Isang Wastong Pag-uulat ng Isang Nakasaksi!
Isang kamakailang inilathalang tekstong Ugaritic (KTU 1.161) ang nagpapatunay sa pagkamapanghahawakan ng 2 Hari 10:19, 20. Upang mapuksa ang mga mananamba kay Baal, si Haring Jehu ay nag-utos: “Magdaos kayo ng isang pinabanal na dakilang kapulungan para kay Baal.” (Isang diyus-diyusan, marahil kinakatawan ng rebultong maliit sa kaliwa.) Sang-ayon sa Vetus Testamentum, isang magasing inilathala sa Netherlands, ang pananalitang ito ay “tunay na Cananeo” at ang ibig sabihin ay “‘isang saradong bilog’: sinumang tagalabas ay maaaring parusahan ng isang sumpa.” “Atin ngayong mahihinuha na ang autor ng talata sa 2 Hari ay malinaw na nagpapakilalang may malawak na kaalaman tungkol sa mga terminong relihiyoso ng mga Cananeo,” ang sabi ng Vetus Testamentum.
[Picture Credit Line sa pahina 25]
Louvre Museum, Paris