaan ni Jehova sa lupang ito. (Awit 100:3; Gawa 14:17) Ang mismong bagay na tayo ay may buhay, at tiyak na naliligayahan tayo sa paggamit ng ating buhay sa paano man, ay isang katunayan ng kagandahang-loob ng Dakilang Maylikha, ang Diyos na Jehova. Nakikita na ba natin kung bakit si Haring David ay buong-pusong naniniwala na ang “kagandahang-loob [ng Diyos] ay mas mainam kaysa buhay”?

May isa pang dahilan kung bakit ang pagkakaroon ng isang aprobadong kaugnayan sa Maylikha ay lalong mahalaga sa pagkakaroon ng buhay mismo​—ang ating kinabukasan ay nakasalig dito. Tingnan natin kung paano nga gayon.

Sumasang-ayon ka ba na ang buhay ay pansamantala at punúng-punô ng kawalang-kasiguruhan? Ang isang tao ay maaaring puspusang nagtatrabaho nang maraming taon upang matamo ang kaniyang materyalistikong mithiin na itinuturing niyang mahalaga. Subalit, ang kamatayan ang umaagaw sa kaniya ng lahat ng bagay na kaniyang pinagpaguran. Ito’y totoong-totoo gaya ng sinabi ng pantas na si Haring Solomon: “Ano ang tinatamo ng tao sa lahat niyang pagpapagal at sa pinagsusumikapan ng kaniyang puso na kaniyang pinagpapagalan sa ilalim ng araw? Sapagkat sa lahat ng kaniyang mga araw ang kaniyang gawa ay nagdadala ng kapanglawan at kahapisan, at kung gabi’y hindi nagpapahinga ang kaniyang puso. Ito rin naman ay walang kabuluhan.”​—Eclesiastes 2:22, 23; ihambing ang 2:3-11.

Bagaman gayon, layunin ng ating mapagmahal na Maylikha na lahat ng umiibig at sumusunod sa kaniya ay makalalaya buhat sa mga kabiguan at kasawian na dinaranas natin ngayon. Sa atin ay tinitiyak ni Jehova ang kaniyang kahanga-hangang pangako: “Sila’y hindi magtatayo at iba ang tatahan; sila’y hindi magtatanim at iba ang kakain. Sapagkat kung paano ang mga kaarawan ng punungkahoy ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan; at ang aking mga pinili ay makikinabang na lubusan sa gawa ng kanilang sariling mga kamay.”​—Isaias 65:22.

Hindi ba ang kapahayagang iyan ng kagandahang-loob ng Diyos ay mas mainam kaysa ating kasalukuyang buhay na may hangganan at walang kasiguruhan? Ang pagtanggap natin sa kaniyang kagandahang-loob, oo, ang buhay sa Bagong Kaayusang iyon at pagtatamo ng buhay na may layunin at kabuluhan ay tunay na isang karapat-dapat na tunguhin. Upang makamit ang maligayang kinabukasang iyon, kailangang tamuhin ng isa ang pagsang-ayon ni Jehova ngayon at manatili sa isang matalik na kaugnayan sa kaniya at sa kaniyang bayan.

Pansandaliang Kapakanan Kung Ihahambing sa Pangmatagalang Pakinabang

Dahilan sa mga puntong binanggit na, tunay na isang kaiklian ng isip at kakulangan ng karunungan na gugulin natin ang lahat ng ating panahon sa paghahanap ng sariling kapakanan, maging iyon man ay katanyagan, kayamanan, karera, tagumpay sa paaralan, katuparan ng ating personal na mithiin, o anupaman na itinuturing na mahalaga samantalang ang isa ay nabubuhay sa sistemang ito ng mga bagay. Bagama’t ang mga mithiing ito ay hindi naman mali sa ganang sarili, ang pagbubuhos ng lahat sa alinman sa mga ito bilang pinakamahalagang bagay ay maaaring humila sa atin na mapabayaan ang ating mga pananagutan sa ating Maylikha. Sa bandang huli, baka maiwala natin ang kaniyang pagsang-ayon at hindi natin makamit “ang tunay na buhay.”​—1 Timoteo 6:19; Lucas 9:24.

Ang ganiyang hakbangin ay maihahalintulad sa isang kabataan na huminto ng pag-aaral at nagtrabaho bilang isang karaniwang manggagawa upang makakita lamang ng kaunting salapi na magagasta. Baka isipin niya na sa wakas ay nakalaya rin siya sa mga kagipitan na dinaranas ng isang nag-aaral at siya’y mayroon ng maraming panahon na magagamit sa kalayawan. Subalit hindi baga sa ganiyan ay inilalagay niya sa alanganin ang kaniyang panghabang-panahong kapakanan dahil lamang sa anumang mapapakinabangan niya sa pansandaliang-panahon? Gayundin naman, hindi baga ang isang tao ay may maikling kaisipan pagka kaniyang pinabayaan ang kaniyang kaugnayan sa Maylikha dahilan sa masyadong abala siya ng pagsusumikap upang makamit ang isang personal na mithiin?

Bagama’t lahat tayo ay abala sa gawain, karaniwan nang may panahon din tayo na gawin ang isang bagay na inaakala nating mahalaga, hindi ba? Sa gayon, yamang alam na alam ni Jesus ang kalikasan ng tao, diretsahang sinabi niya: “Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan, doroon din ang inyong puso.”​—Mateo 6:21.

Kaya’t sa anong uri ng “kayamanan” inilagak ninyo ang inyong puso? Ang kislap at kaningningan ng sanlibutan ay baka waring totoong kaakit-akit. Subalit tanungin ang inyong sarili: Gaano ba ang itatagal ng marahil ay kapakinabangan nga na makakamit sa ganiyang mga bagay? Ang mga iyan kaya ay nagdadala ng tunay na kaligayahan o ang idinudulot niyan ay pansamantalang kaluguran lamang, tulad baga ng isang droga, na sa bandang huli ay hindi kanais-nais o makirot pa nga ang nagiging resulta?

Magpasiya Ka Nang May Katalinuhan

Mayroong isang mahalagang leksiyon na matututuhan buhat sa mga tao noong kaarawan ni Lot. “Sila’y nagsisikain, sila’y nagsisiinom, sila’y bumibili, sila’y nagbibili, sila’y nagtatanim, sila’y nagtatayo,” ang sabi ni Jesus. Sa madali’t-sabi, sila’y abalang-abala sa pagtataguyod ng mga bagay na inaakala nilang mahalaga, nang hindi nagbibigay-pansin sa kalooban ng Diyos. Ang resulta? “Nang araw na lumabas si Lot sa Sodoma ay umulan ng apoy at asupre buhat sa langit at nilipol silang lahat.” Pagkatapos, sa kapakinabangan natin, isinusog pa ni Jesus: “Ganiyan din ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag.”​—Lucas 17:28-30.

Lahat ng palatandaan ay nagpapatunay na ang “araw” na iyon ay naririto na. Dahilan sa may malasakit siya sa atin, ang Diyos na Jehova ay paulit-ulit na nananawagan sa pamamagitan ng kaniyang Salita at ng kaniyang organisadong bayan sa lahat ng bansa. Ang paanyaya ay na tumalikod tayo sa mapag-imbot na mga gawain at tayo’y makipagkasundo sa kaniya. Isang kamangmangan nga kung hahayaan natin na ang ating personal na mga kapakanan ang umubos ng lahat ng ating panahon at lakas, na anupa’t tayo’y hindi tumutugon sa kaniyang panawagan. Bagkus, gaya ng pagkasabi ni apostol Pablo, kilalanin natin ang pagkaapurahan ng panahon: “Narito! Ngayon ang tanging kaaya-ayang panahon. Narito! Ngayon ang araw ng kaligtasan.”​—2 Corinto 5:20; 6:2.

Ikaw ba ay makakasama sa mga taong may maligayang pag-asa na makatawid sa katapusan ng kasalukuyang balakyot na sistema ng mga bagay upang mabuhay sa matuwid na Bagong Kaayusan na ipinangako ng Diyos? Iyan ay depende sa itinuturing mong pinakamahalaga sa iyong buhay ngayon at sa ginagawa mo upang magtamo ng isang aprobadong kaugnayan sa Diyos. Ikaw ang magpapasiya!

[Mga larawan sa pahina 5]

Kung ikaw ay nagpapasalamat sa mayregalo sa iyo . . .

. . . kumusta naman ang pinakadakilang tagapagregalo, ang Diyos na Jehova?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share