Teokratikong mga Balita
Benin: Ang ulat sa Abril ay nagpapakita na 2,793 na mga mamamahayag ang nagdaos ng 4,442 na mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya at gumawa ng 30,814 mga pagdalaw muli. Ang mga bilang na ito ay kumakatawan sa tatlong bagong peak.
Bulgaria: Sa loob lamang ng isang taon, ang bilang ng mga mamamahayag ay sumulong mula 107 hanggang 218 na nag-uulat noong Marso. Ito’y 104 na porsiyentong pagsulong. Ang mga mamamahayag ay nagkaroon ng aberids na 19.7 oras sa paglilingkod sa larangan at nagdaos ng kabuuang 585 na mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Ang kanilang unang pantanging araw ng asamblea ay idinaos noong Marso na may 900 ang dumalo.
Czechoslovakia: Isang bagong peak na 25,111 mga mamamahayag ang nag-ulat noong Marso. Ito’y 9 na porsiyentong pagsulong kaysa aberids noong nakaraang taon.
Ecuador: Ang dumalo sa Memoryal sa taóng ito ay 99,987. Taglay ang isang bagong peak na 21,734 na mga mamamahayag noong Abril, inaasahan ang patuloy na pagsulong.
Nicaragua: Mga bagong peak ang naabot sa halos lahat na bahagi ng paglilingkod sa Kaharian noong Abril. Ang dumalo sa Memoryal ay limang ulit ang kahigitan kaysa bilang ng mga mamamahayag, na umabot sa 9,629 noong buwang iyon.