Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/87 p. 4
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Kailangan—Mas Maraming Pag-aaral sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Bahagi 1—Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
km 6/87 p. 4

Tanong

● Kailan maaaring iulat ang isang bagong pag-aaral sa Bibliya, at pag-aaral kanino ang maaaring ibilang?

Ang isang bagong pag-aaral sa Bibliya ay maaaring iulat kapag ito ay idinaos ng dalawang ulit pagkatapos ng pagdalaw na doon ay itinanghal kung paano mag-aaral at kung may paniniwalang ang pag-aaral ay magpapatuloy. Dapat na gawin ang isang Study Report form at ibigay iyon bawa’t buwan.

Ang pagdalaw-muli at ang oras na ginugol ay maaaring bilangin sa bawa’t pagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya. Kapag ang ibang mamamahayag ay sumama sa isa na nagdaraos ng pag-aaral, at kung kapuwa sila nakibahagi sa pag-aaral, ang dalawa ay maaaring magtala ng oras. Gayumpaman, ang konduktor lamang ng pag-aaral ang mag-uulat ng pagdalaw-muli at pag-aaral sa Bibliya. Karaniwan nang hindi kailangang hihigit pa sa dalawang mamamahayag ang masasangkot sa pagtuturo sa isang pag-aaral sa Bibliya.

Ang pag-aaral sa Bibliya ay dapat na ipagpatuloy sa isang tao hanggang matapos ang pag-aaral sa dalawang aklat na magpapatatag sa kaniya sa katotohanan, gaya ng mga aklat na Mabuhay Magpakailanman at Nagkakaisa sa Pagsamba. Ang pag-aaral, mga pagdalaw-muli, at oras ay maaaring iulat hanggang sa matapos ang dalawang aklat na ito kahit na ang tao ay nabautismuhan na bago pa matapos ang dalawang aklat.

May panahon na hihilingin ng isang matanda na nasa Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon na magdaos ng isang pag-aaral ang mamamahayag sa isang di aktibong bautisadong indibiduwal. Sa ganitong kaso, ang pag-aaral ay maaaring iulat kalakip ng mga pagdalaw-muli at oras sa paglilingkod sa larangan.—Pansinin ang om p. 103-4.

Maaaring iulat ng isang ulo ng pamilya o magulang ang isang palagiang pag-aaral ng pamilya kung mayroon doon na di pa nababautismuhang miyembro. May isang oras ng paglilingkod at isang pagdalaw-muli ang maaaring ibilang sa bawa’t linggong idaos ang pag-aaral.—Tingnan ang km 8/83 p. 4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share