Teokratikong mga Balita
◆ Sa Arhentina 28 mga pandistritong kombensiyon ang idinaos na dinaluhan ng 130,262. Ang 79,858 mga nag-ulat na mamamahayag para sa Nobyembre ay kumakatawan sa isang bagong peak sa lahat ng panahon.
◆ Ang Iceland ay nag-ulat ng isang bagong peak na 233 mga mamamahayag noong Nobyembre. May pinakamataas na bilang na dumalo na 382 sa kanilang nakaraang pantanging araw ng asamblea.
◆ Ang Ireland ay nag-ulat ng kanilang ika-20 sunod-sunod na peak sa mamamahayag na 3,255 noong Nobyembre. Nakapagpapasiglang makitang 78 ang nabautismuhan sa nakaraang serye ng mga pantanging araw ng asamblea.
◆ Ang Madagascar ay nagkaroon ng 8-porsiyentong pagsulong noong Nobyembre taglay ang isang bagong peak na 3,424 na mga mamamahayag na nag-ulat.
◆ Ang St. Maarten ay nagkaroon ng isang bagong peak na 141 mga mamamahayag noong Nobyembre, 17-porsiyentong pagsulong. Ang kanilang pantanging araw ng asamblea ay dinaluhan ng 282.
◆ Ang Zimbabwe ay nakaabot sa isang bagong peak na 17,113 mga mamamahayag noong Nobyembre. Sila’y nagdaraos ng kabuuang 19,190 mga pag-aaral sa Bibliya.
◆ Ang ikalimang klase ng Ministerial Training School sa Estados Unidos ay nagtapos sa Los Angeles, California noong Linggo, Enero 14, 1990. Ang 20 nagtapos ay inatasang maglingkod sa anim na iba’t ibang lupain sa labas ng Estados Unidos.