Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 3/15 p. 3-4
  • Ang Kahulugan sa Marami ng Kaharian ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan sa Marami ng Kaharian ng Diyos
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Papaano ang Pagkamalas sa Kaharian
  • Bakit Ka Dapat Maging Interesado sa Kaharian ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Ang mga Bulaang Propeta sa Ngayon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Kaharian ng Diyos
    Gumising!—2013
  • Kung Paano Napawi ang Pag-asang Kristiyano
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 3/15 p. 3-4

Ang Kahulugan sa Marami ng Kaharian ng Diyos

SI Jesu-Kristo ay malimit na bumanggit ng tungkol sa Kaharian ng Diyos. Tungkol dito ang historyador na si H. G. Wells ay sumulat: “Kapansin-pansin ang lubhang pagdiriin na ibinigay ni Jesus sa turo ng kaniyang tinatawag na Kaharian ng Langit, at ang kawalang-halagang ibinigay rito kung ihahambing sa paraan at pagtuturo ng karamihan ng mga relihiyong Kristiyano. Ang doktrinang ito ng Kaharian ng Langit, na siyang pangunahing turo ni Jesus, at gumaganap ng napakaliit na bahagi ng mga turong Kristiyano, ay tunay na isa sa pinakaibang-iba sa mga doktrina na pumukaw at bumago sa kaisipan ng tao.”

Bakit nga ba ang mga relihiyon ay walang gaanong nasasabi tungkol sa Kaharian ng Diyos? Ang isang dahilan marahil ay sapagkat umiiral ang kawalang katiyakan tungkol sa Kaharian. Anu-ano ba ang mga paniniwala tungkol dito?

Papaano ang Pagkamalas sa Kaharian

May mga naniniwala na ang Kaharian ng Diyos ay ang Iglesya Katolika. Matapos na tanggapin ng mga obispo si Emperador Constantino bilang kanilang ulo sa Konsilyo ng Nicaea noong taóng 325 C.E., ang iglesya ay napasangkot na sa pulitika, at pinagsabihan ang mga tao na ang Kaharian ay naririto na. Ang Encyclopædia Britannica ay nagpapaliwanag na ayon sa teolohiya ni Augustine (354-430 C.E.), “ang Kaharian ng Diyos ay nagsimula na sa sanlibutang ito sa pagkatatag ng iglesya” at “naroroon na sa mga sakramento ng simbahan.”

Ang iba ay may paniwala na ang Kaharian ng Diyos ay isang tagumpay ng tao. Ganito pa ang sabi ng ensayklopidiya: “Ang mga simbahan ng Repormasyon . . . ay hindi nagtagal at naging institusyonal na mga simbahan sa rehiyon, at sinugpo naman nito ang hinihintay na katapusang-panahon” tungkol sa pagdating ng Kaharian ng Diyos. Sumulat si H. G. Wells: “Inilipat ng mga tao ang palaikutan ng kanilang buhay buhat sa kaharian ng Diyos at sa pagkakapatiran ng tao tungo sa lumilitaw na lalong gumaganang buháy na mga katunayan, ang Pransiya at Inglatera, Banal na Russia, Espanya, Prussia . . . Sila ang tunay at nabubuhay na mga diyos ng Europa.”

Sa modernong panahon din, ang Kaharian ay ginawang bahagi ng sanlibutan. Ganito ang paliwanag ng Encyclopædia Britannica: “Uso ang popular na saloobin na ang tao mismo ang kailangang maghanda ng sakdal na lipunan sa hinaharap sa isang paraang nabubuo at organisado at na ang ‘pag-asa’ at ‘paghihintay’ ay hinahalinhan ng pangunguna ng tao.” Tungkol sa “panlipunang ebanghelyo,” ang reperensiyang aklat ding iyan ay ganito pa ang sabi: “Ang pagkakilala ng kilusang ito sa mensaheng Kristiyano ng Kaharian ng Diyos ay sa kalakhang bahagi ay isang simbuyo ng damdamin ukol sa reorganisasyon ng sekular na mga kalagayan ng mga lipunan ayon sa diwa ng isang tuntunin ng Kaharian ng Diyos.”

Maraming mga Judio ang naniniwala rin na ang Kaharian ay isang bagay na gawang tao. Noong 1937 isang komperensiya sa Reporma ng mga rabbi sa Columbus, Ohio, E.U.A., ang nagsabi: “Aming itinuturing na aming makasaysayang tungkulin na makipagtulungan sa lahat ng tao sa pagtatatag ng kaharian ng Diyos, ng pansansinukob na pagkakapatiran, ng hustisya, katotohanan at kapayapaan sa lupa. Ito ang aming mesianikong tunguhin.”

Ang isa pang malaganap na paniwala ay na isang kalagayan ng puso ng tao ang Kaharian ng Diyos. Halimbawa, sa Estados Unidos, ang Southern Baptist Convention ng 1925 ay nagpahayag: “Ang Kaharian ng Diyos ay paghahari ng Diyos sa puso at buhay ng indibiduwal sa bawat relasyon ng tao, at sa bawat porma at institusyon ng organisadong lipunan. . . . Ang Kaharian ng Diyos ay mabubuo kapag ang bawat kaisipan at kalooban ng tao ay maiaayon sa kalooban ni Kristo.”

Kung gayon, ang iglesya ba ang Kaharian ng Diyos? Ang Kaharian bang iyon ay matatatag sa pamamagitan ng mga paraan ng sanlibutan? Iyon ba ay isang kalagayan ng puso? At ano ang maaaring maging kahulugan sa iyo ng Kaharian ng Diyos?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share