Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 12/15 p. 30
  • Natatandaan Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natatandaan Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Maililigtas Ka ba ng mga Anting-Anting?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Bakit Kailangang Aminin ang Isang Pagkakamali?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Posible ba ang Tunay na Kaligtasan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • ‘Damtan ang Inyong Sarili ng Mahabang Pagtitiis’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 12/15 p. 30

Natatandaan Mo Ba?

Pinahahalagahan mo ba ang nabasa mong kamakailang mga labas ng Ang Bantayan? Buweno, tingnan kung masasagot mo ang sumusunod na mga tanong:

▫ Anong praktikal na tulong ang maibibigay sa mga maysakit at mga may edad na kaugnay sa isang kongregasyon ngayon?

Sa sinaunang kongregasyong Kristiyano, may talaan ng mga pangalan ng nangangailangan ng materyal na suporta. (1 Timoteo 5:9, 10) Gayundin sa ngayon, maaaring gumawa ang matatanda ng isang talaan ng mga maysakit at mga may edad na nangangailangan ng pantanging pansin. Gayunman, hindi dapat ipaubaya na lamang sa mga matatanda ang pagkukusa sa bagay na ito. Lahat ng kaugnay sa kongregasyon ay kailangang maging palaisip sa gayong mga pangangailangan. (1 Timoteo 5:4-8)​—8/15, pahina 28-9.

▫ Ang kuwento ba sa Bibliya tungkol sa pagkalulon ng isang isda kay Jonas ay hindi kapani-paniwala?

Hindi, ang isang sperm whale, isang malaking white shark, o isang whale shark ay maaaring lumulon sa isang tao. Isa pa, si Jesus mismo ay nagpatunay na ang ulat ni Jonas ay totoo. (Mateo 12:39, 40)​—8/15, pahina 32.

▫ Anong pinsala ang idinudulot ng mapamahiing paggamit ng mga anting-anting at mga galíng?

Ang paggamit sa mga ito ay aktuwal na nagpapahina ng loob ng mga tao sa matalinong pagharap sa kanilang mga suliranin at hinihimok sila na sa suwerte bumaling bilang panlunas sa lahat ng bagay. Ang mga ito’y nakapagpapadama rin sa gumagamit nito ng di-tunay na kapanatagan. Lalong mahalaga, ang isang taong naglalagak ng tiwala sa kapangyarihan ng mga anting-anting at mga galíng ay maaaring mahikayat na ipasailalim ang kaniyang buhay sa kapangyarihan ng di-nakikitang puwersa ng mga demonyo.​—9/1, pahina 4.

▫ Ano ang apat na elemento na makatutulong upang tumibay ang pag-aasawa?

Ang mga ito ay ang pagkukusang makinig, ang katangian na humingi ng paumanhin, ang kakayahan na maglaan ng walang-pagbabagong emosyonal na suporta, at ang hangarin na humaplos nang buong pagmamahal. (1 Corinto 13:4-8; Efeso 5:33; Santiago 1:19)​—9/1, pahina 20.

▫ Ano ang isang paraan kung papaano si Jehova ay nagkakaloob ng pagtitiis sa mga napapaharap sa mga pagsubok?

Ginagawa ito ni Jehova sa pamamagitan ng mga halimbawa ng pagtitiis na nakaulat sa kaniyang Salita, ang Bibliya. (Roma 15:4) Habang pinag-iisipan natin ang mga ito, tayo ay napatitibay-loob na magtiis, at malaki rin ang natututuhan natin tungkol sa kung papaano magtitiis.​—9/15, pahina 11-12.

▫ Ano ba ang maka-Diyos na debosyon?

Ang maka-Diyos na debosyon ay nangangahulugan ng debosyon kay Jehova na nagpapakilos sa atin na gawin ang nakalulugod sa kaniya, kahit na sa harap ng mahihirap na pagsubok, dahil iniibig natin ang Diyos buhat sa puso.​—9/15, pahina 15.

▫ Papaano natin dapat malasin ang awa ng Diyos?

Kailanman ay hindi natin dapat ipagwalang-bahala ang dakilang awa ng Diyos. Tularan natin si Pablo at ipakita ang ating pagpapahalaga sa pamamagitan ng pakikipagpunyagi laban sa ating sariling di-kasakdalan. (1 Corinto 9:27) Sa ganitong paraan maipakikita natin, sa harap man ng mga kahirapan, na tayo’y may tunay na hangaring gawin ang matuwid.​—10/1, pahina 23.

▫ Bakit angkop na itinala ni Pablo ang matiyagang pagbabata bilang ang unang katangian ng pag-ibig?

Sinasabing hindi maaaring magkaroon ng pagsasamahang Kristiyano kung walang matiyagang pagbabata, o kung walang pagpapasensiya sa isa’t isa. Ito’y dahilan sa tayong lahat ay di-sakdal, at ang ating di-kasakdalan at mga kahinaan ay nagiging pagsubok sa iba. Samakatuwid, ang matiyagang pagbabata ay mahalaga kung nais nating umiral ang pag-ibig sa pagitan ng magkakapatid.​—10/15, pahina 21.

▫ Ginamit ba ng unang mga Kristiyano ang pangalan ng Diyos?

Ang ebidensiya ay sumasagot ng oo. Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na manalangin sa Diyos: “Pakabanalin nawa ang pangalan mo.” (Mateo 6:9) At sa katapusan ng kaniyang ministeryo, siya ay nanalangin: “Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan.” (Juan 17:6) Isa pa, ang sinaunang mga kopya ng Septuagint ay nagtataglay ng pangalan ng Diyos sa anyo ng Hebreong Tetragrammaton.​—11/1, pahina 30.

▫ Anong mga halimbawa sa Bibliya ang nagpapakita na ang paraan natin ng pakikitungo sa ating mga pagkakamali ay maaaring makaapekto sa ating buhay?

May katigasan ng ulong tumanggi si Haring Saul sa payo, at dumami ang kaniyang mga kasalanan, sa wakas ay humantong sa kaniyang kamatayan taglay ang di-pagsang-ayon ng Diyos. (1 Samuel 15:17-29) Samantala, sa kabila ng kaniyang mga pagkakamali at mga kasalanan, si Haring David ay nagsisi at tumanggap ng pagtutuwid at nanatiling tapat kay Jehova. Ang mga halimbawang ito sa Bibliya ay nagpapakita na ang pag-amin sa ating mga pagkakamali ay tumutulong sa atin na mapanatili ang isang mabuting kaugnayan sa Diyos at samakatuwid magkaroon ng pag-asang kamtin ang buhay na walang-hanggan. (Awit 32:1-5)​—11/15, pahina 29-30.

▫ Papaano sinasaklolohan ni Jehova ang kaniyang bayan pagka sila’y nasa kagipitan dahilan sa likas na mga kapahamakan o iba pang mga sanhi?

Si Jehova ay tumutulong, hindi sa pamamagitan ng makahimalang pagpigil sa mga puwersa ng kalikasan o ng iba pang mahiwagang gawa, kundi sa pamamagitan ng isa pang puwersa na hindi tunay na nauunawaan ng karamihan ng tao​—ang pag-ibig. Oo, talagang iniibig ni Jehova ang kaniyang bayan, at kaniyang pinauunlad sa gitna nila ang pag-ibig sa isa’t isa na lubhang napakatindi anupat kaniyang nagagawa para sa kanila ang waring kahima-himala. (1 Juan 4:10-12, 21)​—12/1, pahina 10.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share