Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w12 1/1 p. 22
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Ahasuero
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Laryo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Esther, Aklat ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Nanindigan Siya Para sa Bayan ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
w12 1/1 p. 22

Alam Mo Ba?

Sino si Haring Ahasuero ng Persia na binanggit sa aklat ng Bibliya na Esther?

▪ Ayon sa aklat ng Esther, pinili ni Ahasuero ang dalagang Judio na si Esther para maging kaniyang reyna, na siya namang nagligtas sa bayan nito mula sa isang tangkang paglipol. Sa loob ng matagal na panahon, iba-iba ang opinyon ng mga iskolar kung sinong hari ng Persia ang binanggit sa Bibliya bilang Ahasuero. Pero waring nasagot ito ng impormasyong nasa mga monumento ng Persia na nakasulat sa tatlong wika. Lumilitaw na si Ahasuero ay si Jerjes I, ang anak ni Dariong Dakila (Hystaspis). Ang pagkakasulat ng pangalang Jerjes sa inskripsiyong Persiano, kapag tinumbasan ng transliterasyon sa Hebreo, ay kahawig ng pagkakasulat nito sa tekstong Hebreo ng aklat ng Esther.

Ang lahat ng sinabi sa aklat ng Esther tungkol kay Ahasuero ay tumutugma sa buhay ni Jerjes I. Mula sa kabisera ni Ahasuero sa Susa (Susan), sa Elam, namuno rin ang hari ng Persia sa Media, at sa India hanggang sa mga isla ng Mediteraneo. (Esther 1:2, 3; 8:9; 10:1) “Ang lahat ng ito ay totoo kay Jerjes, pero hindi sa iba pang hari ng Persia,” ang sabi ng iskolar na si Lewis Bayles Paton. “Ang karakter na si Ahasuero, gaya ng pagkakalarawan sa Aklat ng Est[her], ay tumutugma sa ulat ni Herodotus at ng iba pang Griegong istoryador tungkol kay Jerjes.”

Ano ang ebidensiya na gumawa ng mga laryo sa sinaunang Ehipto?

▪ Sinasabi sa aklat ng Bibliya na Exodo na pinagawa ng mga laryo ng mga Ehipsiyo ang kanilang mga aliping Hebreo. Gamit ang argamasang luwad at dayami, araw-araw ay may kota na dapat magawa ang mga alipin.​—Exodo 1:14; 5:10-14.

Noong panahon ng Bibliya, ang paggawa ng mga laryo na pinatuyo sa araw ay napakahalagang trabaho sa Libis ng Nilo. Ang mga sinaunang monumento na yari sa ganitong materyales ay makikita pa rin sa Ehipto. Ang proseso ng paggawa nito ay makikita sa ipinintang larawan sa pader ng ika-15-siglong libingan ni Rekhmire sa Thebes, na halos kasabayan ng mga pangyayaring nakaulat sa aklat ng Exodo.

Ganito inilalarawan ng The International Standard Bible Encyclopedia ang tagpo sa ipinintang larawan: “Kumukuha ng tubig sa tipunan; hinahalo ang putik sa pamamagitan ng asarol at saka ito inililipat sa isang kumbinyenteng lugar para sa manggagawa ng laryo. Sinisiksik ng manggagawa ang putik sa hulmahang kahoy. Pagkatapos, inaalis ang hulmahan para patuyuin sa araw ang nahulmang laryo. Hili-hilerang laryo ang nahuhulma at, kapag natuyo na, isinasalansan ang mga ito para magamit sa hinaharap. Ganiyan pa rin ang sinusunod na proseso sa Gitnang Silangan.”

May iba’t ibang dokumentong papiro mula sa ikalawang siglo B.C.E. ang nagsasabi rin ng tungkol sa paggawa ng laryo ng mga alipin, paggamit ng dayami at laryong luwad, at kota na dapat magawa ng isang manggagawa araw-araw.

[Larawan sa pahina 22]

Batong relyebe ni Jerjes (nakatayo) at ni Dariong Dakila (nakaupo)

[Credit Line]

Werner Forman/Art Resource, NY

[Larawan sa pahina 22]

Detalye ng ipinintang larawan sa pader ng libingan ni Rekhmire

[Credit Line]

Erich Lessing/Art Resource, NY

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share