Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w12 11/1 p. 4-5
  • Tanong 1: May Layunin Ba ang Buhay Ko?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong 1: May Layunin Ba ang Buhay Ko?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Gawing Makabuluhan ang Iyong Buhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Ang Tunay na Layunin ng Buhay
    Gumising!—1992
  • Ano ang Layunin ng Buhay?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Atin?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
w12 11/1 p. 4-5

Tanong 1: May Layunin ba ang Buhay Ko?

SI Rosalind ay lumaki sa England, at maraming bagay siyang gustong malaman. Gusto rin niyang makatulong sa mga tao. Pagka-graduate niya, pumasok siya sa isang trabahong tumutulong sa mga walang matirhan. Tumulong din siya sa mga may pisikal at mental na kapansanan. Pero sa kabila ng magandang trabaho at maalwang buhay, sinabi niya, “Ang tagal-tagal ko nang pinag-iisipan, ‘Bakit tayo naririto?’ at ‘Ano ang layunin ng buhay?’”

Bakit ito itinatanong?

Di-gaya ng mga hayop, ang mga tao ay may kakayahang mangatuwiran. May kakayahan tayong matuto mula sa ating nakaraan, magplano para sa hinaharap, at humanap ng layunin sa buhay.

Ano ang sinasabi ng ilan?

Iniisip ng marami na ang pangunahing layunin ng buhay ay ang pagiging mayaman o sikat, at sa gayon ay magiging maligaya sila.

Ano ang ipinahihiwatig niyan?

Tayo ang nagtatakda ng ating priyoridad sa buhay. Mas mahalaga ang gusto natin kaysa sa kalooban ng Diyos.

Ano ang itinuturo ng Bibliya?

Si Haring Solomon ay nagkaroon ng napakalaking kayamanan at masarap na buhay, pero nakita niyang hindi ito nakapagbibigay ng tunay na layunin sa buhay. Sinabi niya kung ano ang nagdudulot ng tunay na layunin sa buhay: “Ang katapusan ng bagay, matapos marinig ang lahat, ay: Matakot ka sa tunay na Diyos at tuparin mo ang kaniyang mga utos. Sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao.” (Eclesiastes 12:13) Ano ang nasasangkot sa pagtupad sa mga utos ng Diyos?

Kasama sa layunin ng Diyos para sa atin ang masiyahan tayo sa buhay. Sumulat si Solomon: “Sa tao ay wala nang mas mabuti kundi ang kumain siya at uminom nga at magdulot ng kabutihan sa kaniyang kaluluwa dahil sa kaniyang pagpapagal. Ito rin ay nakita ko mismo, na ito ay mula sa kamay ng tunay na Diyos.”​—Eclesiastes 2:24.

Gusto rin ng Diyos na mahalin natin at alagaan ang ating pamilya. Pansinin ang simple at praktikal na tagubiling ibinigay sa bawat miyembro ng pamilya.

  • “Dapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kani-kanilang asawang babae na gaya ng sa kanilang sariling mga katawan.”​—Efeso 5:28.

  • “Ang asawang babae ay dapat na magkaroon ng matinding paggalang sa kaniyang asawang lalaki.”​—Efeso 5:33.

  • “Mga anak, maging masunurin kayo sa inyong mga magulang.”​—Efeso 6:1.

Kung susundin natin ang mga simulaing iyan sa Bibliya, tayo ay magiging maligaya at kontento. Pero ang pinakamahalagang magagawa natin ay ang alamin ang lahat ng puwede nating matutuhan tungkol sa Maylalang at maging malapít sa kaniya bilang ating Kaibigan. Sa katunayan, inaanyayahan tayo ng Bibliya na ‘lumapit sa Diyos.’ At nangangako ito: “Lalapit siya sa inyo.” (Santiago 4:8) Kung tatanggapin mo ang paanyayang iyan, magkakaroon ng tunay na layunin ang iyong buhay.

Kumbinsido na ngayon si Rosalind, binanggit sa simula, na natagpuan na niya ang layunin ng buhay. Sa artikulong “Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay,” mababasa mo kung bakit.

Para higit pang malaman kung paano ka makapamumuhay sa paraang nakalulugod sa Diyos, tingnan ang kabanata 12 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Puwede itong i-download sa www.jw.org/tl

Ano ang Sinabi ni Jesus Tungkol sa Layunin ng Buhay?

Alam na alam ni Jesus kung ano ang layunin ng kaniyang buhay. Sinabi niya: “Dahil dito ay ipinanganak ako, at dahil dito ay dumating ako sa sanlibutan, upang ako ay magpatotoo sa katotohanan.” (Juan 18:37) Ginugol ni Jesus ang kaniyang buhay sa pagtuturo sa mga tao ng katotohanan tungkol sa Diyos at sa Kaniyang layunin.

Magkakaroon ng tunay na kahulugan ang ating buhay kung tutularan natin ang halimbawa ni Jesus. Sa katunayan, inaanyayahan niya tayong matuto mula sa kaniya. (Mateo 11:29) Pansinin ang dalawa sa mga paraan para magawa ito.

Itinuro ni Jesus na para lumigaya, dapat tayong maging “palaisip sa [ating] espirituwal na pangangailangan.” (Mateo 5:3) Masasapatan natin ang ating espirituwal na pangangailangan kung kukuha tayo ng kaalaman tungkol sa “tanging tunay na Diyos, at sa isa na [kaniyang] isinugo, si Jesu-Kristo.”​—Juan 17:3.

Inutusan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na ituro sa iba ang kanilang natutuhan. Sinabi niya: “Kaya humayo kayo at gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa, na binabautismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng banal na espiritu, na itinuturo sa kanila na tuparin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo.”​—Mateo 28:19, 20.

Kapag sinasapatan ng mga tao ang kanilang espirituwal na pangangailangan sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya at pagkakapit ng kanilang natututuhan, nakikita nilang nagbabago ang kanilang buhay. Lalo silang nakukumbinsing may tunay na layunin ang kanilang buhay kapag nagsimula na silang tumulong sa iba na matuto tungkol sa Diyos.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share