Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 5/1 p. 3-4
  • Sino Ang Nasa Likod ng Lahat ng Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sino Ang Nasa Likod ng Lahat ng Ito?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Si Jehova—Sino Siya?
    Si Jehova—Sino Siya?
  • Panayam sa Isang Biyokimiko
    Gumising!—2006
  • Sino ang Makapagsasabi sa Atin?
    Ano ang Layunin ng Buhay?—Paano Mo Masusumpungan?
  • ‘May Nawawala’—Ano?
    Gumising!—1996
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 5/1 p. 3-4

Sino Ang Nasa Likod ng Lahat ng Ito?

HABANG hinahawan niya ang kaniyang dinaraanan sa kagubatan ng Cambodia, nakarating si Henri Mouhot, isang Pranses na manggagalugad noong ika-19 na siglo, sa isang malawak na katubigan na nakapalibot sa isang templo. Halos isang kilometro mula sa kaniyang kinatatayuan, naroroon ang limang tore ng templo na umaabot sa mahigit na 60 metro ang taas. Iyon ang Angkor Wat, ang pinakamalaking monumento ng relihiyon sa lupa. Napaglabanan na nito ang mga lagay ng panahon sa loob ng pitong siglo nang matuklasan ito ni Mouhot.

Isang tingin pa lamang ay alam na ni Mouhot na ang nababalot-ng-lumot na mga istrakturang ito ay gawa ng mga kamay ng tao. “Palibhasa’y itinayo ng isang sinaunang Michelangelo, ito’y mas maringal pa sa anumang nalabing disenyo ng Gresya o Roma,” isinulat niya. Bagaman ang mga ito’y ilang siglo nang napabayaan, natitiyak niyang may nagdisenyo sa napakagarang istrakturang ito.

Kapansin-pansin, ginamit ng isang aklat ng karunungan na isinulat ilang siglo na ang nakalilipas ang katulad na pangangatuwiran upang ipaliwanag kung bakit nga masasabing ang daigdig sa ating paligid ay ginawa ng isang Disenyador. Tiyak na ito’y nilikha. Isinulat ni apostol Pablo: “Sabihin pa, bawat bahay ay may nagtayo, ngunit siya na nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Diyos.” (Hebreo 3:4) Maaaring tanggihan ng ilan ang analagong ito, na nagsasabi: ‘Ang kalakaran ng kalikasan ay iba sa gawa ng tao.’ Gayunman, hindi lahat ng siyentipiko ay sang-ayon sa pagsalungat na iyan. Matapos aminin na “ang mga sistemang biyokemikal ay hindi mga bagay na walang buhay,” nagtanong si Michael Behe, katulong na propesor sa biochemistry sa Lehigh University: “Maaari bang matalinong idisenyo ang nabubuhay na mga sistemang biyokemikal?” Nagpatuloy siya sa pagpapakita na sa ngayon ay nagdidisenyo na ang mga siyentipiko ng mga saligang pagbabago sa nabubuhay na mga organismo sa pamamagitan ng mga pamamaraang gaya ng henetikong inhinyeriya. Maliwanag, kapuwa ang walang-buhay at may-buhay na mga bagay ay maaaring idisenyo at balangkasin! Sa pagsasaliksik sa napakaliit na daigdig ng nabubuhay na mga selula, tinalakay ni Behe ang kamangha-mangha at masasalimuot na sistema na binubuo ng mga sangkap na umaasa sa isa’t isa upang gumana. Ang kaniyang konklusyon? “Ang resulta ng sama-samang pagsisikap na ito upang suriin ang selula​—suriin ang buhay sa kalagayan nito bilang molekula​—ay isang malakas, maliwanag, nakabibinging sigaw na ‘disenyo!’ ”

Pinagtuunan din ng pansin ng mga kosmologo at mga pisiko ang daigdig at ang sansinukob at nakasumpong ng ilang kagila-gilalas na mga bagay. Halimbawa, alam na nila ngayon na kung magkakaroon ng kahit katiting na pagbabago sa bilang ng alinman sa mga universal constant, mawawalan ng buhay sa sansinukob.a Tinawag ng kosmologong si Brandon Carter ang mga bagay na ito bilang kagila-gilalas na mga pagkakataon. Subalit kapag nakakita ka ng sunud-sunod na mahihiwaga at magkakaugnay na mga pagkakataon, hindi ka ba maghihinala sa paano man na may isang nasa likod ng mga ito?

Tunay, may isang Disenyador sa likod ng lahat ng masalimuot na mga sistemang ito at itinama nang husto ang “mga pagkakataon.” Sino? “Maaaring maging totoong napakahirap na makilala ang disenyador sa pamamagitan ng pamamaraan ng siyensiya,” inamin ni Propesor Behe, kung kaya ipinaubaya niya ang tanong sa “pilosopiya at teolohiya” upang subukin itong sagutin. Maaaring personal na isipin mo na walang kaugnayan sa iyo ang tanong na iyan. Gayunman, kapag nakatanggap ka ng isang pakete na nakabalot nang maganda at naglalaman ng mga bagay na siya mong kailangan, hindi mo ba nanaising malaman kung sino ang nagpadala nito sa iyo?

Tayo, wika nga, ay nakatanggap ng gayong pakete​—isang pakete na naglalaman ng pagkagagandang regalo na nagpaging posible para sa atin na mabuhay at masiyahan sa buhay. Ang paketeng iyan ay ang lupa, lakip na ang lahat ng kahanga-hangang sistema nito upang mapanatili ang buhay. Hindi ba natin nanaisin na malaman kung sino ang nagbigay sa atin ng mga regalong ito?

Nakatutuwa, ang Nagpadala ng pakete ay naglakip dito ng isang kalatas. Ang “kalatas” ay ang sinaunang aklat na iyon ng karunungan na binanggit kanina​—ang Bibliya. Sa pambungad na pananalita nito, sinasagot ng Bibliya sa napakapayak at napakaliwanag na paraan ang tanong na kung sino ang nagbigay sa atin ng pakete: “Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.”​—Genesis 1:1.

Sa kaniyang “kalatas” ipinakilala ng Maylalang ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pangalan: “Ganito ang sabi ng tunay na Diyos, si Jehova, na Maylikha ng langit . . . , na Siyang nagpanukala ng lupa at ng ani rito, na Siyang nagbibigay ng hininga sa mga tao rito.” (Isaias 42:5) Oo, Jehova ang pangalan ng Diyos na nagdisenyo ng sansinukob at gumawa ng lalaki at babae sa lupa. Datapwat sino si Jehova? Anong uri siya ng Diyos? At bakit dapat makinig sa kaniya ang lahat ng tao sa lupa?

[Talababa]

a Ang “mga constant” ay mga bilang na hindi nagbabago sa buong sansinukob. Ang dalawang halimbawa ay ang bilis ng liwanag at ang kaugnayan ng grabidad sa kimpal.

[Larawan sa pahina 3]

Ang Angkor Wat ay itinayo ng mga tao

[Larawan sa pahina 4]

Kapag nakatanggap ka ng regalo, hindi mo ba nanaising malaman kung sino ang nagpadala nito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share