Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/90 p. 1-2
  • Ibahagi ang Espirituwal na Kayamanan sa Iba

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ibahagi ang Espirituwal na Kayamanan sa Iba
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • PAPAANO PAYAYAMANIN ANG IBA
  • Di-matuwid na Kayamanan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Determinadong Maging Mayaman sa Espirituwal
    Gumising!—2007
  • Kayamanan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Maaari Kang Yumaman!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
km 7/90 p. 1-2

Ibahagi ang Espirituwal na Kayamanan sa Iba

1 Katulad ni Moises, ang makabagong panahong mga Saksi ni Jehova ay nakakaalam na hindi maihahambing ang materyal na kayamanan ng sanlibutang ito sa espirituwal na kayamanan. (Heb. 11:26) Maaaring ang salapi ay makabili ng mga bahay, kotse, at iba pang ariarian, subali’t hindi nito mabibili ang buhay, kapayapaan ng isip, o ang pagsang-ayon ni Jehova.

2 Ang kaalaman at kaunawaan sa Salita at layunin ng Diyos ay tunay na mga espirituwal na kayamanan. (Col. 2:3) Ang pambihirang mga kayamanang ito ay makapagdudulot ng tunay na kaligayahan ngayon, kasama ng isang matatag na saligan para sa pag-asa sa hinaharap. Tunay na pinagpala tayo na tumanggap ng gayong mga espirituwal na kayamanan!

PAPAANO PAYAYAMANIN ANG IBA

3 Matutulungan natin ang marami na maging mayaman sa espirituwal sa pamamagitan ng paghaharap sa kanila ng ating mga publikasyon, yamang ang mga ito ay maaaring umakay sa kanila sa ‘natatagong kayamanan’ ng makadiyos na karunungan. (Kaw. 2:4) Sa Hulyo at Agosto, ating iaalok ang alinman sa mga brochure sa angkop na pagkakataon. Kung aalalahanin natin kung papaanong ang mga publikasyong ito ay nagpayaman sa ating mga buhay, hindi tayo mag-aatubili sa paghanap ng mga paraan na maialok ang mga brochure sa maraming tao hangga’t maaari. (Kaw. 3:27) Gumawa ng mga pagtatala ng mga direksiyon kapag nakapaglagay ng mga indibiduwal na magasin, taglay sa pangmalas ang pagdalaw upang makapag-alok ng isang brochure, na may tunguhing makapagtatag ng isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

4 Sa espirituwal na diwa, papaano ba tayo magiging gaya ng isang taong may takot sa Diyos sa Awit 112 na saganang namahagi ng mahalaga niyang tinatangkilik? (Awit 112:1, 3, 9) Kailangan nating hanapin ang tulad tupang mga tao at tulungang masapatan ang kanilang espirituwal na pangangailangan. (Mat. 5:3) Ito’y humihiling na samantalahin natin ang bawa’t pagkakataon na makapangaral nang pormal at di pormal.

5 Sa ibang lugar, ang pagpapatotoo sa gabi ay naging mabunga dahilan sa nasa bahay na ang karamihang tao sa panahong iyon. Nasubukan na ba ninyong magbahay-bahay ng isang oras o higit pa bago ang inyong Pag-aaral ng Kongregayon sa Aklat? Bakit hindi gumawa ng tiyak na kaayusan upang gawin iyon?

6 Makahahanap ba kayo ng panahon upang magpatotoo sa inyong pinagtatrabahuhan? Isang kapatid na babae ang naglagay ng ilang magasin sa ibabaw ng kaniyang mesa upang makita iyon ng iba. Bago lumipas ang umagang iyon, naubos ang lahat ng mga magasin. Marami ring mga kamanggagawa niya ang nagpakita ng tunay na interes, anupa’t siya’y nakakuha ng 18 suskripsiyon.

7 Ang pilak, ginto, at lahat ng iba pang kayamanan ay hindi maihahambing sa espirituwal na kayamanan ng kaalaman na ating tinamo sa pamamagitan ng organisasyon ni Jehova. Sa pamamagitan ng pamamahagi ng ating espirituwal na kayamanan sa iba, ating naipakikita na pinahahalagahan natin ang ating tinanggap at tayo ay magtatamo ng patuloy na pagpapala ni Jehova.—Kaw. 19:17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share