Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 12/1 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Kamelyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Ang Kamelyong Arabe—Ang Maraming-Gamit na Sasakyan sa Aprika
    Gumising!—1992
  • Karayom, Butas ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 12/1 p. 31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

◼ May mga iskolar na nagsasabing “lubid” ang dapat ihahalili sa “kamelyo” sa Mateo 19:24, na nagsasabi: “Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom.” Alin pong salita ang tama?

May mga iskolar ng Bibliya na maling nanghihinuha na sa Aramaika orihinal na isinulat ang mga salita ni Jesus dito. Ang salitang Aramaika na ginamit sa gayong mga bersiyon (gam·la’ʹ) ay maaaring mangahulugan ng “kamelyo.” Subalit, depende sa konteksto, ito’y maaari ring isalin na “isang malaking lubid at isang barakilan.” Datapuwat sang-ayon kay Papias ng Hierapolis, na marahil isang kontemporaryo ni apostol Juan, sa orihinal na Hebreo, at hindi sa Aramaika, isinulat ni Mateo ang kaniyang Ebanghelyo, at pagkatapos ay isinalin ito sa Griego. Ang salitang Hebreo para sa kamelyo (ga·malʹ) ay malaki ang ipinagkakaiba sa mga salitang isinaling lubid (cheʹvel) o pisi (‘avoth’), at tiyak na ang tamang terminong Griego ang pinili ni Mateo.

Ang pinakamatanda at pinakamapananaligang mga manuskritong Griego (Sinaiticus at Vatican No. 1209) ay taglay ang salitang kaʹme·los, na ang ibig sabihin ay kamelyo. Ang salita ring ito ay ginagamit sa Mateo 23:24, na kung saan walang gaanong pagdududa na “kamelyo” ang intensiyon na gamitin.

Sa lumipas na daan-daang taon sinikap ng mga ilan na palambutin ang matinding matalinghagang paghahalimbawa ni Jesus. Mayroon pang mga iba na naging labis-labis na maluwag sa pakikitungo sa banal na teksto. Mula noong humigit-kumulang ikalimang siglo, isang nahahawig na salita na kaʹmi·los ang matatagpuan sa tekstong ito sa mga ilang manuskritong Griego. Ang ibig sabihin ng pambihirang salitang ito ay “lubid, kable ng barko.” Sang-ayon sa A Greek-English Lexicon of the New Testament ni Arndt at Gingrich, ito ay “walang dako sa BT [Bagong Tipan].” Ang sinisi ng mga iskolar sa Griego na sina Westcott at Hort sa pagkakahaliling ito noong ikalimang-siglo ay ang nag-aangking Kristiyano na si Cyril ng Alexandria, na nagsabing ang salitang ginamit ni Mateo (kaʹme·los) ay maaaring mangahulugan na isang kable, at ang sabi: “Naging kaugalian na ng mga taong mahusay sa nabigasyon ang tawagin ng ‘kamelyo’ ang lalong makakapal na mga kable.” Gayunman, tungkol sa ideyang ito ganito ang sinasabi nina Westcott at Hort: “Tunay na ito’y mali.”

Ang ideya ng isang malaking kamelyong naghihirap upang makapasok sa butas ng isang napakaliit na panahing karayom ay “isang pagpapakalabis sa Silangan,” sang-ayon sa isang aklat na reperensiya. Sa katunayan, sa pagtalakay tungkol sa mga ilang indibiduwal na napabantog dahil sa gayong tusong pananalita na anupa’t waring yaong imposible ang ginagawa nila, ang The Babylonian Talmud ay nagsasabi: “Kanilang pinararaan ang isang elepante sa butas ng isang karayom.” Samakatuwid si Jesus ay gumagamit ng isang tipikong larawang Silangan upang idiin ang pagkaimposible ng isang bagay sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang malinaw na pagkakaiba. Tunay, magiging imposible na suotan ng sinulid ang anumang malaking bagay sa pamamagitan ng butas ng isang karayom​—maging iyon man ay lubid, kamelyo, o elepante.

Hindi ang ibig sabihin ni Jesus ay na imposible na ang isang taong mayaman ay magkamit ng buhay, sapagkat may mga ilang mayayaman na naging tagasunod niya. (Mateo 27:57; Lucas 19:2, 9; Juan 19:38, 39) Subalit mga ilang saglit lang bago sinalita ni Jesus ang ‘matinding pananalitang’ ito, isang binatang mayaman ang tumanggi sa dakilang mga pagkakataon sa espirituwal dahilan sa nakahihigit na pag-ibig sa kaniyang “maraming mga ari-arian.” (Mateo 19:16-22) Magiging imposible nga para sa kaninumang taong mayaman na may ganitong saloobin na magmana ng buhay na walang-hanggan. Tanging kung kakamtin lamang ang sukdulang tulong ng Diyos makapagbabago ang gayong tao at tatanggap ng kaligtasan na mangyayari sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.​—Mateo 19:25, 26.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share