Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w96 2/1 p. 3
  • Naligtas Ka na Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Naligtas Ka na Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Dapat Nating Gawin Upang Maligtas?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Kung Ano ang Kailangang Gawin Natin Upang Maligtas
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Kaligtasan—Kung Ano Talaga ang Kahulugan Nito
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Paano Nakapagliligtas si Jesus?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
w96 2/1 p. 3

Naligtas Ka na Ba?

SI Johnny ay sampung taóng gulang noon nang lumapit sa kaniya ang isang lalaki sa isang perya at nagtanong: “Binata, tinatanggap mo ba si Jesu-Kristo bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas?” Waring kakatuwa kay Johnny ang tanong na iyan, yamang sa tuwina’y naniniwala naman siya kay Jesus. Kaya sumagot siya, “Siyempre tinatanggap ko.” “Purihin ang Panginoon!” ang isinigaw ng lalaki na narinig ng lahat. “Isa pang kaluluwa ang naligtas para kay Kristo!”

Ganiyan nga ba kasimple ang kaligtasan? “Naligtas” nga ba si Johnny nang sandaling sabihin niya ang mga salitang iyon, anuman ang gawin niya sa nalalabing bahagi ng kaniyang buhay? Maraming taimtim na tao ang sasagot ng oo. Ang ilang relihiyosong tract ay nagsasabi na isulat ang petsa nang ikaw ay “naligtas” upang matandaan mo iyon.

Isang klerigo ang sumulat na “sa sandaling sumampalataya kay Kristo . . . permanente nang itinatakda ang tadhana ng isa.” Inangkin niya na sinasabi ng Bibliya na ang kaligtasan ay depende sa isa at minsanang “gawa ng pananampalataya, hindi sa pagpapatuloy ng pananampalataya.” Isa pang manunulat sa relihiyon ang sumulat: “Ito ay isang tapos na gawa. Ito ay natamo na para sa iyo . . . Ang iyong ‘pakikipaglaban ay natapos na.’ Ang iyong ‘kasalanan ay napawi na.’ ” Subalit kahit na ang mga taong lubusang kumbinsido na totoo ito ay makakakita ng isang suliranin dito. Kitang-kita na maraming taong nasabihan na sila’y “naligtas” ang hindi namumuhay ayon sa paraan na sinasabi ng Bibliya. Isang pangkaraniwang paliwanag ay na marahil hindi nila talagang “tinanggap” si Kristo.

Kaya, ano ang talagang kahulugan ng “pagtanggap” kay Kristo? Iyon ba ay minsanang gawa ng pananampalataya, o iyon ba ay isang patuloy na paraan ng pamumuhay? Kailangan bang ang ating paniniwala ay matibay-tibay upang maudyukan tayong kumilos? Talaga nga bang matatanggap natin ang mga kapakinabangan ng hain ni Jesus nang walang kasamang pananagutan na sumunod sa kaniya?

Maraming tao ang nagnanais ng mga pagpapala ngunit hindi ang pananagutan ng pagsunod at pagtalima kay Jesus. Sa katunayan, ang salitang “tumalima” ay madalas na makabalisa sa kanila. Gayunma’y sinabi ni Jesus: “Halika maging tagasunod kita.” (Lucas 18:18-23) At sinasabi ng Bibliya: “Doon sa mga hindi sumusunod sa mabuting balita tungkol sa ating Panginoong Jesus . . . ay daranas ng panghukumang kaparusahan na walang-hanggang pagkapuksa.”​—2 Tesalonica 1:8, 9; Mateo 10:38; 16:24.

Ang Bibliya ay nagsasabi ng maraming bagay na nagbabangon ng mga seryosong tanong may kinalaman sa naituro na tungkol sa kaligtasan. Kung nais mong tiyakin kung ano ang talagang sinasabi ng Bibliya hinggil sa paksang ito, masusumpungan mong kawili-wili ang sumusunod na mga pahina. Buklatin ang iyong Bibliya, at basahin ang binanggit na mga teksto upang makita kung ano ang itinuro ni Jesus at ng kaniyang mga apostol tungkol sa napakahalagang bagay na ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share