Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w15 5/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Mangyayari sa Araw ng Paghuhukom?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Ang Araw ng Paghuhukom at Pagkaraan Nito
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Ano ang Araw ng Paghuhukom?
    Gumising!—2010
  • Araw ng Paghuhukom
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
w15 5/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Ano ang Araw ng Paghuhukom?

Isang masayang pamilya na muling nagkasama-sama dahil sa pagkabuhay-muli sa panahon ng sanlibong taon

Bakit magiging isang masayang panahon ang araw ng paghuhukom?

Noong panahon ng Bibliya, ginamit ng Diyos ang mga hukom para iligtas ang kaniyang bayan mula sa kawalang-katarungan. (Hukom 2:18) Inilalarawan ng Bibliya ang darating na Araw ng Paghuhukom bilang isang masayang panahon kung kailan ililigtas ni Jehova, ang Hukom ng buong lupa, ang mga tao mula sa kawalang-katarungan.—Basahin ang Awit 96:12, 13; Isaias 26:9.

Inatasan ng Diyos si Jesus para maggawad ng katarungan sa mga buháy at mga patay. (Gawa 10:42; 17:31) Maraming tao ang namatay nang hindi nakikilala ang Diyos. Sa Araw ng Paghuhukom, bubuhayin silang muli ni Jesus para makilala nila at ibigin ang tunay na Diyos.—Basahin ang Gawa 24:15.

Bakit tatagal nang sanlibong taon ang Araw ng Paghuhukom?

Ang mga patay ay bubuhaying muli sa panahon ng sanlibong taon. (Apocalipsis 20:4, 12) Kailangan nila ng panahon para matutuhan ang mga daan ng Diyos at sumunod sa kaniya. Salungat sa palagay ng marami, ipinakikita ng Bibliya na ang mga tao ay hahatulan ayon sa ginawa nila pagkatapos ng kanilang pagkabuhay-muli.—Basahin ang Roma 6:7.

Inilalarawan din ng Bibliya ang isang araw ng paghuhukom na biglang mangyayari bago magsimula ang sanlibong taon. Ang araw na iyon ay tinatawag ding wakas, gaya ng tinatalakay sa tampok na mga artikulo ng isyung ito. Sa araw na iyon, pupuksain ng Diyos ang lahat ng taong di-makadiyos at masama. (2 Pedro 3:7) Kaya dapat nating patunayan ang ating pag-ibig sa Diyos.—Basahin ang 2 Pedro 3:9, 13.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang pahina 213 ng aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Available din sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share