Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/95 p. 1
  • Purihin si Jehova Araw-araw

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Purihin si Jehova Araw-araw
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Kabataan, Purihin si Jehova!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Purihin si Jehova Bawat Araw
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Makapagpapatotoo Ka Nang Di-pormal!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Papuri
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 12/95 p. 1

Purihin si Jehova Araw-araw

1 Ang ating Diyos, si Jehova, ay Bukal ng lahat ng buhay at kaligayahan. Siya’y karapat-dapat sa papuri ng lahat ng kaniyang nilalang. Bilang mga indibiduwal, nanaisin nating sabihin ang gaya ng sa salmista: “Pupuri ako sa iyo ng higit at higit. Ang bibig ko’y magsasaysay ng iyong katuwiran, at ng iyong pagliligtas buong araw.” (Awit 71:14, 15) Upang magawa ito, kailangan tayong humanap ng mga paraan upang purihin si Jehova araw-araw.

2 Ang sinaunang mga Kristiyano ay naglaan ng isang mainam na halimbawa sa pagpuri kay Jehova. Hinggil sa 3,000 nabautismuhan noong Pentecostes, ang Gawa 2:46, 47 ay nagsasabi: “At sa araw-araw ay may pagkakaisa silang naglilingkod nang palagian sa templo, . . . na pinupuri ang Diyos at nakasusumpong ng pabor ng lahat ng mga tao.” Sila’y natututo ng mga kamangha-manghang katotohanan hinggil kay Jehova at sa kaniyang Mesiyas. Ang kanilang kagalakan ay nagpatibay-loob sa iba pa upang makinig at matuto at upang pumuri kay Jehova.

3 Ang mga Pagkakataon ay Naririyan sa Araw-araw: Ngayo’y marami ang nakasusumpong na sila’y maaaring pumuri kay Jehova araw-araw sa pamamagitan ng impormal na pagpapatotoo. Ang patiunang pagpaplano ay tumutulong sa kanila na maging higit na mabunga. Natuklasan ng isang kapatid na babae na nagpasiyang makibahagi sa impormal na pagpapatotoo na may bumasag sa dalawang bintana at pumasok sa kaniyang kotse. Siya’y tumawag ng magkukumpuni nito at naghandang magpatotoo sa mekaniko. Ang kaniyang paghahanda ay nilakipan ng pananalangin para sa patnubay ni Jehova. Siya’y nagpatotoo sa mekaniko sa loob ng isang oras at nakapaglagay sa kaniya ng aklat na Mabuhay Magpakailanman.

4 Palaging natatagpuan ng isa pang kapatid na babae ang isang kapitbahay samantalang naglalakad sila kasama ng kanilang mga aso. Isang araw, sila’y nagkaroon ng seryosong pag-uusap hinggil sa mga suliranin ng buhay, at yao’y umakay sa higit pang pag-uusap. Sa takdang panahon, isang pag-aaral sa Bibliya ang napasimulan. Kawili-wiling malaman, na sa dakong huli’y ipinagtapat ng kapitbahay na hindi sana siya nakinig sa mga Saksi ni Jehova kung sa kaniyang pintuan sila nagtungo, yamang hindi siya naniniwala sa Diyos o sa Bibliya.

5 Ang ilan ay nakapagbibigay ng patotoo kapag dumadalaw ang mga ahente sa kanilang pintuan. Isang kapatid na babae sa Ireland ang dinalaw ng isang lalaking ahente ng life insurance. Kaniyang ipinaliwanag na siya’y tumitingin sa hinaharap upang tamasahin ang walang hanggang buhay. Ito’y isang bagay na bago para sa lalaking ito na Romano Katoliko. Kaniyang tinanggap ang aklat na Mabuhay Magpakailanman, dumalo sa pulong nang sumunod na linggo, at pumayag na magkaroon ng isang pag-aaral sa Bibliya. Ngayon ang ahenteng ito ay isa nang bautisadong kapatid na lalaki.

6 Maging alisto tayong lahat sa mga pagkakataong purihin si Jehova sa araw-araw. Laging ilagay ang ilang magasin o tract kung saan makikita ang mga ito at maiaalok sa mga bisita. Ang ilang kabataang Saksi sa paaralan ay naglalagay sa kanilang mesa ng mga literatura sa Bibliya bilang isang paraan para pasimulan ang pakikipag-usap sa kaninumang nakapapansin nito at nagbabangon ng mga katanungan. Magkaroon sa isipan ng isa o dalawang Kasulatan na maaari ninyong gamitin. Hilingin kay Jehova na tulungan kayo. Pagpapalain kayo sa paggawa nito.—1 Juan 5:14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share