Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 1/15 p. 23
  • “Huwag Magsawa sa Paggawa ng Mabuti”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Huwag Magsawa sa Paggawa ng Mabuti”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pagpapakahayag at Pagkanaririto ni Kristo
  • Pakikitungo sa mga Magugulo
  • Aklat ng Bibliya Bilang 53—2 Tesalonica
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Tesalonica, Mga Liham sa mga Taga-
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Nilalaman ng 2 Tesalonica
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Aklat ng Bibliya Bilang 52—1 Tesalonica
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 1/15 p. 23

“Huwag Magsawa sa Paggawa ng Mabuti”

Mga Tampok Mula sa Ikalawang Tesalonica

DAHIL sa pag-aalala ni apostol Pablo sa mga Kristiyano sa siyudad ng Tesalonica sa Macedonia kung kaya siya napukaw na sumulat ng kaniyang ikalawang liham sa kanila, humigit-kumulang taóng 51 C.E. Ang mga ilan na nasa kongregasyon ay nagkamali ng pagsasabi na napipinto na ang pagkanaririto ni Jesu-Kristo. Marahil maging ang isang liham na maling ipinagpapalagay na si Pablo ang sumulat ay ipinakahulugan na nagpapakitang “ang araw ni Jehova” ay sumapit na.​—2 Tesalonica 2:1, 2.

Ang kaisipan ng ilang taga-Tesalonica kung gayon ay kinailangang ituwid. Sa kaniyang ikalawang liham, sila’y pinapurihan ni Pablo dahil sa kanilang lumalagong pananampalataya, lumalaking pag-ibig, at tapat na pagtitiis. Subalit kaniya ring ipinakita na darating ang apostasya bago pumarito si Jesus. Kaya naman may mga panahon ng kagipitan na napipinto, at ang liham ng apostol ay tutulong sa kanila na pakinggan ang kaniyang payo: “Kayo’y huwag magsawa sa paggawa ng mabuti.” (2 Tesalonica 3:13) Ang mga salita ni Pablo ay makatutulong sa atin sa ganiyan ding paraan.

Ang Pagpapakahayag at Pagkanaririto ni Kristo

Ang unang binanggit ni Pablo ay kaginhawahan buhat sa kapighatian. (1:1-12) Ito’y darating “sa pagkahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit kasama ang kaniyang makapangyarihang mga anghel.” Ang walang-hanggang pagkapuksa ang kakamtin ng mga hindi tumatalima sa mabuting balita. Nakaaaliw na alalahanin ito pagka tayo’y dumaranas ng kapighatian sa kamay ng mga mang-uusig.

Pagkatapos, binanggit ni Pablo na “ang taong tampalasan” ay mahahayag bago pumarito si Kristo. (2:1-17) Ang mga taga-Tesalonica ay hindi dapat mapukaw ng anumang mensahe na nagpapahiwatig na “ang araw ni Jehova” ay naririto na sa kanila. Una, magaganap ang apostasya at mahahayag ang taong tampalasan. Pagkatapos, siya’y papatayin ni Jesus, na gagawin ang gayon sa Kaniyang pagkanaririto. Samantala, ipinanalangin ni Pablo na aliwin ng Diyos at ni Kristo ang puso ng mga taga-Tesalonica at sila’y gawing “matatag sa bawat mabuting gawa at salita.”

Pakikitungo sa mga Magugulo

Sa mga salita ni Pablo ay kabilang ang mga tagubilin sa kung papaano makikitungo sa mga taong magugulo. (3:1-18) Siya’y nagpahayag ng pagtitiwala na patitibayin ng Panginoon ang mga taga-Tesalonica at iingatan sila buhat sa balakyot na isa, si Satanas na Diyablo. Subalit sila’y kailangang gumawa ng mga hakbang para sa kanilang sariling espirituwal na kapakinabangan. Sila’y kailangang humiwalay sa mga magugulo, yaong mga nanghihimasok sa mga bagay na wala silang kinalaman at tumatangging magtrabahao. “Kung ang sinuman ay ayaw magtrabaho,” ang sabi ni Pablo, “siya’y huwag rin naman ninyong pakanin.” Ang gayong mga tao ay kailangang markahan, at hindi dapat makihalubilo sa kanila, bagaman sila’y dapat pagpayuhan bilang mga kapatid. Ang tapat na mga Kristiyanong taga-Tesalonica ay hindi dapat magsawa ng paggawa ng mabuti, at nagnanasa si Pablo na ang di-sana-nararapat na kagandahang loob ng Panginoong Jesu-Kristo ay sumakanilang lahat.

Ang ikalawang liham ni Pablo sa mga taga-Tesalonica ay nagbibigay sa mga Saksi ni Jehova ng katiyakan na ang kaginhawahan buhat sa kanilang kapighatian ay darating pagka si Kristo at ang kaniyang mga anghel ay naghiganti na sa mga hindi tumatalima sa mabuting balita. Isa ring nakapagpapatibay-pananampalataya na malamang “ang taong tampalasan” [ang uring klero ng Sangkakristiyanuhan] at lahat ng huwad na relihiyon ay malapit na malapit nang lipulin. Samantala, pakinggan natin ang payo ni Pablo na huwag magsawa sa paggawa ng mabuti.

[Kahon/Larawan sa pahina 23]

Ang Salita ni Jehova ay Kumikilos Nang Mabilis: “Kami’y ipanalangin ninyo,” ang sulat ni Pablo, “upang ang salita ni Jehova ay patuloy na kumilos nang mabilis [o, “maaaring tumatakbo”] at maluwalhati na katulad ninyo.” (2 Tesalonica 3:1; Kingdom Interlinear) Ang ibang mga iskolar ay nagpapahiwatig na ang tinutukoy raw ng apostol ay mga mananakbo na tumatakbong mabilis sa isang takbuhan. Bagaman iyan ay walang katiyakan, hiniling ni Pablo sa Kristiyanong mga taga-Tesalonica na sila’y ipanalangin upang siya at ang kaniyang mga kamanggagawa ay makagawa upang mapalaganap ang salitang katotohanan nang may kabilisan at nang walang nakahahadlang. Dahilan sa sinasagot naman ng Diyos ang gayong mga panalangin, ang kaniyang salita ay “kumikilos nang mabilis” samantalang ang mabuting balita ay ipinangangaral nang mabilisan sa mga huling araw na ito. Ang salita ni Jehova ay “niluluwalhati” rin, lubhang pinahahalagahan ng mga sumasampalataya bilang “kapangyarihan ng Diyos sa kaligtasan,” gaya ng kung papaano iyon sa gitna ng mga taga-Tesalonica na tumanggap niyaon. (Roma 1:16; 1 Tesalonica 2:13) Anong laki ng ating kagalakan na pinagpapala ng Diyos ang mga tagapagbalita ng Kaharian at mabilis na pinararami ang mga sumasamba sa kaniya!​—Isaias 60:22.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share