Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/98 p. 7
  • Mga Nangungunang Tagapangasiwa—Ang Kalihim

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Nangungunang Tagapangasiwa—Ang Kalihim
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Kalihim
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Patuloy na Pagsulong ay Humihiling na Gawing Payak ang mga Pamamaraan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
km 10/98 p. 7

Mga Nangungunang Tagapangasiwa​—Ang Kalihim

1 Ang kalihim ng kongregasyon ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa pagtiyak na “ang lahat ng bagay ay maganap nawa nang disente at ayon sa kaayusan.” (1 Cor. 14:40) Bilang isang miyembro ng Komite ng Kongregasyon sa Paglilingkod, inaasikaso niya ang pakikipagtalastasan ng kongregasyon at ang mahahalagang rekord. Bagaman ang kaniyang mga tungkulin ay maaaring hindi kapansin-pansin di-gaya ng sa ibang matatanda, ang kaniyang paglilingkuran ay lubos na kailangan at pinahahalagahan.

2 Kapag may natanggap na sulat mula sa Samahan o sa iba pa, ito’y inaasikaso ng kalihim at tinitiyak na tinutugon ito kung kinakailangan. Tinitiyak niyang ang mga natatanggap na sulat ay nababasa ng matatanda at pagkatapos ay nailalagay sa salansan bilang reperensiya. Sinusuri niya ang mga order form ng magasin at literatura at ipinadadala ang mga iyon sa Samahan. Tuwiran niyang pinangangasiwaan ang mga humahawak ng kuwenta at suskrisyon at lahat ng mga bagay na may kinalaman sa kombensiyon.

3 Yamang kailangang ipadala ng kalihim sa Samahan ang buwanang ulat ng kongregasyon sa paglilingkod sa larangan sa ikaanim ng buwan, mahalaga para sa ating lahat na iulat kaagad ang ating gawain sa larangan sa katapusan ng bawat buwan. Pagkatapos ay ilalagay niya ang mga ulat ng paglilingkod sa mga Congregation’s Publisher Record card. Maaaring hilingin ng sinumang mamamahayag na makita ang rekord ng kaniyang personal na gawain.

4 Kapag ang isang mamamahayag ay umugnay o umalis sa kongregasyon, hihilingin ng kalihim o ipadadala niya sa matatanda ng bagong kongregasyon ang sulat ng pagpapakilala sa isa kalakip na ang kaniyang Congregation’s Publisher Record card.​—Ating Ministeryo, p. 104-5.

5 Nirerepaso ng kalihim ang gawain ng mga payunir, ipinababatid sa matatanda, at lalo na sa tagapangasiwa sa paglilingkod, ang anumang suliranin na maaaring nararanasan ng mga payunir. Ipinababatid niya sa mga konduktor ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ang tungkol sa mga mamamahayag na di-palagian sa paglilingkod sa larangan. Kapuwa ang kalihim at ang tagapangasiwa sa paglilingkod ay nangunguna sa pagsasaayos ng magkakaugnay na mga pagsisikap upang tulungan ang mga di-aktibo.​—Ating Ministeryo sa Kaharian, Disyembre 1987, p. 1.

6 Dahilan sa pagkakaroon ng higit na pagpapahalaga sa mga tungkulin ng kalihim, sana’y gawin natin ang ating makakaya upang maging maalwan ang pagsasakatuparan niya ng ipinagkatiwala sa kaniya.​—1 Cor. 4:2.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share