Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 2/1 p. 3
  • Isa Ka Bang Optimista o Isang Pesimista?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isa Ka Bang Optimista o Isang Pesimista?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Panahon ng Pagsusuri-sa-Sarili
  • Paano Ko Maiiwasang Maging Negatibo?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Makabubuti ba ang Optimismo sa Iyong Kalusugan?
    Gumising!—2007
  • Mapaglalabanan Mo ang Pagiging Pesimistiko
    Gumising!—2004
  • Bakit ba Natin Kailangan ang Pag-asa?
    Gumising!—2004
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 2/1 p. 3

Isa Ka Bang Optimista o Isang Pesimista?

“IYON ang pinakamagandang panahon, iyon ang pinakamasamang panahon, . . . iyon ang tagsibol ng pag-asa, iyon ang taglamig ng kalungkutan, nasa amin na ang lahat, gayunma’y walang-wala kami.” May kahusayang ipinakita ng pambungad na mga salita ng pampanitikang obra maestra ni Charles Dickens na A Tale of Two Cities ang pagkakaiba kung paanong ang mga pangyayari ay maaaring makaapekto sa ating pag-iisip, damdamin, at sa ating pangmalas.

Ang dalawang lunsod na tinukoy ay ang London at Paris sa panahon ng kaguluhan ng Himagsikang Pranses. Para sa naaping mga mamamayan ng ika-18-siglong Pransiya, ang pagpapahayag sa panahon ng himagsikan tungkol sa mga karapatan ng tao ay tunay ngang isang “tagsibol ng pag-asa.” Ngunit para sa mga kabilang sa ancien régime, o ang patapos nang sistema sa pulitika, iyon ay isang “taglamig ng kalungkutan,” na humahantong sa kamatayan at pagkapuksa.

Optimismo o pesimismo? Depende na ito kung nasa aling panig ka. At ganoon pa rin hanggang sa ngayon.

Panahon ng Pagsusuri-sa-Sarili

Isa ka bang optimista? Isa ka bang masayahing tao, anupat laging umaasa sa mabuti? O may hilig kang maging pesimista, na may negatibong pangmalas sa iyong kinabukasan, anupat umaasang mabuti ang kalalabasan ngunit kasabay nito’y inaasahan din ang pinakamasama?

Animnapung taon na ang nakalipas nang sabihin sa maikli ng Amerikanong nobelistang si James Branch Cabell ang dalawang magkaibang pilosopiya sa ganitong paraan: “Sinasabi ng optimista na tayo’y nabubuhay sa pinakamagandang lipunan; at nangangamba ang pesimista na ito ay totoo.” Kung inaakala mong ang pangmalas na ito’y medyo isang pang-uuyam, suriin mo ang positibo at negatibong salik ng tatlo lamang na aspekto ng daigdig sa ngayon gaya ng iniharap sa ibaba. Pagkatapos ay suriin mo ang iyong tugon, at tanungin ang iyong sarili, ‘Ako ba ay isang optimista o isang pesimista?’

Namamalaging Kapayapaan: Ilang magugulong lugar sa daigdig ang mababanggit mo? Ang Ireland, ang dating Yugoslavia, ang Gitnang Silangan, Burundi, Rwanda​—agad maiisip ang mga ito. Malulutas pa kaya ang mga ito at ang iba pang labanan upang matiyak ang namamalaging kapayapaan sa daigdig? Patungo na ba sa kapayapaan ang daigdig?

Katatagan sa Ekonomiya: Palibhasa’y umaasa sa pagkakaisa sa pananalapi pagsapit ng 1999, seryosong hinaharap ng mga bansang kabilang sa European Union ang mga suliranin sa implasyon at paghiram ng pamahalaan ng salapi sa mga mamamayan. Sa ibang dako, sinisira ng katiwalian ang kayarian ng ekonomiya ng maraming bansa sa Amerika at sa Aprika, kung saan halos hindi na makayanan ang implasyon at nagbubunga pa rin ng pagkakabaha-bahagi ang mga suliraning etniko. Malapit na ba ang katatagan sa ekonomiya?

Kawalan ng Trabaho: Sa pambansang halalan noong 1997, nagkaisa ang mga simbahan sa Britanya na himukin ang lahat ng partidong pulitikal na unahin sa kanilang talaan ng mga isasaalang-alang ang tungkol sa pagbibigay ng trabaho sa lahat. Ngunit yamang halos 30 porsiyento ng bilang ng mga manggagawa sa daigdig ang walang trabaho o di-sapat ang trabaho, magkakaroon kaya ng permanente at sapat na trabaho para sa lahat​—lalo na para sa mga kabataan?

Napakadaling makadama ng kawalang-pag-asa! Subalit may dahilan upang umasa, at inaanyayahan namin kayo na isaalang-alang kung paanong posible na magkaroon ng positibong pangmalas.

[Larawan sa pahina 3]

Ang Himagsikang Pranses

[Credit Line]

Mula sa aklat na Pictorial History of the World

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share