Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 8/15 p. 21-24
  • Ang Krus ba’y Para sa mga Kristiyano?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Krus ba’y Para sa mga Kristiyano?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Simbolong Kristiyano Ba?
  • Si Constantino at ang Krus
  • Ang Pag-unlad ng Krus
  • Si Kristo ba ay Namatay sa Isang Krus?
  • Paglakad Ayon sa Pananampalataya, Hindi Ayon sa Paningin
  • Talaga Bang sa Krus Namatay si Jesus?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Ang Ibig Sabihin ng Pag-ibig sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Kung Bakit Hindi Gumagamit ng Krus sa Pagsamba ang Tunay na mga Kristiyano
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Krus
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 8/15 p. 21-24

Ang Krus ba’y Para sa mga Kristiyano?

“IBINIGAY iyan sa akin ng Nanay ko.” “Iyan ay hindi alangan sa lalaki.” “Isinusuot ko iyan bilang isang hiyas.” “Hindi ako mapakali kung wala ako niyan.” “Iyan ang aking proteksiyon laban sa masama.” “Isa lamang bagay iyan na maikukuwintas.”

Ganiyan ang tugon ng maraming tao na tinanong kung bakit sila’y may suot na krus. Bagama’t malinaw na hindi lahat ay nagsusuot niyan dahil sa relihiyosong debosyon, ang pagkukuwintas ng krus ay lubhang uso sa maraming panig ng daigdig. Maging ang mga kabataang Sobyet man ay nakitang may suot nito. Marami ang may matinding pagpapahalaga sa krus, sapagkat, gaya ng sinabi ng isang kabataan, “Iyan ay sagrado.”

Subalit tunay kayang wasto para sa isang Kristiyano na magkuwintas ng krus? Ito ba’y wastong kumakatawan sa paraan ng pagkamatay ni Kristo? At mayroon bang makatuwirang mga pagtutol kahit na sa pagsusuot nito bilang isang hiyas? Upang mapag-alaman iyan, alamin muna natin ang pinagmulan ng krus.

Isang Simbolong Kristiyano Ba?

Marahil ay ipagpapalagay mo na ang mga Kristiyano ang unang-unang gumamit ng krus. Subalit, ang The Encyclopedia Americana, ay nagsasabing “ito’y unang-unang ginamit kapuwa ng mga Hindu at mga Budhista sa India at Tsina, at ng mga Persiano, Asiryo, at Babiloniko.” Gayundin, ang Chambers’s Encyclopaedia, (edisyon ng 1969) ay nagsasabi na ang krus “ay isang emblema na kinabitan ng relihiyoso at mistikong mga kahulugan malaon na bago pa ng panahong Kristiyano.”

Oo, walang ebidensiya na ang sinaunang Kristiyano’y gumamit ng krus sa kanilang pagsamba. Noong mga sinaunang araw ng Kristiyanismo, ang mga paganong Romano ang gumamit ng krus! Ang sabi ng The Companion Bible: “Ang mga krus na ito ay ginamit bilang simbolo ng diyos-araw ng Babilonya, . . . at unang nakita sa isang barya ni Julio Cesar, 100-44 B.C., at pagkatapos sa isang barya naman ng tagapagmana ni Cesar (Augusto), 20 B.C.” Ang diyos ng kalikasan ng mga Romano na si Bacchus ay inilalarawan kung minsan na may banda sa ulo na kung saan maraming krus.

Kung gayon, papaano ngang ang krus ay naging simbolo ng Sangkakristiyanuhan?

Si Constantino at ang Krus

Noong 312 C.E., si Constantino, na nagpupuno sa lugar na ngayo’y kilala bilang Pransiya at Britaniya, ay humayo upang makipagdigma sa kaniyang bayaw, si Maxentius, ng Italya. Samantalang siya’y papunta roon nakakita siya di-umano ng isang pangitain​—isang krus na may mga salitang “Hoc vince,” na ang ibig sabihin, “Sa pamamagitan nito ay manakop ka.” Pagkatapos ng kaniyang tagumpay, ginawa ni Constantino ang krus bilang pinaka-bandila ng kaniyang mga hukbo. Nang ang Kristiyanismo nang malaunan ay maging relihiyon ng estado ng Imperyo Romano, ang krus ay naging simbolo ng simbahan.

Subalit ang gayon bang pangitain ay aktuwal na nangyari? Ang mga ulat ng alamat na ito ay, sa pinakamahusay, segunda mano at punô ng mga pagkakasalungatan. Prangkahan, mahirap na makasumpong ng isang malamang na imposibleng paghayagan ng isang banal na pangitain kaysa kay Constantino. Sa panahon ng ipinagpapalagay na pangyayaring ito, siya’y isang masugid na mananamba sa diyos-araw. Ang araw ng Linggo ay itinalaga pa mandin ni Constantino para sa pagsamba sa araw. Ang kaniyang iniasal pagkatapos ng kaniyang di-umano’y kombersiyon ay walang gaanong ibinibigay na ebidensiya na siya’y tunay na nakatalaga sa matuwid na mga prinsipyo. Pamamaslang, intriga, at politikal na ambisyon ang namayani sa kaniyang buhay. Wari nga na para kay Constantino, ang Kristiyanismo ay isa lamang politikal na kasangkapan upang pagkaisa-isahin ang watak-watak na imperyo.

Bahagya rin naman ang ebidensiya na ang uri ng krus na “nakita” ni Constantino ay talagang kumakatawan sa instrumento na ginamit para sa pagpatay kay Kristo. Ang nakalarawan sa maraming barya na ipinagawa ni Constantino pagkatapos ay mga hugis-X na krus na sa bandang itaas ay may nakalagay na “P.” (Tingnan ang ilustrasyon.) Ang An Expository Dictionary of New Testament Words, ni W. E. Vine, ay nagsasabi: “Tungkol sa Chi, o X, na ayon kay Constantino ay kaniyang nakita sa isang pangitain na doo’y inaakay siya na itaguyod ang pananampalatayang Kristiyano, ang letrang iyan ang inisyal ng salitang ‘Kristo’ [sa wikang Griego] at walang kinalaman sa ‘Krus,’ ” samakatuwid nga, bilang isang instrumento na kinamatayan. Ang totoo, ang istilong ito ng krus ay halos kaparis na rin ng simbolong pagano para sa araw.

Kung gayon, bakit ang krus ay napakadaling tinanggap ng mga “Kristiyano”? Ang Dictionary ni Vine ay nagpapatuloy pa: “Noong kalagitnaan ng ika-3 sig. A.D. ang mga simbahan ay lumayo, o lumapastangan, sa mga ibang doktrina ng relihiyong Kristiyano. Upang palawakin ang prestihiyo ng apostatang sistema eklesyastikal ang mga pagano ay tinanggap sa mga simbahan bukod sa muling pagbabangon sa pamamagitan ng pananampalataya, at pinayagan ang marami sa kanila na taglayin pa rin ang kanilang mga paganong tanda at simbolo. Kaya ang Tau o T, na malimit na nasa gayong porma, na nakababa ang pinaka-krus, ay hiniram upang kumatawan sa krus ng Kristo.”

Ang Pag-unlad ng Krus

Pag-ibig ba kay Kristo ang dahilan kung bakit ang krus, sa atrasadong panahong ito, ay sinamba? Ang Encyclopaedia of Religion and Ethics ay nagsasabi: “Noong ika-4 na sig[lo] ang paniniwala sa magic ay nagsimulang magkaugat sa loob ng Iglesya.” Tulad sa isang gayumang magic, inaakalang ang basta pag-aantanda ay siyang “pinakasiguradong depensa laban sa mga demonyo, at remedyo para sa lahat ng sakit.” Ang mapamahiing paggamit sa krus ay sinusunod pa hanggang sa araw na ito.

Sa lumipas na mga taon, mga 400 iba’t ibang istilo ng krus ang umunlad. Sa simula, si Kristo ay hindi inilalarawan doon. Bagkus, isang bata na may hawak na krus na ginayakan ng hiyas ang inilalarawan doon. Nang magtagal, doo’y isinali ang isang kordero. Noong 691 C.E., ginawang “opisyal” ng Konsilyo sa Trullo ang isang krus na nagpapakita ng busto ng isang lalaki, imbis na isang kordero, na nasa ibabaw ng krus. Nang magtagal ay ito ang naging krusipiho​—isang krus na may representasyon ng katawan ni Kristo.

Si Kristo ba ay Namatay sa Isang Krus?

‘Subalit hindi ba itinuturo ng Bibliya na si Kristo’y aktuwal na namatay sa isang krus?’ ang marahil itatanong ng isang tao. Upang masagot ito, kailangan alamin natin ang kahulugan ng dalawang salitang Griego na ginamit ng mga manunulat ng Bibliya upang ilarawan ang instrumentong kinamatayan ni Kristo: stau·rosʹ at xyʹlon.

Ang The International Standard Bible Encyclopedia (1979) ay nagsasabi sa ilalim ng paulong “Krus”: “Sa orihinal na Gr. ang staurós ay tumutukoy sa isang patulis, patayo na tulos ng kahoy na nakapirme sa lupa. . . . Ang mga ito ay nakapuwesto nang tabi-tabi upang magsilbing bakod o pinaka-depensang mga estaka sa palibot ng mga tirahan, o kung isa-isa ay ginagamit sa pagpaparusa at kung saan ang malulubhang manlalabag-batas ay ibinibitin sa harap ng madla upang mamatay (o, kung patay na, upang ang kanilang mga bangkay ay lubusang mawalang-dangal).”

Totoo naman, ang mga Romano ay may instrumento na ginagamit sa pagpatay na tinatawag sa Latin na crux. At sa pagsasalin ng Bibliya sa Latin, ang salitang ito na crux ay ginamit bilang pagsasalin ng stau·rosʹ. Dahilan sa ang salitang Latin na crux at ang salitang Tagalog na krus ay magkahawig, marami ang may maling palagay na ang crux ay tiyak na isang tulos na may pakrus na kahoy. Datapuwat, sinasabi ng The Imperial Bible-Dictionary: “Kahit na sa mga Romano ang crux (na pinagkunan ng ating krus) ay lumilitaw na sa unang-una pa’y isang nakatindig na poste, at ito ay laging siyang pinakalitaw na bahagi.”

Ang aklat na The Non-Christian Cross ay may susog pa: “Walang isa mang pangungusap sa alinman sa maraming mga isinulat na bumubuo ng Bagong Tipan na, sa orihinal na Griego, nagsisilbing kahit na di-tuwirang ebidensiya ng bagay na ang stauros na ginamit sa kaso ni Jesus ay hindi isang ordinaryong stauros [poste o tulos]; at wala ring ebidensiya na ito’y binubuo, hindi ng isang piraso ng kahoy, kundi ng dalawang piraso na ipinako upang maging isang krus.” Malamang na si Kristo ay ibinayubay sa isang uri ng krus (stau·rosʹ) na tinatawag na crux simplex. Ganiyan ang pagkalarawan sa gayong tulos ng Romano Katolikong iskolar na si Justus Lipsius noong ika-16 na siglo.

Kumusta naman yaong isa pang salitang Griego, na xyʹlon? Ito’y ginamit sa Griegong Septuagint na salin ng Bibliya sa Ezra 6:11. Sa New World Translation ito’y kababasahan: “At ako ang nagbigay ng isang utos na, ang sinuman na lalabag sa pag-uutos na ito, isang kahoy ang kukunin sa kaniyang bahay at siya’y ibibitin doon, at ang kaniyang bahay ay gagawing pangmadlang palikuran dahilan dito.” Maliwanag, isang pirasong biga, o “kahoy,” ang tinutukoy rito.

Maraming mga tagapagsalin ng Kasulatang Griegong Kristiyano (Bagong Tipan) ang sa gayo’y may ganitong pagkakasalin ng pangungusap ni Pedro sa Gawa 5:30: “Ang Diyos ng ating mga ninuno ang bumuhay kay Jesus, na inyong pinaslang, at ibinitin sa isang tulos [o, “punungkahoy,” sang-ayon sa King James Version, New International Version, The Jerusalem Bible, at Revised Standard Version].” Marahil ay gusto mong alamin din kung paano isinasalin ng iyong Bibliya ang xyʹlon sa: Gawa 10:39; 13:29; Galacia 3:13; at 1 Pedro 2:24.

Paglakad Ayon sa Pananampalataya, Hindi Ayon sa Paningin

Kahit na pagkatapos isaalang-alang ang ebidensiya na si Kristo’y talagang namatay sa isang tulos, baka ang iba’y magsabi pa rin na wala namang masama sa pagkukuwintas ng isang krus. ‘Ito’y isang hiyas lamang,’ marahil ay sasabihin nila.

Subalit, alalahanin kung paanong ang krus ay napakatagal nang ginagamit sa kasaysayan​—bilang isang bagay na sinasamba ng mga pagano at nagbabadya ng pamahiin. Ang pagkukuwintas ba ng isang krus, kahit na iyon ay isang hiyas lamang, ay masasabi na kaayon ng payo ni apostol Pablo sa 1 Corinto 10:14: “Kung gayon, mga minamahal ko, lumayo kayo sa idolatriya”?

Kumusta naman ang mga tunay na Kristiyano sa ngayon? Sila rin naman ay dapat na palaisip na ‘lumayo sa mga idolo,’ gaya ng ipinapayo ng Bibliya. (1 Juan 5:21) Kaya naman hindi nila itinuturing na ang krus ay isang hiyas na nababagay isuot. Kanilang nagugunita ang sinabi ni Pablo: “Sinumpa ang bawat taong ibinitin sa isang tulos,” at samakatuwid ang iniisip nila kay Kristo ay isa itong maluwalhating nakaluklok na Hari!​—Galacia 3:13; Apocalipsis 6:2.

Bagaman ang gayong mga Kristiyano ay hindi nagkukuwintas ng krus, lubhang pinahahalagahan nila na si Kristo ay namatay alang-alang sa kanila. Batid nila na ang hain ni Kristo ay isang kamangha-manghang pagtatanghal ng “kapangyarihan ng Diyos” at ng kaniyang walang-hanggang pag-ibig. (1 Corinto 1:18; Juan 3:16) Subalit hindi nila kailangan ang anumang materyal na bagay na gaya ng krus upang tumulong sa kanila na sumamba sa Diyos na ito ng pag-ibig. Sapagkat, gaya ng paalaala ni Pablo, sila ay “lumalakad ayon sa pananampalataya, hindi ayon sa paningin.”​—2 Corinto 5:7.

[Larawan sa pahina 22]

Ang krus ay umunlad tungo sa maraming hugis at anyo noong lumipas na mga siglo

[Larawan sa pahina 23]

Istatuwa ng diyos ng mga Griego na si Marsyas na binalatan nang buháy sa isang katawan ng punungkahoy​—Ang Louvre, Paris

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share