Teokratikong mga Balita
Argentina: Isang bagong pinakamataas na peak ng mga mamamahayag na 98,601 ang naabot noong Pebrero. Sa buwan ding iyon, 507 mga bagong alagad ang nabautismuhan.
Benin: Isang bagong peak na 2,967 mga mamamahayag ang nag-ulat noong Pebrero. Kung ihahambing ito sa gawain nang nakaraang taon, tumaas ang mga mamamahayag ng 13.8 porsiyento, oras ng 6.1 porsiyento, nailagay na mga magasin ng 40.6 porsiyento, at mga pag-aaral sa Bibliya ng 25.1 porsiyento.
Ecuador: Ang 23,176 na mga mamamahayag na nag-ulat ng gawain sa larangan noong Pebrero ay nagdaos ng 42,219 na mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Ito’y isang pagsulong na 2,180 mga mamamahayag at 3,183 mga pag-aaral sa Bibliya kaysa Pebrero nang nakaraang taon.
Ireland: Ang ika-59 na sunod-sunod na peak ng mamamahayag ay naabot noong Pebrero na may 4,093 na nag-ulat. Malaki ang pag-asa para sa pagsulong sa hinaharap dahilan sa isang bagong peak na 2,682 idinaraos na mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
Peru: Ang 43,366 na mga mamamahayag sa Peru ay nag-ulat ng 369,437 mga pagdalaw muli at 68,090 mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya noong Pebrero. Isang bagong itinayong Assembly Hall sa Lima ang inialay na dinaluhan ng 21,240.
Tahiti: Isang 13-porsiyentong pagsulong ang naabot noong Pebrero na 1,604 na mga mamamahayag ang nag-ulat. Ito ang ika-64 na sunod-sunod na peak ng mamamahayag sa Tahiti.
Ang Aruba, Guadeloupe, Martinique, St. Kitts, at U.S. Virgin Islands, na lahat ay nasa lugar ng Caribbean, ay nag-ulat ng mga bagong peak ng mga mamamahayag noong Pebrero.