Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 9/15 p. 30
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Magbigay Ka ng Palagiang Pansin sa Iyong Turo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • “Kayo’y Dapat Nang Maging mga Guro”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Guro, Pagtuturo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Matatanda—Ingatan ang Ipinagkatiwala sa Inyo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 9/15 p. 30

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Ano ang ibig sabihin ng alagad na si Santiago nang kaniyang sabihin: “Hindi marami sa inyo ang dapat maging mga guro, mga kapatid ko, yamang nalalaman na tatanggap tayo ng mas mabigat na hatol”?​—Santiago 3:1.

Tiyak na hindi pinahihina ni Santiago ang loob ng mga Kristiyano sa pagtuturo ng katotohanan sa iba. Sa Mateo 28:19, 20, iniutos ni Jesus sa kaniyang mga alagad na “gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng bansa, . . . na itinuturo sa kanila na tuparin ang lahat ng mga bagay na iniuutos ko sa inyo.” Kaya, lahat ng Kristiyano ay dapat maging mga guro. Pinayuhan ni apostol Pablo ang mga Hebreong Kristiyano sapagkat hindi pa sila mga guro. Siya’y sumulat: “Bagaman dapat nga na maging mga guro na kayo dahilan sa panahon, kayo ay muling nangangailangan na may magturo sa inyo mula sa pasimula ng mga panimulang bagay ng mga sagradong kapahayagan ng Diyos.”​—Hebreo 5:12.

Ano, kung gayon, ang ibig sabihin ni Santiago? Ang tinutukoy niya ay yaong may pantanging mga pribilehiyo ng pagtuturo sa kongregasyon. Sa Efeso 4:11, ating mababasa: “Ibinigay niya [ni Jesu-Kristo, ang Ulo ng kongregasyon] ang ilan bilang mga apostol, ang ilan bilang mga propeta, ang ilan bilang mga ebanghelisador, ang ilan bilang mga pastol at mga guro.” May mga pantanging pribilehiyo ng pagtuturo sa unang-siglong mga kongregasyon gaya rin ngayon. Halimbawa, ang Lupong Tagapamahala ay kumakatawan sa “tapat at maingat na alipin” at may pantanging pananagutan na pangasiwaan ang pagtuturo sa pandaigdig na kongregasyon. (Mateo 24:45) Ang naglalakbay na mga tagapangasiwa at matatanda sa kongregasyon ay mayroon ding pantanging mga pananagutan sa pagtuturo.

Sinasabihan ba ni Santiago ang kuwalipikadong mga lalaking Kristiyano na huwag nilang tanggapin ang atas ng isang guro dahil sa takot sa mas mabigat na hatol ng Diyos? Tunay na hindi. Ang katungkulan ng matanda ay isang malaking pribilehiyo, gaya ng ipinakikita ng 1 Timoteo 3:1, na nagsasabi: “Kung ang sinumang lalaki ay umaabot sa katungkulan ng tagapangasiwa, siya ay nagnanasa ng isang mainam na gawain.” Isa sa mga kahilingan para mahirang bilang isang matanda sa kongregasyon ay ang pagiging “kuwalipikado na magturo” ng isang lalaki. (1 Timoteo 3:2) Hindi sinalungat ni Santiago ang kinasihang mga salita ni Pablo.

Gayunman, waring noong unang siglo C.E., itinatalaga ng ilan ang kanilang sarili bilang mga guro, bagaman hindi sila kuwalipikado at hindi hinirang. Malamang, inakala nila na may pagkaprominente ang tungkuling iyon, at ibig nila ng sariling karangalan. (Ihambing ang Marcos 12:38-40; 1 Timoteo 5:17) Binanggit ni apostol Juan si Diotrefes, na ‘gustong magtaglay ng unang dako, ngunit hindi tumanggap ng anuman mula kay Juan nang may paggalang.’ (3 Juan 9) Bumabanggit ang 1 Timoteo 1:7 tungkol sa ilang tao na ‘nagnanais na maging mga guro ng batas ngunit hindi napag-uunawa kahit ang mga bagay na kanilang sinasabi o ang mga bagay na mapilit nilang iginigiit.’ Ang mga salita ng Santiago 3:1 ay lalong angkop sa mga lalaki na nagnanais maging mga guro ngunit may maling motibo. Maaaring pinsalain ng gayong mga tao ang kawan at angkop lamang na tumanggap ng mas mabigat na hatol.​—Roma 2:17-21; 14:12.

Ang Santiago 3:1 ay isa ring mabuting paalaala para sa mga kuwalipikado at naglilingkod bilang mga guro. Yamang marami ang ipinagkatiwala sa kanila, marami rin ang hihingin sa kanila. (Lucas 12:48) Sinabi ni Jesus: “Bawat pananalitang hindi mapakikinabangan na sinasalita ng mga tao, sila ay magsusulit may kinalaman dito sa Araw ng Paghuhukom.” (Mateo 12:36) Lalong kapit ito sa hinirang na matatanda, na ang mga salita ay totoong may impluwensiya.

Ang matatanda ay magsusulit kaugnay ng paraan ng pakikitungo nila sa mga tupa ni Jehova. (Hebreo 13:17) Ang kanilang sinasabi ay may epekto sa mga buhay. Kung gayon, ang isang matanda ay dapat magpakaingat na huwag magtaguyod ng kaniyang sariling opinyon o abusuhin ang mga tupa gaya ng ginawa ng mga Fariseo. Kailangang magsumikap siya na ipamalas ang taimtim na pag-ibig na gaya ng ipinamalas ni Jesus. Sa bawat situwasyon na nasasangkot ang pagtuturo, at lalo na kung kasangkot ang hudisyal na mga bagay, kailangang maingat na pag-isipan ng matanda ang kaniyang sasabihin, iwasan ang walang-pakundangang pananalita o paghahayag ng personal na mga idea. Sa pamamagitan ng lubos na pagtitiwala kay Jehova, sa kaniyang Salita, at sa kaniyang mga alituntunin sa pamamagitan ng kaniyang organisasyon, ang pastol ay tatanggap ng mayamang pagpapala ng Diyos, hindi ng “mas mabigat na hatol.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share