Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 2/1 p. 8
  • Ipangangaral ang Mabuting Balita ng Kaharian

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipangangaral ang Mabuting Balita ng Kaharian
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Inaatake ang Kalayaan ng Relihiyon sa Gresya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Bahagi 4—Mga Saksi Hanggang sa Kadulu-duluhang Bahagi ng Lupa
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Bahagi 5—Mga Saksi Hanggang sa Kadulu-duluhang Bahagi ng Lupa
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Ang Mabuting Balitang ito ay Kailangang Maipangaral Muna
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 2/1 p. 8

Report ng mga Tagapaghayag ng Kaharian

Ipangangaral ang Mabuting Balita ng Kaharian

SA LOOB ng mga siglo ang mahigpit na kaaway ng Diyos, si Satanas na Diyablo, ay may katusuhang gumagamit sa makapulitikang mga pamahalaan at huwad na mga relihiyon sa kaniyang pagsisikap na mahadlangan ang paglago ng tunay na Kristiyanismo. Subalit ang pamamaraang ito ay mabibigo. Inihula ni Jesus na ang “mabuting balita ng kaharian ay ipangangaral [hindi, “baka sakaling maipangaral” o, “maaaring maipangaral”] sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa.”​—Mateo 24:14.

Ang pagkabigo ni Satanas ay naging maliwanag sa Gresya. Sa lupaing iyan tinangka ng Greek Orthodox Church na higpitan ang mga Saksi ni Jehova sa pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian. Ngunit, gaya ng itinatampok ng kasunod na karanasan, sa bandang huli ay nakararating ang mga katotohanan ng Bibliya sa tapat-pusong mga tao sa kabila ng pagsalansang.

Mga 30 taon na ang nakalipas, isang paring Greek Orthodox ang tumanggap ng mabuting balita at nagpahayag pa man din ng pagnanais na maging isa sa mga Saksi ni Jehova. Gayunman, matinding sinalansang ng kaniyang mga kamag-anak ang hakbanging ito at ginipit siya upang putulin na ang kaniyang pakikisama sa mga Saksi. Upang paluguran ang kaniyang pamilya, ipinagpatuloy niya ang kaniyang karera bilang isang pari; ngunit, palagi niyang inaamin na natulungan siya ng mga Saksi ni Jehova upang matutuhan ang katotohanan at na tinalikuran niya ito kapalit ng isang kalagayan ng pagiging prominente sa isang huwad na relihiyon.

Gayunman, kung minsan ay nagsasalita siya ng pabor sa mga Saksi ni Jehova kapag may bumangong oportunidad. May ilang pagkakataon na pinapayuhan pa nga niya ang mga tao na kung nais nilang matutuhan ang mga katotohanan ng Bibliya, dapat silang makipag-aral sa mga Saksi. Sa lumipas na mga taon ang ilan ay aktuwal na sumunod sa kaniyang rekomendasyon.

Kamakailan ang pari ay nagkasakit nang malubha at napagtanto niyang malapit na siyang mamatay. Habang nasa ospital, ipinatawag niya ang kaniyang mga anak, at lahat sila’y natipon sa tabi ng kaniyang kama.a Ipinaliwanag niya na kapag siya’y namatay, maaaring makita nila siyang muli. Sinabi niya sa kanila ang tungkol sa turo ng Bibliya hinggil sa mga taong bubuhaying-muli ni Jehova upang mamuhay sa isang paraiso sa lupa, ngunit kung talagang ibig nilang makita ang kaganapan niyaon, kailangang matutuhan nila ang katotohanan mula sa Bibliya at ihiwalay ang kanilang sarili mula sa huwad na relihiyon. Pinakiusapan niya sila na makisama sa mga Saksi ni Jehova at matuto mula sa kanila kung papaano magiging tunay na mga Kristiyano.

Di-nagtagal pagkatapos noon, ang pari ay pumanaw. Gayunman, ang kaniyang pahimakas na payo sa kaniyang mga anak ay umani ng mabubuting resulta. Ang kaniyang anak na babae, gaya ng karamihan sa kaniyang mga kamag-anak, ay napakasalansang sa mga Saksi ni Jehova at sa kanilang gawain. Subalit hindi niya maipagwalang-bahala ang taimtim na pagsusumamo ng kaniyang naghihingalong ama, kaya di-nagtagal ay nakipag-alam siya sa mga Saksi ni Jehova at nagsimulang makipag-aral ng Bibliya. Kamakailan lamang siya mismo ay naging isang Saksi, na inialay ang kaniyang buhay sa Diyos na Jehova at sinagisagan ang kaniyang pag-aalay sa pamamagitan ng bautismo sa tubig.

Sa Gresya, at sa mahigit sa 230 iba pang lupain, ang mga Saksi ni Jehova ay umaasa sa kapangyarihan ng banal na espiritu ng Diyos. Iyon ay dahil sa lubusang pag-alalay ng banal na espiritu kung kaya sila’y nakikibahagi sa katuparan ng hula ni Jesus: “Tatanggap kayo ng kapangyarihan kapag ang banal na espiritu ay dumating sa inyo, at magiging mga saksi ko kayo kapuwa sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria at hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.”​—Gawa 1:8.

[Talababa]

a Pinahihintulutan ng Greek Orthodox Church ang kanilang pari na mag-asawa.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share