Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 3/15 p. 3-4
  • Papaano Mo Mapayayaman ang Iyong mga Panalangin?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Papaano Mo Mapayayaman ang Iyong mga Panalangin?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Panalangin na Sinasagot
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Pasulungin ang Iyong Panalangin sa Tulong ng Pag-aaral ng Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Maging Malapít sa Diyos sa Panalangin
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Kaninong mga Panalangin ang Sinasagot?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 3/15 p. 3-4

Papaano Mo Mapayayaman ang Iyong mga Panalangin?

ANG panalangin ay natatangi sa maibiging mga paglalaan ng Diyos na Jehova. Maaaring kumpiskahin ng mga mananalansang ang iyong Bibliya o hadlangan ka sa pakikipagtipon sa kapuwa mga kapananampalataya, pero walang sinuman ang makapagkakait sa iyo ng panalangin. Imposibleng magsalita ng labis kung tungkol sa kahalagahan ng panalangin. Napakahalaga nga, kung gayon, na pakamahalin at samantalahin ng bawat isa sa atin ang pribilehiyong ito. Ano ang makatutulong sa iyo upang mapagyaman ang iyong mga panalangin?

Ang Bibliya ay hindi isang aklat-dasalan. Gayunman, ito’y mailalarawan bilang ang pinakadakilang aklat-aralin ng sangkatauhan tungkol sa panalangin. Ang Hebreong Kasulatan lamang ay naglalaman na ng 150 panalangin. Ang ilan ay maiikli; ang iba ay mahahaba. Ang mga ito’y binigkas sa madla o nang sarilinan, ng mga hari o mga bihag, sa tagumpay o sa kapighatian. Gaya ng inawit ni David sa Awit 65:2, ang “mga tao ng lahat ng laman” ay bumabaling kay Jehova, ang “Tagapakinig ng panalangin.” Bakit kinasihan ng Diyos ang mga manunulat ng Bibliya na isulat ang gayong kalawak na koleksiyon ng mga panalangin?

Upang masagot ito, isaalang-alang ang 2 Timoteo 3:16. Ganito ang sabi: “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang.” Samakatuwid, naririyan ang mga panalangin sa Bibliya upang patnubayan tayo, gaya ng maka-Kasulatang hula, mga simulain, at kasaysayan. Papaano tayo makikinabang sa mga panalanging ito?

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa maka-Kasulatang mga panalangin, makikilala natin yaong mga binigkas sa mga kalagayang kagaya ng sa atin. Matututuhan natin kung papaano nagkakaiba-iba ang layunin at tagpo ng mga panalangin. Isa pa, matutuklasan natin ang bagong mga kapahayagan ng papuri at pagpapasalamat at masusumpungan natin ang orihinal na mga salita para sa ating mga kahilingan at pagsusumamo. Sa maikli, makatutulong ang mga maka-Kasulatang panalangin upang mapagyaman natin ang ating sariling mga panalangin.

Si Maria, na naging ina ni Jesus, ay isang taong maliwanag na nakinabang mula sa mga kapahayagang ginamit sa isang panalanging nakaulat sa Bibliya. Dinalaw niya ang kaniyang kamag-anak na si Elisabet nang sila’y kapuwa maglihi ng anak na lalaki sa tulong ng Diyos. Pinuri at pinasalamatan ni Maria ang Diyos, at ang ilan sa kaniyang mga salita ay katulad niyaong nasa isang panalangin sa Hebreong Kasulatan. Waring si Maria ay pamilyar sa panalanging binigkas ni Ana, ang ina ni Samuel na propeta. Ipinaglihi rin ni Ana ang isang anak na lalaki sa tulong ng Diyos, mahigit na 1,000 taon na ang nakaraan. Maaari kayang binulay-bulay ni Maria ang panalanging ito dahil ipinaaaninaw nito ang kaniyang sariling damdamin?​—1 Samuel 2:1-10; Lucas 1:46-55.

Kumusta ka naman? Matatandaan mo kaya ang isang maka-Kasulatang panalangin na binigkas sa ilalim ng mga kalagayang kagaya ng sa iyo? Ang pagkasumpong, pagbabasa, at pagbubulay-bulay sa gayong mga panalangin ay tutulong sa iyo na mapagyaman ang iyong sariling pakikipagtalastasan sa Diyos. Sa susunod na artikulo, inaanyayahan ka naming suriin ang tatlong panalangin mula sa Banal na Kasulatan. Ang mga ito ay inihandog sa ilalim ng iba’t ibang kalagayan, na marahil ang nakakatulad ng sa iyo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share