Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w14 4/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Kaparehong Materyal
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
w14 4/1 p. 16
May hawak na basahan si Jesus, na parang pinupunasan ang lupa

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Ano ang gagawin ni Jesus sa hinaharap?

Noong taóng 33 C.E., si Jesus ay namatay, binuhay-muli, at umakyat sa langit. Nang maglaon, binigyan siya ng awtoridad na mamahala bilang Hari. (Daniel 7:13, 14) Sa hinaharap, kikilos si Jesus bilang Hari upang alisin ang kahirapan at magkaroon ng kapayapaan sa buong daigdig.​—Basahin ang Awit 72:7, 8, 13.

Bilang Hari, lilinisin ni Jesus ang kasamaan sa lupa

Gagawa si Jesus ng kamangha-manghang mga bagay bilang Tagapamahala ng sangkatauhan. Gagamitin niya ang kapangyarihang ibinigay sa kaniya ng Ama para ibalik ang tao sa kasakdalan. Mabubuhay sila nang maligaya sa lupa at hindi na kailanman tatanda at mamamatay.​—Basahin ang Juan 5:26-29; 1 Corinto 15:25, 26.

Ano ang ginagawa ni Jesus ngayon?

Pinangangasiwaan ngayon ni Jesus ang pambuong-daigdig na pangangaral ng kaniyang tunay na mga tagasunod. Pinupuntahan nila ang mga tao para sabihin ang mensahe ng Bibliya tungkol sa Kaharian ng Diyos. Sinabi ni Jesus na patuloy niyang susuportahan ang gawain ng kaniyang mga alagad hanggang sa wakasan ng Kaharian ng Diyos ang mga pamahalaan ng tao.​—Basahin ang Mateo 24:14; 28:19, 20.

Sa pamamagitan ng tunay na kongregasyong Kristiyano, inaakay ni Jesus ang mga tao sa mas mabuting buhay. Patuloy niya silang aakayin para iligtas sila mula sa pagkapuksa ng kasalukuyang sistema ng mga bagay tungo sa bagong sanlibutang ipinangako ng Diyos.​—Basahin ang 2 Pedro 3:7, 13; Apocalipsis 7:17.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 8 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Available din sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share