Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 12/1 p. 6-8
  • Sapat na ba ang Anumang Relihiyon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sapat na ba ang Anumang Relihiyon?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Mahalagang Kaibahan
  • Ang Pangangailangan na Pumili
  • Kung Papaano Pipili ng Tamang Relihiyon
  • Ang Katotohanan at ang Bunga
  • Isinasagawa Ngayon ang Tunay na Relihiyon
  • Inilalayo ng mga Huwad na Relihiyon ang mga Tao sa Diyos
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Malapit Na ang Wakas ng Huwad na Relihiyon!
    Malapit Na ang Wakas ng Huwad na Relihiyon!
  • Bakit Pa Magiging Interesado sa Ibang Relihiyon?
    Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos
  • Talagang Mahalaga Kung Ano ang Relihiyon Ninyo
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 12/1 p. 6-8

Sapat na ba ang Anumang Relihiyon?

“Kalunus-lunos ang kapalaran ng panahon natin. Kailangan natin ang isang relihiyon, ngunit saanman ay wala tayong matagpuang isang Diyos na naaangkop.”​—Lucian Blaga, isang makata at pilosopong Romanian

“Ang relihiyon at ang klero ang isa sa pinakamahigpit na kaaway ng kaunlaran at kalayaan, at marahil mananatiling gayon nang mahabang panahon.”​—Khristo Botev, isang makatang Bulgarian

ANG kalakip na mga sinipi ay nagpapakita ng suliranin na kinalalagyan ng maraming taimtim na mga tao. Sa kanilang taimtim na kalooban inaakala nilang kailangan ang relihiyon, subalit ang mahiwagang Diyos na itinuturo ng klero ay hindi isang Diyos na kanilang nauunawaan at maiibig. Bukod diyan, kanilang natatalos na ang klero at ang kani-kanilang relihiyon ay malaki ang nagawa upang hadlangan ang kaunlaran at kalayaan ng tao. Oo, bagaman patuloy na kinikilala na kailangan ang isang relihiyon, ang tapat-pusong mga tao ay hindi makukontento sa anumang relihiyon.

Isang Mahalagang Kaibahan

May pangunahing papel na ginagampanan ang relihiyon sa sangkatauhan at sa kasaysayan. Tinutukoy ng The New Encyclopædia Britannica na ang relihiyon ay “isang tunay na pangyayari sa karanasan, kultura, at kasaysayan ng tao” at isinusog pa: “Ang mga katibayan ng relihiyosong mga saloobin at katapatan ay umiiral sa bawat bahagi ng buhay ng tao.” Subalit ipinakikita ng kasaysayan na walang isa man sa pangunahing relihiyon ng daigdig ang naging isang pagpapala para sa tao.

Ang estadista ng India na si Jawaharlal Nehru ay nagsabi minsan: “Ang panoorin na tinatawag na relihiyon, o sa papaano man ang organisadong relihiyon, sa India at saanman, ay nagbigay sa atin ng pangingilabot.” Kung isasaalang-alang ang mga digmaan na naganap at ang mga krimen na nangyari sa ngalan ng relihiyon, ikaw ba’y taimtim na makasasalungat sa sinabi niya?

Noong ika-18 siglo, ipinakita ng pilosopong Pranses na si Voltaire ang isang interesanteng pagkakaiba. Siya’y sumulat: “Ang relihiyon, wika mo, ay gumawa ng di-mabilang na mga gawang ubod-samâ. Bagkus ang dapat mong sabihin ay pamahiin, ang pamahiin na nangingibabaw sa ating malungkot na mundo. Ang pamahiin ang pinakamalupit na kaaway ng dalisay na pagsamba na utang natin sa Kataas-taasang Maykapal.” Binaka ni Voltaire ang relihiyosong panatisismo noong kaniyang kaarawan, ngunit siya’y nanatili sa kaniyang pananampalataya sa Diyos bilang Maylikha ng sansinukob. Nakita niya ang pagkakaiba ng tunay at ng huwad na relihiyon.

Ang Pangangailangan na Pumili

Hindi lahat ay kasang-ayon ni Voltaire. May nagsasabing sila’y nakakakita ng kabutihan sa lahat ng relihiyon; kaya naman, hindi nila nadarama ang tunay na pangangailangan na hanapin ang tunay na relihiyon. Ang gayong mga tao ay dapat sumunod sa babala na ibinigay ni propeta Isaias, na sumulat: “Sa aba nila na nagsasabing ang mabuti ay masama at ang masama ay mabuti, na inaaring dilim ang liwanag at liwanag ang dilim, na inaaring mapait ang matamis at matamis ang mapait!” (Isaias 5:20) Ang huwad na relihiyon ay namunga nang masama para sa sangkatauhan. Ang resulta ay espirituwal na kadiliman at nag-iwan ng kapaitan sa bibig ng tapat-pusong mga tao.

Samakatuwid, ang pagpipilian ay wala sa pagitan ng pagiging isang ateista at ng paniniwala sa anumang relihiyon. Hindi ganiyang kasimple iyan. Minsang nakilala ng sinuman ang pangangailangan para sa Diyos, ang isang iyan ay kailangang humanap sa tunay na relihiyon. Gaya ng may kagandahang pagkasabi ng mananaliksik na si Émile Poulat sa Le Grand Atlas des Religions (Ang Malaking Atlas ng mga Relihiyon): “Ang mga bagay na itinuturo ng [mga relihiyon] at hinihiling ay totoong napakarami na anupa’t imposible na paniwalaang lahat.” Kasuwato nito, ang Pranses na Encyclopædia Universalis (Universal Encyclopedia, 1989) ay nagsasabi: “Kung ang ika-21 siglo ay bumalik sa relihiyon, . . . ang tao ang kailangang magpasiya kung ang banal na mga bagay na iniaalok sa kaniya ay totoo o hindi.”

Kung Papaano Pipili ng Tamang Relihiyon

Ano ba ang ating giya sa pagpili ng tamang relihiyon? Ang Encyclopædia Universalis ay tama nang itampok nito ang kahalagahan ng katotohanan. Ang isang relihiyon na nagtuturo ng mga kasinungalingan ay hindi maaaring maging totoo. Ang pinakadakilang propeta na lumakad kailanman dito sa lupa ay nagsabi: “Ang Diyos ay isang Espiritu, at yaong mga sumasamba sa kaniya ay kailangang sumamba sa kaniya sa espiritu at sa katotohanan.”​—Juan 4:24.

Ang propetang iyan ay si Jesu-Kristo, at siya’y nagsabi rin: “Mag-ingat kayo laban sa mga bulaang guro ng relihiyon, na nagsisilapit sa inyo na may damit-tupa ngunit sa totoo’y masasakim na mga lobo. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga. . . . Bawat mabuting punungkahoy ay nagbubunga ng mabuti, ngunit ang masamang punungkahoy ay nagbubunga ng masama.” (Mateo 7:15-17, Phillips) Sa pagkakita sa masamang bunga ng “dakilang” mga relihiyon ng daigdig, at maging ng mga sekta at kulto na sumibol, maraming taimtim na mga tao ang may paniwala na lahat ng mga ito ay ‘masasamang punungkahoy,’ na walang sapat na kabutihan. Subalit papaano nila masusumpungan ang tunay na relihiyon?

Maliwanag na imposibleng mapag-aralan ang lahat ng libu-libong mga relihiyon sa loob at sa labas ng Sangkakristiyanuhan bago makagawa ng pagpili. Gayunman, kung​—gaya ng sinabi ni Jesus​—​gagamitin natin ang katotohanan at ang bunga bilang panukat, posible naman na ating makilala ang tunay na relihiyon.

Ang Katotohanan at ang Bunga

Binanggit ni Jesus ang katotohanan. Tungkol dito, anong grupo ng mga sumasampalataya ang tumatanggi sa relihiyosong mga kasinungalingan na kinuha sa sinaunang mitolohiya at Griegong pilosopya na taglay ng karamihan ng mga relihiyon? Ang isa sa gayong kasinungalingan ay ang turo na ang kaluluwa ng tao ay likas na walang-kamatayan.a Ang turong ito ay nagbunga ng lumalapastangan-sa-Diyos na doktrina ng apoy ng impiyerno.

Binanggit din ni Jesus ang bunga. Tungkol dito, may nakikilala ka bang isang relihiyon na nagbunga ng isang tunay na pagsasamahang pandaigdig na kung saan ang mga balakid na likha ng pagkakaiba-iba ng lahi, wika, at bansa ay napagtatagumpayan sa pamamagitan ng pag-ibig at pagkakaunawaan ng isa’t isa? Ikaw ba’y may alam na isang pambuong-daigdig na relihiyosong komunidad na tatanggapin pa ng mga miyembro na sila’y pag-usigin kaysa payagan ang mga pulitiko o relihiyosong mga lider na pukawin sila ng pagkapoot sa kanilang mga kapatid at patayin sila sa ngalan ng nasyonalismo o relihiyon? Ang isang relihiyon na tumatanggi sa ganiyang mga kasinungalingang relihiyoso at nagsibol ng gayong bunga ay nagbibigay ng matinding ebidensiya na iyon ang tunay, hindi ba?

Isinasagawa Ngayon ang Tunay na Relihiyon

Mayroon ba ng gayong relihiyon? Oo, mayroon. Subalit aminin mo na hindi ito isa sa mga pangunahing relihiyon ng daigdig. Ito ba’y dapat nating pagtakhan? Hindi. Sa kaniyang bantog na Sermon sa Bundok, sinabi ni Jesus: “Kayo’y magsipasok sa makipot na pintuan; sapagkat maluwang at malapad ang daang patungo sa kapahamakan, at marami ang nagsisipasok doon; samantalang makipot ang pintuan at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nakasusumpong niyaon.”​—Mateo 7:13, 14.

Kaya nasaan ang tunay na relihiyon? Buong pagpapakumbaba at katapatan, sasabihin natin na ang mga Saksi ni Jehova ang bumubuo ng isang pandaigdig na komunidad na lumalakad sa ‘makipot at makitid na daan.’ Totoo, ang mga Saksi ni Jehova ay may pag-aglahing tinatawag ng usong mga relihiyon na isang sekta. Ngunit ganiyang-ganiyan ang itinawag ng apostatang mga pinunong relihiyoso sa sinaunang mga Kristiyano noong unang siglo C.E.​—Gawa 24:1-14.

Bakit ang mga Saksi ni Jehova ay may tiwala na taglay nila ang tunay na relihiyon? Bueno, sila ay binubuo ng isang pandaigdig na kapatiran na laganap sa mahigit na 200 bansa at kanilang pinagtatagumpayan ang pagkakabaha-bahagi na dulot ng pagkakaiba ng bansa, lahi, wika, at katayuan sa lipunan. At sila’y tumatanggi na maniwala sa mga aral​—napakatanda man​—​na malinaw na sumasalungat sa sinasabi ng Bibliya. Subalit papaano sila napalagay sa ganiyang nakapananaghiling situwasyon? At ano ang kasali sa pagsunod sa tunay na relihiyon? Ito at ang iba pang mga katanungan tungkol sa relihiyon ay tatalakayin sa susunod na dalawang artikulo.

[Talababa]

a Para sa isang dokumentadong patotoo sa alamat na pinagmulan ng paniwalang ito, tingnan ang aklat na Paghahanap ng Tao sa Diyos, lathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc., pahina 52-7.

[Larawan sa pahina 7]

Ang mga Krusada ay bahagi ng masamang bunga ng huwad na relihiyon

[Credit Line]

Bibliothèque Nationale, Paris

[Larawan sa pahina 8]

Ang tunay na relihiyon ay nagbubunga ng mabuti

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share