Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w15 10/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Bihag ng Karalitaan
    Gumising!—1998
  • Mga Pagsisikap na Wakasan ang Kahirapan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Malapit Na ang Wakas ng Karalitaan
    Gumising!—1998
  • Mabuting Balita Para sa Mahihirap
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
w15 10/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Posible ba ang isang daigdig na walang kahirapan?

Isang babaeng may hawak na mangkok na walang laman at yakap ang isang bata

Paano pangyayarihin ng Diyos ang isang daigdig na walang kahirapan?—Mateo 6:9, 10.

Milyon-milyon ang namamatay taon-taon dahil sa malnutrisyon at sakit na dulot ng sobrang kahirapan. Kahit na may kasaganaan sa ilang lugar sa daigdig, malaking porsiyento pa rin ng mga tao ang dumaranas ng matinding kahirapan. Ipinakikita ng Bibliya na matagal nang problema ng tao ang kahirapan.—Basahin ang Juan 12:8.

Para magwakas ang kahirapan, kailangan ang isang pandaigdig na gobyerno. Dapat na kaya ng gobyernong ito na ibahagi nang pantay-pantay ang mga likas na yaman ng mundo at alisin ang mga digmaan, na siyang pangunahing dahilan ng kahirapan. Nangako ang Diyos ng gayong pandaigdig na gobyerno.—Basahin ang Daniel 2:44.

Sino ang makapag-aalis ng kahirapan?

Inatasan ng Diyos ang kaniyang Anak, si Jesus, na mamahala sa lahat ng tao. (Awit 2:4-8) Ililigtas ni Jesus ang mga dukha at wawakasan ang paniniil at karahasan.—Basahin ang Awit 72:8, 12-14.

Bilang ang inihulang “Prinsipe ng Kapayapaan,” pangyayarihin ni Jesus na magkaroon ng kapayapaan at katiwasayan sa buong mundo. At ang lahat ng tao sa lupa ay titira sa kani-kaniyang bahay, masisiyahan sa pagtatrabaho, at magkakaroon ng saganang pagkain.—Basahin ang Isaias 9:6, 7; 65:21-23.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 8 ng aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Available din sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share