Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 8/1 p. 8-9
  • Ano ang Matuwid na Gawin Kung Sabbath?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Matuwid na Gawin Kung Sabbath?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Matuwid na Gawin Kung Sabbath?
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Ano ang Tamang Gawin Kapag Sabbath?
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Pagpitas ng Butil sa Araw ng Sabbath
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Pagpitas ng Trigo sa Sabbath
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 8/1 p. 8-9

Ang Buhay at Ministeryo ni Jesus

Ano ang Matuwid na Gawin Kung Sabbath?

ISANG Sabbath noon nang dalawin ni Jesus ang isang sinagoga malapit sa Dagat ng Galilea. Naroon ang isang tao na ang kanang kamay ay natuyot. Ang mga eskriba at mga Fariseo ay matamang nagmamasid upang alamin kung siya’y pagagalingin ni Jesus. Sa wakas ay nagtanong sila: “Matuwid bagang magpagaling sa araw ng sabbath?”

Ang mga pinunong relihiyosong Judio ay naniniwala na matuwid na magpagaling kung araw ng Sabbath tanging kung ang buhay ay nanganganib. Halimbawa, itinuturo nila na kung Sabbath ay hindi matuwid na gumamot ng isang nabaling buto o lagyan ng benda ang isang nabaling buto. Samakatuwid ang mga eskriba at mga Fariseo ay nag-uusisa kay Jesus upang kanilang maisakdal siya.

Datapuwat, batid ni Jesus ang kanilang kaisipan. Gayundin, natatalos niya na sila’y may sobrang pagkakilala na di maka-Kasulatan sa kung ano ang paglabag sa utos ng Sabbath na nagbabawal ng pagtatrabaho. Sa ganito’y napaharap si Jesus sa isang tuwirang komprontasyon ng sabihin niya sa taong may tuyong kamay: “Tumindig ka at pumarito ka.”

Ngayon, nang bumaling sa mga eskriba at mga Fariseo, sinabi ni Jesus: “Sino kaya sa inyo na kung mayroong isang tupa na kung mahulog ito sa isang hukay sa araw ng sabbath ay hindi baga niya aabutin at iaahon iyon?” Yamang sa isang tupa’y mayroon silang pinuhunan, hindi nila iiwanan iyon sa hukay hanggang sa kinabukasan, baka iyon ay magkasakit at mawalang-halaga. Isa pa, sinasabi ng Kasulatan: “Ang matuwid ay nangangalaga sa kaluluwa ng kaniyang alagang hayop.”

Upang ipakita ang pagkakatulad, si Jesus ay nagpatuloy pa: “Gaano pa nga ang isang tao na may halaga kaysa isang tupa! Kaya’t matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng sabbath.” Dahilan sa hindi nila masalungat ang gayong makatuwiran at maawaing pangangatuwiran, ang mga pinunong relihiyoso ay nagsawalang-kibo.

Taglay ang galit, at ang kalungkutan dahil sa kanilang pagmamatigas at kamangmangan, si Jesus ay nagmasid sa palibot. Pagkatapos ay sinabi niya sa lalaki: “Iunat mo ang iyong kamay.” At kaniyang iniunat iyon at ang kamay ay gumaling.

Imbis na matuwa dahil sa gumaling ang kamay ng taong iyon, ang mga Fariseo ay nagsialis at kaagad nakipagsabuwatan sa mga kapartido at tagasunod ni Herodes upang maipapatay si Jesus. Ang partido pulitikal na ito ay maliwanag na kinabibilangan ng mga relihiyosong Saduceo. Karaniwan nang ang partido pulitikal na ito at ang mga Fariseo ay hayagang magkasalungat, subalit sila’y mahigpit na nagkakaisa sa kanilang pananalansang kay Jesus. Mateo 12:9-14; Marcos 3:1-6; Lucas 6:6-11; Kawikaan 12:10; Exodo 20:8-10.

◆ Ano ba ang kapaligiran na pinangyarihan ng isang mahigpit na komprontasyon ni Jesus at ng mga pinunong relihiyosong Judio?

◆ Ano ba ang paniwala ng mga Judio tungkol sa pagpapagaling kung araw ng Sabbath?

◆ Anong ilustrasyon o paghalimbawa ang ginamit ni Jesus upang ibuwal ang kanilang mga maling paniniwala?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share