Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro Para sa 1987
1 Ang pasulong na pagsasanay sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa mahigit na 43 taon ay nakatulong nang malaki sa mabisang pagpapatotoo hinggil sa Kaharian ni Jehova sa buong daigdig. Kung kayo ay kuwalipikado subali’t hindi pa nakapagpapatala, hinihimok namin kayo na gawin iyon ngayon. Ang Theocratic Ministry School Schedule for 1987 ay ipinamamahagi kasama ng Ating Ministeryo sa Kaharian para sa Nobyembre. Ang lahat na nasa kongregasyon ay dapat na basahin nang maingat ang mga tagubilin at maging determinadong kunin ang buong kapakinabangan na dulot ng napakabuting paglalaang ito ng organisasyon.
2 Ang mga baguhan at ang iba pa na nangangailangan ng tulong sa paghahanda ng kanilang atas ay dapat na malayang lumapit sa tagapangasiwa ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro upang ipabatid sa kaniya ang inyong pangangailangan. Maliligayahan kayong tulungan niya nang personal, o siya’y mag-aatas ng iba pang kuwalipikadong kapatid na gawin iyon. Subali’t mahalaga na ang bawa’t estudiyante ay magpakita ng pagsisikap, determinasyon, at pagnanais na lubusang gawin ang kaniyang atas. Kung kayo ay dumadalo nang palagian, minamalas nang taimtim ang inyong atas, at ginagampanan ang bawa’t isa nito, kayo ay susulong sa inyong ministeryo. Ang gayong pakikibahagi ay makatutulong din sa iba sa kongregasyon.
3 Ang tagapangasiwa sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro, iba pang matatanda, at kuwalipikadong ministeryal na lingkod ay inaatasan ng Atas No. 1 at tampok na bahagi mula sa pagbasa ng Bibliya. Ang Atas No. 1 ay naglalaman ng sampung minutong pahayag ng nagtuturo na sinusundan ng limang minutong pagrerepaso ng materyal sa pamamagitan ng tanong-sagot sa aklat na “All Scripture Is Inspired of God and Beneficial.” Ang tampok na bahagi mula sa pagbasa ng Bibliya ay tutulong sa tagapakinig na mapahalagahan kung bakit at paano ang iniatas na materyal ay mahalaga sa atin. Bagaman may bahagi paminsan minsan ang tagapakinig, ang tagapagsalita mismo ang pangunahing maghaharap ng impormasyon na maingat niyang sinaliksik at inihanda. Ang mga kapatid na gumaganap ng bahaging ito ay hindi lamang kailangang mabuting tagapagsalita kundi mabisang tagapagturo din.—1 Tim. 3:2; Tito 1:9.
4 Idinadalangin natin na patuloy na pagpalain ni Jehova ang mainam na kaayusang ito upang masangkapan at masanay tayo ukol sa tapat na paglilingkuran sa Kaharian.