Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/96 p. 3
  • Ikaw Ba ay Masyadong Abala?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ikaw Ba ay Masyadong Abala?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Kaparehong Materyal
  • “Iwaksi rin Natin ang Bawat Pabigat”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kung Paano Bibilhin ang Naaangkop na Panahon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Laging Maraming Ginagawa
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Maliligayahan Ka ba sa Maraming Gawain?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 5/96 p. 3

Ikaw Ba ay Masyadong Abala?

1 Si Pablo ay nagpayo na ‘laging marami tayong gawin sa gawain ng Panginoon.’ (1 Cor. 15:58) Hinihimok tayong magkaroon ng rutina sa araw-araw para sa personal na pag-aaral, pakikibahagi nang regular sa ministeryo, pagdalo sa mga pulong, at pagganap sa mga atas sa kongregasyon. Karagdagan dito, dapat nating tulungan ang iba na nangangailangan ng ating tulong. Dahilan sa karamihan ng gagawin, kung minsan ay nadarama natin na tayo’y natatabunan, nag-iisip na kailangan nating bawasan ang ilan sa ating trabaho.

2 May mga kalagayan na maaaring makatuwiran na alisin o bawasan ang ilang gawain. Ang ilang indibiduwal ay nakadarama na inaasahan sila na gawin ang lahat ng hinihiling sa kanila ng iba. Ang hindi pagiging timbang sa bagay na ito ay maaaring lumikha ng kagipitan at kaigtingan na maaaring lubhang nakasisira ng loob. Ito ay maaaring humantong sa pagkasira ng relasyon sa pamilya, panlulupaypay, o matinding mga suliranin sa kalusugan.

3 Maging Timbang: Ang susi sa pagiging timbang ay nasa pagkakapit sa payo ni Pablo na ‘tiyakin ang mga bagay na higit na mahalaga.’ (Fil. 1:10) Iyo’y nangangahulugan ng pagpapako natin sa mga bagay na talagang mahalaga at, kung ipinahihintulot ng panahon, gawin ang mga bagay na hindi masyadong mahalaga. Ang pampamilyang mga pananagutan ay kabilang sa mga bagay na mahalaga. Isang makatuwirang dami ng sekular na mga pananagutan ang kailangang isagawa. Gayunpaman, itinuro ni Jesus ang simulain na hanapin muna natin ang Kaharian. Kailangan muna tayong maging palaisip sa espirituwal na mga pangangailangan upang matupad ang ating pag-aalay kay Jehova.—Mat. 5:3; 6:33.

4 Taglay ito sa isipan, kailangan nating alisin mula sa ating abalang iskedyul ang anumang di kinakailangang personal na mga gawain, labis na paglilibang, at di kinakailangang mga obligasyon sa iba. Mag-iiskedyul tayo ng panahon sa personal na pag-aaral, makatuwirang bahagi sa paglilingkod, at pagdalo sa mga pulong. Ang nalalabing panahon ay maaaring hatiin sa iba pang mga gawain.

5 Kahit na gayon, maaaring madama pa rin natin na ang ating pasan ay mahirap. Kung gayon, kailangan tayong tumugon sa paanyaya ni Jesus: “Pumarito kayo sa akin, lahat kayo na nagpapagal at nabibigatan, at pananariwain ko kayo.” (Mat. 11:28) Tumingin kay Jehova, “na nagpapasan araw-araw ng ating pasan” at nagbibigay sa mga napapagod ng kapangyarihan. (Awit 68:19; Isa. 40:29) Makapagtitiwala tayo na pangyayarihin ni Jehova na tayo’y makapagpatuloy sa ating abalang teokratikong gawain.

6 Habang nananatiling abala sa pagsasagawa ng teokratikong mga kapakanan, tayo’y maaaring magalak na ang ating paggawa ay hindi sa walang kabuluhan may kaugnayan sa Panginoon.—1 Cor. 15:58.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share