Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp16 Blg. 1 p. 4-5
  • Kawalang-Katapatan—Ang Epekto Nito sa Iyo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kawalang-Katapatan—Ang Epekto Nito sa Iyo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • KAWALANG-KATAPATAN—SUMISIRA NG TIWALA
  • KAWALANG-KATAPATAN—NAKAHAHAWA
  • Ang Panggigipit na Maging Di-tapat
    Gumising!—2012
  • Kung Bakit Sulit na Maging Tapat
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • Kung Papaano Magtatagumpay sa Hamon ng Pagiging Dukha
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Maging Mapagtapat sa Lahat ng Bagay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
wp16 Blg. 1 p. 4-5
Dalawang babaeng nag-uusap

TAMPOK NA PAKSA | BAKIT DAPAT MAGING TAPAT?

Kawalang-Katapatan—Ang Epekto Nito sa Iyo

“May mahihirap na sitwasyon na malulusutan mo lang talaga sa pamamagitan ng pagiging di-tapat.”—Samantha, South Africa.

Sang-ayon ka ba riyan? Gaya ni Samantha, lahat tayo ay napapaharap sa mahihirap na sitwasyon paminsan-minsan. Sa mga sitwasyong nasusubok ang ating katapatan, makikita sa reaksiyon natin kung anong mga pamantayan ang lubhang pinahahalagahan natin. Halimbawa, kung mas mahalaga sa atin na huwag mapahiya, baka isipin natin na mas mabuti nang maging di-tapat. Kaso, kapag nalaman ng iba ang totoo, kadalasan nang hindi maganda ang resulta nito. Isaalang-alang ang sumusunod.

KAWALANG-KATAPATAN—SUMISIRA NG TIWALA

Sa anumang ugnayan, mahalaga ang pagtitiwala. Kapag ang dalawang tao ay may tiwala sa isa’t isa, panatag sila at palagay ang kanilang loob. Pero ang tiwala ay hindi nabubuo sa loob lang ng magdamag. Nabubuo ito kapag gumugugol sila ng panahon na magkasama, anupat nag-uusap nang tapat at hindi nagiging makasarili. Pero minsang hindi ka maging tapat, masisira na ang pagtitiwala. At kapag nasira na ito, mahirap na itong ibalik.

Naging biktima ka na ba ng kawalang-katapatan ng isa na itinuturing mong kaibigan? Kung oo, ano ang nadama mo? Malamang na nasaktan ka, baka nga pakiramdam mo ay niloko ka. Natural lang naman iyan. Talagang sinisira ng kawalang-katapatan ang pundasyon ng matalik na pagkakaibigan.

KAWALANG-KATAPATAN—NAKAHAHAWA

Natuklasan sa isang pag-aaral na ginawa ni Robert Innes, propesor ng economics sa University of California, na “ang kawalang-katapatan ay talagang nakahahawa.” Kaya ang kawalang-katapatan ay maitutulad sa virus—kapag lagi mong nakakasama ang isang taong mandaraya, mas malamang na “mahawa” ka sa kaniya.

Paano mo maiiwasang matulad sa mga taong di-tapat? Matutulungan ka ng Bibliya. Pakisuyong tingnan ang ilang simulain sa Bibliya.

Iba’t Ibang Uri ng Kawalang-Katapatan

Pagsisinungaling

Lalaki na hinuhubad ang kaniyang singsing sa kasal

ANO ITO? Pagsasabi ng maling impormasyon sa isa na may karapatang malaman ang totoo. Maaaring kasama rito ang pagpilipit sa katotohanan upang iligaw ang isang tao, hindi pagsasabi ng mahalagang impormasyon para makapandaya, at pagpapalabis sa katotohanan para magbigay ng maling impresyon.

ANG SABI NG BIBLIYA: “Ang taong mapanlinlang ay karima-rimarim kay Jehova, ngunit ang Kaniyang matalik na pakikipag-ugnayan ay sa mga matuwid.” (Kawikaan 3:32) “Ngayong inalis na ninyo ang kabulaanan, magsalita ang bawat isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa.”—Efeso 4:25.

Paninirang-Puri

Dalawang lalaking nagbubulungan habang papasók ang isang lalaki

ANO ITO? Pagsasabi ng huwad at mapaminsalang impormasyon na nakasisira sa reputasyon ng isang tao.

ANG SABI NG BIBLIYA: “Ang taong mapang-intriga ay laging naghahasik ng pagtatalo, at pinaghihiwalay ng maninirang-puri yaong malalapít sa isa’t isa.” (Kawikaan 16:28) “Kung saan walang kahoy ay namamatay ang apoy, at kung saan walang maninirang-puri ay natitigil ang pagtatalo.”—Kawikaan 26:20.

Pandaraya

Lalaking itinuturo ang mga relong nakatago sa loob ng kaniyang jacket

ANO ITO? Panloloko sa iba para makapanggantso ng pera o anumang gamit mula rito.

ANG SABI NG BIBLIYA: “Huwag mong dadayain ang isang upahang trabahador na nasa kagipitan at dukha.” (Deuteronomio 24:14, 15) “Siyang nandaraya sa maralita ay dumudusta sa kaniyang Maylikha, ngunit ang nagpapakita ng lingap sa dukha ay lumuluwalhati sa Kaniya.”—Kawikaan 14:31.

Pagnanakaw

Isang nagnanakaw ng pitaka sa bag

ANO ITO? Pagkuha ng ari-arian ng iba nang walang paalam.

ANG SABI NG BIBLIYA: “Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw pa, kundi sa halip ay magtrabaho siya nang masikap, na gumagawa ng mabuting gawa sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay, upang may maipamahagi siya sa sinumang nangangailangan.” (Efeso 4:28) “Huwag kayong palíligaw. Hindi ang mga . . . magnanakaw, ni ang mga taong sakim, ni ang mga lasenggo, ni ang mga manlalait, ni ang mga mangingikil ang magmamana ng kaharian ng Diyos.”—1 Corinto 6:9, 10.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share