Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 12/15 p. 3-4
  • Ang Pasko—Bakit Totoong Popular sa Hapón?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pasko—Bakit Totoong Popular sa Hapón?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kaninong Selebrasyon ang Pasko?
  • Dapat Mo Bang Ipagdiwang ang Pasko?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Pasko—Ito Ba’y Maka-Kristiyano?
    Gumising!—1988
  • Ano ang Nangyari sa Tradisyunal na Pasko?
    Gumising!—1993
  • Pasko—Bakit Pati sa Silangan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 12/15 p. 3-4

Ang Pasko​—Bakit Totoong Popular sa Hapón?

ANG paniniwala kay Amang Pasko ay usung-uso sa mga bata sa Buddhista-Shintong bansa ng Hapón. Noong 1989, ang mga batang Hapones ay sumulat ng 160,000 liham sa Daigdig ni Santa sa Sweden. Walang ibang bansa ang nagpadala ng higit sa riyan. Kanilang isinulat ang mga liham sa pag-asang busugin ang pagnanasa ng kanila puso, maging iyon man ay isang 18,000-yen ($136, U.S.) na laruang “Graphic Computer” o isang 12,500-yen ($95, U.S.) bitbiting larong video.

Sa mga dalagitang Hapones, ang pakikipag-date kung Notse Buena ay may isang natatanging kahulugan. “Sang-ayon sa isang surbey ng mga kabataang babae,” ang sabi ng Mainichi Daily News, “38 porsiyento ang nagsabi na sila’y gumawa na ng mga plano para sa Notse Buena isang buwan patiuna.” Ang mga binata naman ay may masasamang motibo sa pagnanais na makaniig ang kanilang mga nobya kung Notse Buena. “Ang isang mabuting ideya ay manalangin nang tahimik kapiling ang iyong nobya,” ang mungkahi ng isang magasin para sa mga binata. “Gawin iyon saanman na kausuhan iyon. Ang inyong relasyon ay dagling magiging lalong matalik.”

Ang mga asawang lalaking Hapones ay may pag-asa ring humingi ng tulong sa isang mahiko sa pamamagitan ng kanilang tradisyon sa Pasko na pagbili ng isang “decoration cake” pagka sila’y pauwi na galing sa trabaho. Ang pagganap sa papel ni Santa Claus ay pinaniniwalaan na pambayad-utang sa pagpapabaya sa pamilya sa nalalabing bahagi ng santaon.

Totoo nga, ang Pasko ay nagkaugat na sa gitna ng di-Kristiyanong mga Hapones. Sa katunayan, 78 porsiyento ng mga sinurbey ng isang ugnay-ugnay na mga supermarket ang nagsabi na sila’y gumagawa ng isang bagay na espesyal para sa Pasko. Ang katumbasan ay labis-labis sa isang bansang kung saan 1 porsiyento lamang ng populasyon ang nag-aangkin na naniniwala sa Kristiyanismo. Bagaman nag-aangkin na mga Buddhista o mga Shintoista, sila’y nasisiyahan na tamasahin ang kasayahan ng pagdiriwang ng “Kristiyanong” kapistahan. Sa kaniyang almanac, kasama ang mga kapistahang Hapones, itinala ng kilalang Shinto Ise Shrine ang ika-25 ng Disyembre bilang “kapanganakan ni Kristo.” Gayunman, mga tanawin ng mga di-Kristiyanong babad sa kasayahan kung Pasko ang nagbabangon ng katanungan:

Kaninong Selebrasyon ang Pasko?

Sa Webster’s Ninth New Collegiate Dictionary ang Pasko ay may kahulugan na “isang Kristiyanong kapistahan sa Disyembre 25 . . . na alaala ng kapanganakan ni Kristo.” Ito’y itinuturing na isang panahon upang ang mga “Kristiyano” ay “magkaisa-isa sa kanilang nadaramang kagalakan sa kapanganakan ni Kristo.”

Ang mga nagdiriwang ng Pasko bilang isang relihiyosong kapistahan lamang ay nayayamot at mapamusong ang turing sa mga taong ginagawang makamundo ang araw na iyon sa pamamagitan ng pagsasaya at pagbibigay ng regalo. “Sa Hapón nasa amin na ang pinaka-ultimo sa marangyang komersyalismo: walang Kristo,” ang isinulat ng isang Amerikanong naninirahan sa Hapón. “Sa paningin ng Kanluranin,” ang isinulat pa ng isa tungkol sa Paskong Hapones, “hindi ang pabo [na hindi karaniwang matatagpuan sa mga pamilihang Hapones] ang wala, kundi ang pinakamahalagang sangkap, ang espiritu.”

Kung gayon, ano ang espiritu ng Pasko? Iyon ba ay ang misa sa simbahan na may pagkakantahan ng mga awitin para sa Pasko, holly, at mga kandila, na para sa marami ay ginagamit para sa kanilang taunang pagparoon sa simbahan? O iyon ba ay ang pag-ibig, ang kasayahan, at ang pagbibigay ng regalo na nag-uudyok sa marami na maging bukás-palad? Iyon ba ay ang katahimikan na umiiral sa larangan ng digmaan samantalang ginaganap ng mga kawal ang ilang araw ng “kapayapaan sa lupa”?

Nakapagtataka nga, ang espiritu ng Pasko ay kalimitan hindi nakapagdadala ng kapayapaan maging sa tahanan. Sang-ayon sa isang 1987 surbey sa Inglatera, tinataya na ang ‘gera sibil’ ay magsisiklab sa 70 porsiyento ng mga tahanan sa Britanya sa panahon ng Pasko nang taon na iyon. Salapi ang pag-aawayan na magiging pangunahing dahilan. Ang labis na pag-inom at hindi pagganap sa tungkuling dapat gampanan ng isa sa pamilya ay humahantong din sa pag-aaway.

“Itinatanong ko sa sarili kung wala tayong nakakaligtaang anuman tungkol sa tunay na kahulugan ng Pasko,” ang isinulat ng isang taga-Kanluran na naninirahan sa Hapón na dumalaw sa kaniyang tahanan noong panahon ng Kapaskuhan kamakailan. “Tuwing Dis. 25, nadarama ko ang gayunding pagnanasang bumalik sana ang matandang-usong uri ng Pasko noong matagal nang nakalipas​—ang paganong seremonya na pagdiriwang ng winter solstice sa pamamagitan ng pagsamba sa mga punungkahoy at pagganap ng ubud-samang kalaswaan. Taglay pa rin natin ang lahat ng makapaganong mga panggayak​—mistletoe, holly, mga punong abeto at iba pa​—​subalit sa papaano man ang Pasko ay hindi kailanman nagsauli sa dati sapol nang ito’y maharang ng mga Kristiyano at gawing isang kapistahang relihiyoso.”

Hindi maikakaila, ang Pasko ay isang paganong kapistahan. Ang mga sinaunang Kristiyano ay hindi nagdiriwang nito “sapagkat itinuturing nila na ang selebrasyon ng kapanganakan ninuman ay isang kaugaliang pagano,” sabi ng The World Book Encyclopedia. Ang paganong mga kapistahan ng Saturnalia at Bagong Taon ang pinagkunan ng kasayahan at ng pagpapalitan ng mga aginaldo.

Kung ang Pasko ay talagang pagano, ang tunay na mga Kristiyano ay kailangang magtanong, Ang Pasko ba ay para sa mga Kristiyano? Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Kristo.

[Kahon sa pahina 4]

Ang Pinagmulan ng Pagdiriwang ng Pasko

Bagaman ang eksaktong mga detalye ay nawala na dahil sa katagalan, ipinakikita na nang sumapit ang 336 C.E., isang anyo ng Pasko ang ipinagdiriwang ng relihiyong Romano. “Ang petsa ng Pasko ay sadyang itinakda sa Disyembre 25,” ang paliwanag ng The New Encyclopædia Britannica, “upang mapatabi ang dakilang kapistahan ng diyos na araw.” Iyan ay nang ang mga pagano’y nagpapakasawa sa mga malalaswang kasayahan sa panahon ng mga kapistahan ng kapuwa Romanong Saturnalia at ng Celtiko at Alemang kapistahan ng winter solstice. Ang The New Caxton Encyclopedia ay nagsasabing “ang Simbahan ang nagsamantala sa pagkakataon na gawing Kristiyano ang mga kapistahang ito.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share