Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 7/15 p. 31
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Guhit-guhit ng Zebra
  • Nagtatrabahong mga Ministro?
  • Ang Sebra—Ang Mailap na Kabayo ng Aprika
    Gumising!—2002
  • Sebra
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Nakayayamot na mga Tagapagdalisay ng Tubig
    Gumising!—2003
  • Ang Aking Ekspedisyon sa Aprika—Naroon Sila Noon Para sa Akin—Naroroon Pa Rin Kaya Sila Para sa Aking mga Anak?
    Gumising!—1987
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 7/15 p. 31

Ang Kahulugan ng mga Balita

Ang mga Guhit-guhit ng Zebra

“Milyun-milyong taon ng ebolusyon” ang nagbigay sa zebra ng kaniyang mga guhit-guhit, ang sabi ng magasing World of Wildlife ng Britaniya. Anong dahilan? Sinasabi ng mga ilang siyentipiko na ang mga guhit-guhit ay bunga ng ebolusyon at isang balatkayo upang mailigtas ang hayop na iyon buhat sa mga ibig puminsala. Wari ngang nagbibigay ng kredibilidad sa paniwalang ito ang bagay na ang mga guhit-guhit ay lumilikha ng malabong epekto pagka tinanaw buhat sa malayo. Gayunman, hindi lahat ng mga siyentipiko ay sumasang-ayon. Si Dr. Gerrie de Graaff, siyentipikong tagapayo ng Timog Aprikanong magasing Custos tungkol sa buhay-gubat, ang nagsabi: “Hindi natin maaring ipagpalagay na ang mga hayop ay kapareho natin ang pagtingin sa mga bagay-bagay.” Bilang pagpapaliwanag, binanggit ni de Graaff na ang asal ng mga zebra ay hindi kasuwato ng teoriya ng pagbabalatkayo may kaugnayan sa pagkakaroon ng mga guhit-guhit. Bakit? Sapagkat ang mga zebra ay hindi naman nagkukubli ng kanilang sarili di tulad ng mga hayop na umaasa sa kulay na magagamit nila sa pagkukubli ng kanilang sarili. Sila ay maiingay at aktibo at sa kanilang panginginain sa malawak na kapatagan ay hayag na ipinakikita nila ang kanilang sarili.

Ang mga ibang ebolusyonista ay sumusunod sa teoriya na ang mapagkakakilanlang itim at puting mga guhit-guhit ng zebra ay lumilikha ng isang guniguning pangitain. Sang-ayon kay de Graaff, ang isang paniwala ay na ang “sumasalakay na leon ay hindi nakakakilala ng isang indibiduwal na kaniyang hinahanap dahilan sa iyon ay kasama ng mga iba pa sa kawan,” samantalang “isa naman ang nagsasabi na ang leon ay nasisilaw o mali ang kaniyang kalkulasyon sa kaniyang guniguning huling paglundag.” Subalit gaya ng kaniyang puna, “ang mga teoriyang ito ay lumulubog dahilan sa nakikitang pagtitiwala na taglay ng leon sa kanilang pagpatay sa mga zebra.”

Bilang pagtatapos, inamin ni de Graaff na, “hanggang sa ngayon, talagang hindi namin alam kung bakit ang zebra ay may mga guhit-guhit.” Gayunman, ang dahilan ay malinaw sa mga nag-aaral ng Bibliya. Sa Genesis 1:20-25 ay sinasabi na lahat ng mga nilikha sa lupa ay nilalang ng Diyos “ayon sa kani-kanilang uri.” Kaya naman, isang natural na biolohikong kaayusan ang dahilan kung bakit ang zebra ay may mga guhit. Ang gayong mga guhit-guhit ay bahagi ng kamangha-manghang sarisaring disenyo sa mga nilalang ng Diyos.

Nagtatrabahong mga Ministro?

May mga klerigong umaasang makakakita sila ng malaking pagbabago sa kanilang propesyon sa malapit na hinaharap. Ito ang ipinahayag nang may pagkabahala ng isang pastor Lutherano, si Jean-Pierre Jornod, sa Reformiertes Forum, isang lathalaing Lutherano sa Switzerland. Sinabi niya: “Hinuhulaan ko na ang pastor sa taong 2000 ay karamihan sa kanila magkakaroon ng isang trabahong parttime bukod sa kaniyang parokya.” Bakit? Isinusog niya: “Hindi naman dahil lamang sa kailangan niya ang salapi, kundi una at pangunahin ay sapagkat patuloy ang pangangailangan ng lipunan ng mga pastor na may kaugnayan sa araw-araw na pamumuhay.”

Si Jornod ay nagpaliwanag pa tungkol dito at nagsabi: “Sa taóng 2000 ang pastor ay isang lalaki o babae na lubhang sanay sa sining ng komunikasyon. Hindi ko sinasabing ang simbahan ay mababakante sa panahong iyon, subalit ang mga tao na ibig marating ng isang pastor ay lalayo sa simbahan, kagaya halos ng nangyayari sa ngayon. Samakatuwid, ang kaniyang mensahe ay kailangang maging lalong maliwanag, higit na nauunawaan, at diretso sa punto.”

Kapuna-puna na ang binabayarang mga pastor ay hindi makikita sa Kristiyanismo noong unang siglo. Halimbawa, si apostol Pablo ay gumagastos sa kaniyang sariling personal na mga pangangailangan sapagkat siya’y may hanapbuhay​—ang paggawa ng tolda. Bukod diyan, kaniyang nararating ang mga tao sa isang napakaepektibong paraan, sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila “nang hayagan at sa bahay-bahay.” (Gawa 18:3; 20:20, 21, 33, 34) Kabaligtaran naman ng sa ngayo’y binabayarang mga ministro, ang matatanda, o mga pastor, sa gitna ng mga Saksi ni Jehova ay sumusunod pa rin sa maka-Kasulatang halimbawang ito ng unang-siglong mga Kristiyano.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share