Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 7/15 p. 8-9
  • Ang mga Saksi ni Jehova sa Buong Daigdig—Colombia

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang mga Saksi ni Jehova sa Buong Daigdig—Colombia
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Humanga ang mga Tagapangasiwa ng Negosyo
  • Naaabot ng Katotohanan ang Lahat ng Uri
  • “Basta Kailangang Gawin Mo Ito”
    Gumising!—1991
  • Ang Kauna-unahan sa Nakalipas na Isang Daang Taon
    Gumising!—2000
  • Pandaigdig na Punong-Tanggapan at Pangunahing Tanggapan ng mga Saksi ni Jehova—sa Larawan
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Ano ang Ginagawa sa mga Tanggapang Pansangay?
    Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 7/15 p. 8-9

Ang mga Saksi ni Jehova sa Buong Daigdig​—Colombia

ANG Colombia ay isang pambihirang lupain sa Timog Amerika. Kapuwa ang mga karagatang Atlantiko at Pasipiko ay umaagapay sa baybayin ng bansang ito na nababalutan ng mga bulkan. Ang init sa mabababang tropikong mga dalampasigan at mga kapatagan ay nagbibigay-daan sa lamig ng matataas, balot-ng-niyebeng mga taluktok ng Kabundukan ng Andes.a

Bagaman kilalá ang Colombia dahil sa ginto at mga esmeralda, ang mga tao ang siyang pinakamahalagang kayamanan nito. Sa ngayon, pinúpunô ni Jehova ng kaluwalhatian ang kaniyang espirituwal na bahay. Ang magaganda, kanais-nais na mga mananamba ay humuhugos dito buhat sa lahat ng bahagi ng lupa, kasali na ang Colombia.​—Hagai 2:7.

Humanga ang mga Tagapangasiwa ng Negosyo

Linggo, Nobyembre 1, 1992, ang siyang tanda ng pag-aalay ng bagong tanggapang pansangay at pasilidad sa paglilimbag ng Samahang Watch Tower sa Facatativá, na may layong 42 kilometro sa gawing hilagang-kanluran ng Bogotá. May malaking epekto sa mga panauhin ang kanilang paglilibot sa sangay. Nang makabalik sa pabrika na kaniyang pinagtatrabahuhan, isang panauhin ang may pananabik na humimok sa kaniyang mga manedyer na pumunta at magmasid sa isang organisasyon na ‘isang himala kung tungkol sa kahusayan, kaayusan, at kasiglahan ng mga empleyado.’ Sa kanilang sumunod na paglilibot, ang mga tagapangasiwa ay nagpakita ng matinding interes at marami silang itinanong.

Ibig ng mga tagapangasiwang ito na ipadala ang kanilang mga superintendente, superbisor, at mga katiwala​—sa katunayan, lahat ng kanilang mga manggagawa​—upang maglibot. Bawat linggo, nagsasaayos sila upang 15 hanggang 25 empleyado ay lumibot hanggang sa ang lahat ng manggagawa na may bilang na 1,300 ay makapagmasid sa gayong kahusayang pang-organisasyon.

Daan-daan sa kanilang mga manggagawa ang nakapaglibot sa mga pasilidad ng sangay at nakapanood ng video na Jehovah’s Witnesses​—The Organization Behind the Name. Palibhasa’y humanga sa laki ng organisasyon at sa pambuong-daigdig na lawak ng gawaing pangangaral ng Kaharian, sila’y nanggilalas sa mataas na antas ng teknolohiya na ginagamit sa mga operasyon ng Samahan. Sa kanilang pag-alis, marami ang naririnig na nagsasabing nadama nilang sila’y parang ‘lumilisan sa Paraiso upang bumalik sa isang magulong daigdig.’

Naaabot ng Katotohanan ang Lahat ng Uri

Lahat ng uri ng tao ay naaabot ng mabuting balita. (1 Timoteo 2:3, 4) Halimbawa, isang dating kompositor at lider ng isang banda ng musikang heavy-metal rock ang tumanggap ng katotohanan ng Bibliya, gumawa ng mga pagbabago sa kaniyang buhay, at di-nagtagal ay naging isang regular pioneer. Nang malaunan siya ay nahirang na isang ministeryal na lingkod. Maraming indibiduwal na mga miyembro ng mga grupong subersibo ang natutong maglagak ng kanilang tiwala at pag-asa sa Kaharian ni Jehova. Sila ngayon ay aktibong kasangkot sa pangangaral ng mensahe tungkol sa isang mapayapang bagong sanlibutan.

Bumaling din sa katotohanan ang mga sugapa at mga nagbebenta ng bawal na gamot. Isang kabataang lalaki na ngayon ay isa nang Saksi ang dating namamahala ng isang taniman ng bawal na gamot at isang laboratoryo ng cocaine sa gubat sa loob ng limang taon bago siya umalpas sa gayong uri ng buhay. Nakasumpong siya ng kaligayahan sa pagkatuto at pagsunod sa mga simulain ng Bibliya. Sa isang bilangguan ang nahatulang mga mamamatay-tao na napakilos dahil sa isang taimtim na pag-aaral ng Bibliya ay puspusang nananalangin na sana’y patawarin ni Jehova ang kanilang mga pagkakasala at tanggapin sila bilang kaniyang mga lingkod.

Sa gayon tumutugon ang lahat ng uri ng tao sa mensahe ng Kaharian. Sa Colombia, tulad sa iba mang dako, sa gayo’y pinúpunô ni Jehova ng kaluwalhatian ang kaniyang bahay.

[Talababa]

a Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 1994 Calendar of Jehovah’s Witnesses.

[Kahon sa pahina 8]

LARAWAN NG BANSA

1993 Taon ng Paglilingkod

PINAKAMATAAS NA BILANG NG NAGPAPATOTOO: 60,854

KATUMBASAN: 1 Saksi sa 558

DUMALO SA MEMORYAL: 249,271

ABERIDS MAMAMAHAYAG NA PAYUNIR: 8,487

ABERIDS PAG-AARAL SA BIBLIYA: 100,927

BILANG NG NABAUTISMUHAN: 5,183

BILANG NG MGA KONGREGASYON: 751

TANGGAPANG PANSANGAY: FACATATIVÁ

[Larawan sa pahina 9]

Ang mga tauhan at mga misyonero sa tanggapang pansangay noong 1956

[Larawan sa pahina 9]

Tanawin ng tanggapang pansangay buhat sa itaas

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share