Tanong
● Paano bibilangin ang kahilingan sa oras ng isa na saka lamang naging payunir matapos makapagsimula ang taon ng paglilingkod?
Ang mga regular payunir ay dapat na maabot ang kahilingang 1,000 oras sa buong taon ng paglilingkod na nagpapasimula sa Setyembre 1 at nagtatapos sa Agosto 31. Ang mga payunir na nagpasimula pagkatapos na magsimula ang taon ng paglilingkod ay dapat na maabot ang kahilingan sa oras ayon sa bilang ng mga nalalabing buwan sa taong iyon ng paglilingkod. Halimbawa, ang isa na nagpasimulang magpayunir noong Marso 1 ay nakapagpayunir na ng anim na buwan hanggang sa Agosto 31 at kailangang mag-ulat ng hindi kukulangin sa 500 oras.
Ang pag-uulat ng 90 oras bawa’t buwan bilang isang tunguhin ay dapat pagsikapan ng lahat ng payunir kahit na kailan pa sila nagpasimula. Sa pamamagitan ng pag-eeskedyul ng 90 oras sa ministeryo sa larangan bawa’t buwan, ang isang payunir ay maaaring makadalo ng mga asamblea at mga kombensiyon at makapagbakasyon din nang hindi nagkukulang sa kahilingang oras sa bawa’t taon.
Ang mga may trabaho na pamanahon ay maaaring ibahin ang kanilang gagawin upang maabot ang kahilingan sa oras. Subali’t ang bawa’t payunir ay dapat na maabot ang kahilingan sa oras sa katapusan ng taon ng paglilingkod, maging ito ay 1,000 oras para sa buong taon o bahagi ng oras na kaayon ng bilang ng mga buwan na ipinagpayunir niya sa taong iyon.