Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 1/15 p. 24
  • Ang Dakilang Pintor—Si Jehova!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Dakilang Pintor—Si Jehova!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Aking Buhay Bilang Isang Pintor
    Gumising!—2001
  • Ano ba ang Sining?
    Gumising!—1995
  • Sangnilalang, Purihin si Jehova!
    Umawit ng mga Papuri kay Jehova
  • Paglilingkod sa Pinakadakilang Pintor sa Lahat
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 1/15 p. 24

Ang Dakilang Pintor​—Si Jehova!

“ANG mga pintor ay nagpipinta ng di-mabilang na mga pagsikat at mga paglubog ng araw, at ang kanilang mga ipinintang larawan ay naibebenta sa halagang daan-daan, at libu-libo pang, mga dolyar. Subalit, si Jehovang Diyos, ang Dakilang Pintor at Maylikha ng mga paglubog at mga pagsikat ng araw, ay nagbibigay sa atin ng isa araw-araw​—walang bayad. Ang orihinal ay makapupong nakahihigit sa mga kopya lamang. Hindi ba iyan ay dapat na magbigay sa atin ng dahilan na pahalagahan siya bilang ang Maylikha?” Ganiyan ang pangangatuwiran ng isang naglalakbay na tagapangasiwa ng mga Saksi ni Jehova sa Hawaii samantalang binibigkas niya ang isa sa kaniyang mga pahayag sa isang kongregasyon.

Isang babaing ateyista, na dumadalaw sa Kingdom Hall nang unang-unang beses, ang naroon bilang isa sa mga nakikinig. Kaniyang napansin ang pangangatuwiran ng ministro, subalit hindi pa rin makatkat sa kaniyang isip ang mga pagdududa tungkol sa kung mayroon nga bang Diyos. Subalit, samantalang siya’y nagmamaneho pauwi galing sa trabaho halos dalawang taon na ang nakalipas magmula noon, siya’y nabinbin sa buhul-buhol na trapik. Dahil dito’y napuna niya ang isang namumukod-tanging paglubog ng araw. Nanariwa sa kaniyang gunita ang pahayag ng naglalakbay na tagapangasiwa.

Ganito ang kaniyang bida: “Imbis na mayamot ako dahil sa pagkabinbin sa trapik, napansin ko ang magandang paglubog ng araw, at naalaala ko ang sinabi ng nagpahayag tungkol sa pagpapasalamat sa Diyos na Jehova bilang isang Pintor at isang Maylikha. Aking pinag-isipan iyon, ‘Marahil ang kaniyang sinabi ay totoo; baka talagang mayroong isang Manlilikha.’ Pinag-isipan ko iyon habang ako’y pauwi, at nang gabing iyon ay tinawagan ko ang aking kaibigan na siyang unang-unang nag-anyaya sa akin sa Kingdom Hall. Aking sinimulan na pag-aralan ang Bibliya, at ngayon ako’y sumasamba kay Jehova bilang aking Diyos at Maylikha.”

Tulad ng salmista, ang babaing ito ay hindi lamang dumating sa punto na pagkilala kay Jehova bilang ang Dakilang Pintor sa paglalang kundi hanggang sa pag-awit sa kaniya ng mga papuri. Ganito ang isinulat ng salmista: “Purihin ninyo si Jehova mula sa kalangitan . . . Purihin ninyo siya, kayong araw at buwan. Purihin ninyo siya, kayong lahat na mga bituin ng liwanag. . . . Purihin nila ang pangalan ni Jehova; sapagkat siya ang nag-utos, at sila’y nangalalang.”​—Awit 148:1-5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share