Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 4/15 p. 3
  • Hanggang Kailan Tayo Maaaring Mabuhay?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hanggang Kailan Tayo Maaaring Mabuhay?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Talaga Bang Napakahaba ng Buhay ng mga Tao Noong Panahon ng Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Nakatutulong ba ang Ehersisyo sa mga May-edad Na?
    Gumising!—1993
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Dinisenyo Tayo Para Mabuhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 4/15 p. 3

Hanggang Kailan Tayo Maaaring Mabuhay?

Ang mga tao sa pangkalahatan ay nabubuhay nang mas matagal, kung kaya marami ang nagtatanong, ‘Hanggang kailan tayo maaaring mabuhay?’

AYON sa The New Encyclopædia Britannica (1995), noon, pinaniniwalaan na si Pierre Joubert ang taong may pinakamahabang buhay. Noong 1814, namatay siya sa edad na 113. Totoo, ang iba ay sinasabing nabuhay nang mas matagal, ngunit hindi kapani-paniwala ang ulat tungkol sa kanilang mga edad. Gayunman, pinatunayan ng tumpak na mga dokumento na may ilang tao na nabuhay nang mas matagal kaysa kay Pierre Joubert.

Si Jeanne Louise Calment ay isinilang sa Arles, timog-silangang Pransiya, noong Pebrero 21, 1875. Ang kaniyang pagkamatay noong Agosto 4, 1997​—pagkaraan ng mahigit na 122 taon​—ay napabalita nang husto. Noong 1986, si Shigechiyo Izumi ng Hapon ay namatay sa edad na 120. Itinala sa Guinness Book of Records 1999 ang 118-anyos na si Sarah Knauss bilang ang pinakamatandang tao nang panahong isulat iyon. Ipinanganak siya noong Setyembre 24, 1880, sa Pennsylvania, E.U.A. Nang si Marie-Louise Febronie Meilleur naman ng Quebec, Canada, ay mamatay noong 1998 sa edad na 118, mas matanda siya nang 26 na araw kaysa kay Sarah.

Totoo, malaki ang itinaas ng bilang ng mga taong napakatanda na. Ang mga taong may edad na 100 o higit pa ay tinatayang aabot sa mahigit na 2.2 milyon sa unang kalahatian ng susunod na siglo! Sa katulad na paraan, ang bilang ng mga taong 80 anyos at higit pa ay lumaki mula sa 26.7 milyon noong 1970 hanggang sa 66 milyon noong 1998. Iyan ay 147-porsiyentong pagtaas, kung ihahambing sa 60-porsiyentong pagtaas ng kabuuang populasyon ng daigdig.

At hindi lamang nabubuhay nang mas matagal ang mga tao. Marami rin ang nakagagawa ng mga bagay na hindi nagagawa ng karamihan ng mga 20 anyos. Noong 1990, natapos ng 82-taong-gulang na si John Kelley ang isang marathon​—isang 42.195 kilometro​—sa loob ng limang oras at limang minuto. Noong 1991, sinaklaw ng 84-anyos na lola sa tuhod na si Mavis Lindgren ang distansiyang iyan sa loob ng pitong oras at siyam na minuto. At kamakailan lamang, natapos ng isang 91-anyos na lalaki ang New York City Marathon!

Hindi ito nangangahulugan na hindi nakagawa ng pambihirang mga tagumpay ang matatandang tao noong unang panahon. Sa edad na 99, ang patriyarka sa Bibliya na si Abraham ay ‘tumakbo upang salubungin’ ang kaniyang mga panauhin. Sa edad na 85, ipinahayag ni Caleb: “Kung ano ang lakas ko noon [45 taon bago nito], gayundin ang lakas ko ngayon para sa pakikipagdigma, kapuwa sa paglabas at sa pagpasok.” At sinasabi ng Bibliya na noong si Moises ay 120 taóng gulang, “ang kaniyang mata ay hindi lumabo, at ang kaniyang matinding lakas ay hindi naglaho.”​—Genesis 18:2; Josue 14:10, 11; Deuteronomio 34:7.

Binanggit ni Jesu-Kristo ang unang taong si Adan at ang nagtayo ng daong na si Noe bilang makasaysayang mga indibiduwal. (Mateo 19:4-6; 24:37-​39) Sinasabi sa Genesis na si Adan ay nabuhay ng 930 taon, at si Noe naman ay 950. (Genesis 5:5; 9:29) Talaga bang nabuhay ang mga tao nang ganiyan katagal? Maaari kaya tayong mabuhay nang mas matagal pa rito, marahil magpakailanman? Pakisuyong suriin ang katunayan sa susunod na artikulo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share