Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w96 3/15 p. 3
  • Kailangan Natin ang Tunay na mga Kaibigan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kailangan Natin ang Tunay na mga Kaibigan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Bakit Natin Kailangan ang Tunay na mga Kaibigan
  • Tunay na Pagkakaibigan sa Daigdig na Salat sa Pag-ibig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Maaari Kang Magtamasa ng Tumatagal na Pagkakaibigan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Piliing Mabuti ang mga Kaibigan Mo
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Sinasapatan ang Ating Masidhing Pagnanais na Makipagkaibigan
    Gumising!—2004
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
w96 3/15 p. 3

Kailangan Natin ang Tunay na mga Kaibigan

MASIGLANG-MASIGLA ang pag-uusap nina Jenny at Sue. Mga kislap ng ngiti, nagniningning na mga mata​—bawat kilos nila ay nagsisiwalat ng matinding interes sa sasabihin ng isa’t isa. Bagaman magkaiba ng pinagmulan, maliwanag na marami silang pinagkakasunduan at malaki ang respeto nila sa isa’t isa.

Sa ibang dako naman, sina Eric at Dennis ay magkasamang gumagawa ng proyekto, isa lamang sa marami na nilang nagawa sa loob ng mga taon. Sila ay relaks, at madalas magtawanan. Nang ang pag-uusap ay umabot sa seryosong mga paksa, prangkahan silang nagpapalitan ng opinyon. Iginagalang nila ang isa’t isa. Tulad nina Jenny at Sue, sina Eric at Dennis ay tunay na magkaibigan.

Ang ganitong mga tanawin ay magpapasigla ng iyong puso, anupat naiisip mo tuloy ang iyong sariling mga kaibigan. Sa kabilang dako, mauudyukan ka nito na asam-asamin ang gayong pagkakaibigan. Makakamit mo rin naman ang gayon!

Kung Bakit Natin Kailangan ang Tunay na mga Kaibigan

Ang mabubuting kaibigan ay mahalaga sa ating mental at pisikal na kalusugan. Subalit, kapag nalulungkot tayo, hindi ito nangangahulugan na may diperensiya tayo. Sinasabi ng ilang mananaliksik na ang kalungkutan ay isang pagkagutom, isang likas na palatandaan na kailangan natin ang mga kasama. Kung sa bagay, kung papaanong naiibsan o napapawi ang gutom dahil sa pagkain, mababawasan o maglalaho pa nga ang kalungkutan dahil sa tamang uri ng mga kaibigan. Isa pa, hindi naman imposible na magkaroon ng mabubuting kaibigan na nagpapahalaga sa atin.

Ang mga tao ay nilalang na may pangangailangan ukol sa pakikipagsamahan. (Genesis 2:18) Sinasabi ng Bibliya na ang isang tunay na kaibigan, o kasama, “ay ipinanganganak kapag may kagipitan.” (Kawikaan 17:17) Kaya naman, ang tunay na magkakaibigan ay makahihingi ng tulong sa isa’t isa kapag iyon ay kailangan. Ngunit higit pa ang kahulugan ng pakikipagkaibigan kaysa sa basta pagkakaroon lamang ng matatakbuhan o makakasama sa trabaho o paglilibang. Ang matalik na magkakaibigan ay nakapaglalabas ng pinakamabubuting katangian ng isa’t isa. Ganito ang sabi ng Kawikaan 27:17: “Sa pamamagitan ng bakal, ang bakal mismo ay pinatatalas. Gayon pinatatalas ng isang tao ang mukha ng iba.” Kung papaanong ang isang piraso ng bakal ay magagamit upang patalasin ang talim na yari sa gayunding metal, maaaring magtagumpay ang isang kaibigan sa pagpapatalas sa intelektuwal at espirituwal na kalagayan ng iba. Kung nanlulumo tayo dahil sa mga kabiguan, totoong makapagpapasigla ang madamaying pansin at maka-Kasulatang pampatibay-loob ng isang kaibigan.

Sa Bibliya, ang pakikipagkaibigan ay iniuugnay sa pag-ibig, pagkamatalik, pagpapalagayang-loob, at pagsasamahan. Sa pagkakaibigan ay maaaring masangkot ang mga kapitbahay, katrabaho, at iba pa. Itinuturing din ng iba ang ilang kamag-anak bilang kanilang pinakamalalapit na kaibigan. Gayunman, para sa marami ngayon, ang tunay na mga kaibigan ay mahirap masumpungan at mapanatili. Bakit ganito? Makapagtatamasa ka kaya ng tunay at nagtatagal na pagkakaibigan?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share