Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 4/15 p. 30
  • Natatandaan Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natatandaan Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Kaparehong Materyal
  • Si William Whiston—Erehes o Tapat na Iskolar?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • William Whiston
    Gumising!—2014
  • Mga Bunga—Mabubuti at Masasama
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Ang Pag-aakyát sa Langit—Isa Bang Doktrinang Isiniwalat ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 4/15 p. 30

Natatandaan Mo Ba?

Nasiyahan ka ba sa pagbabasa ng kamakailang mga isyu ng Ang Bantayan? Kung gayon, masusumpungan mong kawili-wiling gunitain ang mga sumusunod:

▫ Bakit pinili ng mga tiktik na Israelita na manuluyan sa bahay ni Rahab na patutot?

Ang mga tiktik na Israelita ay namumuhay ayon sa Batas ng Diyos, kaya hindi sila nanuluyan sa bahay ni Rahab upang gumawa ng imoralidad. Marahil sila ay nangatuwiran na ang kanilang pagkanaroroon sa bahay ng isang patutot ay hindi gaanong pupukaw ng paghihinala sa lunsod. Dahil sa mainam ang pagkapuwesto ng kaniyang bahay sa pader ng lunsod kung kaya mas madaling tumakas. Subalit higit sa lahat, inakay sila ni Jehova sa isang makasalanan na ang puso ay mainam na naapektuhan ng mga balita tungkol sa pakikitungo ng Diyos sa mga Israelita kung kaya siya ay nagsisi at nagbago ng kaniyang lakad.​—12/15, pahina 24-5.

▫ Papaano ba naaapektuhan ng galit ang ating kalusugan?

Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang galit ay lumilikha ng mga hormone na bunga ng kaigtingan. Ang malimit na silakbo ng galit ay maaaring maging sanhi ng di-pagkakatimbang ng nagsasanggalang at nakapipinsalang uri ng kolesterol, anupat inilalagay tayo sa panganib na magkasakit sa puso.​—12/15, pahina 32.

▫ Anong mga mungkahi ang tutulong sa atin na pasulungin ang ating pamamahagi ng mga magasing Bantayan at Gumising!?

Maging palaisip sa Bantayan at Gumising!; panatilihing simple ang presentasyon; makibagay sa pamamagitan ng paghahanda ng ilang maiikling presentasyon; magtakda ng isang personal na tunguhin.​—1/1, pahina 24-5.

▫ Bakit si Moises ay isang mainam na halimbawang teokratiko para tularan natin?

Hinanap ni Moises ang patnubay ni Jehova sa mga bagay-bagay. Siya’y hindi nagkaroon ng personal na mga ambisyon kundi siya’y palaisip tungkol sa kaluwalhatian ni Jehova. Siya’y may matibay na pananampalataya, at hindi niya kailanman kinalimutan na si Jehova ang tunay na Tagapamahala ng bansang Israel.​—1/15, pahina 11.

▫ Ano ang ilan sa mga paraan na doo’y nagtatagumpay ang banal na pagtuturo?

Nagtatagumpay ang banal na pagtuturo sa pamamagitan ng paghahayag sa bayan ni Jehova ng isang pasulong na pagkaunawa ng katotohanan. Dinadala nito ang mga tao sa espirituwal na liwanag, at ipinakikita nito sa maaamo kung papaano sasambahin ang Diyos “sa espiritu at katotohanan.” (Juan 4:24) Nagtatagumpay rin ang banal na pagtuturo sa mga pagsubok at sa balakyot na sanlibutan.​—2/1, pahina 10-12.

▫ Ano ba ang susi sa matagumpay na pagpapayo?

Ang susi ay ang wastong paggalang sa ibang tao at sa kaniyang karapatan na siya’y pakitunguhan sa paraang may dangal. Samakatuwid, ang isang tagapayong Kristiyano ay dapat na maging mabait at matatag ngunit dapat na dinaramtan ng dangal ang kaniyang pinapayuhan.​—2/1, pahina 28.

▫ Papaano nangyaring tinanggap ng Iglesya Katolika Romana ang Pag-aakyát sa Langit kay Maria bilang isang doktrina?

Noong unang siglo pagkamatay ni Jesus, ang idea ng Pag-aakyát sa Langit kay Maria ay lubhang banyaga sa kaisipan ng mga Kristiyano. Gayunman, nang ang turo ng Trinidad ay maging opisyal na doktrina ng iglesya, si Maria ay binigyan ng patuloy na nagiging mahalagang papel. Ang teoriya ng Pag-aakyát ay hindi tinatanggap bilang doktrina hanggang noong Nobyembre 1, 1950, nang ipatalastas ni Pope Pius XII: “Aming binibigyang-katuturan iyon na isang doktrinang isiniwalat ng Diyos.”​—Munificentissimus Deus.​—2/15, pahina 26-7.

▫ Sa Jeremias kabanata 24, ano ba ang isinasagisag ng dalawang basket ng igos, ang mabubuting igos at yaong masasama?

Ang mabubuting igos ay sumasagisag sa mga Judio na mga unang bihag na dinala sa Babilonya, na mula sa kanila ay isang nalabi ang babalik sa Juda. Ang masasamang igos naman ay lumarawan kay Haring Zedekias at sa mga kasama niyang naghimagsik laban kay Haring Nabucodonosor bagaman nanumpa sa pangalan ng Diyos. Sa paghahambing, makikita natin sa modernong panahon ang nalabi ng espirituwal na Israel, na nagsibol ng mabubuting bunga sa kanilang buhay, kabaligtaran naman ng klero ng Sangkakristiyanuhan, na nagsibol ng bulok na mga bunga.​—3/1, pahina 14-16.

▫ Sino ba ang mga Quartodeciman, at bakit ang mga Kristiyano sa ngayon ay interesado sa kanila?

Pagkatapos ng panahon ng mga apostol, may ilan na gumanap ng Hapunan ng Panginoon sa Nisan 14 bawat taon, na ang tinutularan ay ang mga apostol. Sila’y nakilala sa tawag na “mga Panglabing-apatan,” o mga Quartodeciman. Tayo’y interesado tungkol dito sa ngayon, sapagkat ipinakikita nito na kahit pagkamatay ng mga apostol, mayroon pa ring ilan na sumunod sa tumpak na paraan ng pag-aalaala sa kamatayan ni Jesus minsan isang taon sa Nisan 14.​—3/15, pahina 4-5.

▫ Sino si William Whiston?

Siya ay isang napakatalinong iskolar sa Inglatera noong ika-18 siglo, isang matalik na kasamahan ni Sir Isaac Newton. Isinalin ni Whiston ang Kristiyanong Griegong Kasulatan, hayagang sinalungat ang pagtuturo ng doktrina ng Trinidad, at nagbigay ng mga panayam tungkol sa astronomiya at matematika. Subalit si Whiston ay malamang na ginugunita nang higit dahil sa kaniyang pagkasalin sa Ingles ng mga isinulat ng Judiong istoryador na si Flavius Josephus.​—3/15, pahina 26-8.

▫ Papaano ginawa ang tao ayon sa larawan ng Diyos? (Genesis 1:27)

Ang tao ay ginawa na may katangiang gamitin ang litaw na mga katangian ng Diyos na pag-ibig, katarungan, karunungan, at kapangyarihan​—gayundin ang iba pang mga katangian.​—4/1, pahina 25.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share