Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 3/1 p. 7
  • Bakit Nila Ginagawa Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Nila Ginagawa Ito?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Kombensiyon—Katunayan ng Ating Pagkakapatiran
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • 1998-99 “Ang Daan ng Diyos Ukol sa Buhay” na mga Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • 1987 “Magtiwala kay Jehova” na Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • 1999-2000 “Makahulang Salita ng Diyos” na mga Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 3/1 p. 7

Bakit Nila Ginagawa Ito?

TAUN-TAON ang mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ay nagtitipon nang libu-libo sa mga kombensiyon. Doon, nasisiyahan sila sa pakikisama at pakikinig sa isang mahusay na programa ng pagtuturo sa Bibliya. Ang ilan ay gumawa ng malaking pagsisikap upang madaluhan ang mga kombensiyong ito. Halimbawa, noong nakaraang taon, isang mag-asawa sa Malawi na ang edad ay mahigit 60, kasama ang kanilang anak na lalaki at ang asawa nito at sanggol, ay naglakbay ng 80 kilometro sa pamamagitan ng bisikleta upang dumalo sa isang kombensiyon. Nilisan nila ang kanilang nayon noong ikaanim ng umaga at dumating sa dako ng kombensiyon pagkalipas ng 15 oras.

Sa Mozambique, isang pangkat naman ang naglakbay ng tatlong araw sa pamamagitan ng bisikleta upang makarating sa isang kombensiyon. Isang gabi, habang nagkakampo sila sa labas, narinig nila ang mga leong umuungal sa malapit. Bagaman naghagis sila ng kahoy na panggatong sa direksiyon ng mga hayop, ang mga leon ay nanatili roon hanggang madaling-araw. Nakasalubong ng isa pang Saksi na naglalakbay patungo sa kombensiyon ding iyon ang isang leon sa daan. Tumayo siya nang tahimik at walang kakilus-kilos hanggang sa umalis ang leon. Masayang ibinalita ng mga Saksing ito sa kombensiyon kung paano sila “iniligtas mula sa bibig ng leon.”​—2 Timoteo 4:17.

Maraming Saksi ni Jehova ang gumagawa ng malaking pagsisikap upang dumalo sa mga kombensiyon o maging sa lingguhang mga pulong ng kongregasyon para sa pagsamba. Bakit? Ang sumusunod na mga artikulo ay tutulong sa iyo na maunawaan kung bakit napakahalaga na magtipong sama-sama.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share