Teokratikong mga Balita
Albania: Isang bagong peak na 353 mamamahayag ang naabot noong Hulyo. Ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay nagka-aberids ng 22.4 oras sa ministeryo at nakapagdaos ng 1,073 pag-aaral sa Bibliya.
Cameroon: Isang bagong tanggapang pansangay ang itinatag noong Hulyo at isang bagong peak na 21,323 mamamahayag ang naabot.
Greenland: Ang mga mamamahayag na nag-ulat ng paglilingkod sa larangan noong Hulyo ay may kabuuang 134. Ito ay isang bagong peak.
Zaire: Kahit napaharap pa sa suliranin ng pagpasok ng daan-daang libong nagsilikas sa Zaire, isang bagong peak na 83,442 mamamahayag ang naabot noong Hulyo. Ang mga kapatid ay nagtutulungan sa isa’t isa at lubusang nagpapahalaga sa tulong mula sa labas ng bansa.