Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w01 7/1 p. 30
  • Taunang Pulong Oktubre 6, 2001

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Taunang Pulong Oktubre 6, 2001
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Taunang Pulong Oktubre 6, 2001
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Taunang Pulong Oktubre 7, 2000
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Taunang Pulong Oktubre 7, 2000
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Taunang Pulong Oktubre 4, 1997
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
w01 7/1 p. 30

Taunang Pulong Oktubre 6, 2001

ANG TAUNANG PULONG ng mga miyembro ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania ay gaganapin sa Oktubre 6, 2001, sa Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses, 2932 Kennedy Boulevard, Jersey City, New Jersey. Isang paunang pulong ng mga miyembro lamang ang pasisimulan sa ganap na 9:15 n.u., na susundan ng pangkalahatang taunang pulong sa ganap na 10:00 n.u.

Dapat ipabatid ngayon ng mga miyembro ng korporasyon sa Tanggapan ng Kalihim ang anumang pagbabago sa direksiyon ng kanilang mga sulat sa nakalipas na taon upang makarating sa kanila sa Hulyo ang regular na mga liham na patalastas at mga proxy.

Ang mga proxy, na ipadadala sa mga miyembro lakip ang patalastas hinggil sa taunang pulong, ay dapat na ibalik upang makarating sa Tanggapan ng Kalihim ng Samahan nang hindi lalampas sa Agosto 1. Dapat punan at ibalik agad ng bawat miyembro ang kaniyang proxy, na isinasaad kung siya ay dadalo sa pulong nang personal o hindi. Ang impormasyon na isusulat sa bawat proxy ay dapat na tiyakan sa puntong ito, yamang ito ang pagbabatayan sa pag-alam kung sino ang dadalo.

Inaasahan na ang buong sesyon, kasali na ang pormal na business meeting at mga report, ay matatapos sa ganap na 1:00 n.h. o lalampas nang kaunti. Hindi magkakaroon ng panghapong sesyon. Dahil limitado ang mauupuan, ang mga may tiket lamang ang tatanggapin. Walang gagawing mga kaayusan upang ikonekta ang taunang pulong sa ibang awditoryum sa pamamagitan ng mga linya ng telepono.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share