Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp20 Blg. 1 p. 12-13
  • Ang Katotohanan Tungkol sa Kaharian ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Katotohanan Tungkol sa Kaharian ng Diyos
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2020
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Ano ang Itinuro ni Jesus Tungkol sa Kaharian ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Tungkol sa Kaharian ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos
    Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan
  • Ano ang Kaharian ng Diyos?
    Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2020
wp20 Blg. 1 p. 12-13
Ang mundo, mula sa kalawakan, na nasisinagan ng araw

Ang Katotohanan Tungkol sa Kaharian ng Diyos

Itinuro ni Jesus sa mga alagad niya na ipanalangin: “Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang Kaharian mo. Mangyari nawa ang kalooban mo, kung paano sa langit, gayon din sa lupa.” (Mateo 6:9, 10) Ano ang Kaharian ng Diyos? Ano ang gagawin nito? At bakit kailangan natin itong ipanalangin?

Si Jesus ang Hari sa Kaharian ng Diyos.

Lucas 1:31-33: “Papangalanan mo siyang Jesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan, at ibibigay sa kaniya ng Diyos na Jehova ang trono ni David na kaniyang ama, at maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailanman, at hindi magkakaroon ng wakas ang kaniyang Kaharian.”

Kaharian ang pinakatema ng pangangaral ni Jesus.

Mateo 9:35: “Si Jesus ay lumibot sa lahat ng lunsod at nayon; nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga, nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian, at nagpapagaling ng bawat uri ng sakit at kapansanan.”

Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad ang tanda, o ang mga mangyayari bago dumating ang Kaharian ng Diyos.

Mateo 24:7: “Maglalabanan ang mga bansa at mga kaharian, at magkakaroon ng taggutom at lindol sa iba’t ibang lugar.”

Ipinapangaral ngayon ng mga tagasunod ni Jesus sa buong mundo ang tungkol sa Kaharian.

Mateo 24:14: “Ang mabuting balitang ito tungkol sa Kaharian ay ipangangaral sa buong lupa para marinig ng lahat ng bansa, at pagkatapos ay darating ang wakas.”

Mga Katotohanan Tungkol sa Kaharian ng Diyos

Lokasyon. Ang Kaharian ng Diyos ay isang totoong gobyerno na itinatag sa langit.​—DANIEL 2:44; MATEO 4:17.

Layunin. Gagawing paraiso ng Kaharian ng Diyos ang lupa. Dito titira nang payapa at nagkakaisa ang lahat ng tao. Hindi na sila magkakasakit at mamamatay.​—AWIT 37:11, 29.

Mamamahala. Si Jesus ang hinirang ng Diyos bilang Hari. Makakasama niyang tagapamahala ang 144,000, na binili mula sa lupa.​—LUCAS 1:30-33; 12:32; APOCALIPSIS 14:1, 3.

Mamamayan. Ang mga mamamayan ng Kaharian ay maninirahan sa lupa, magpapasakop sa pamamahala ni Jesus, at magiging masunurin sa mga batas ng Kaharian.​—MATEO 7:21.

Kung Bakit si Jesus ang Karapat-dapat Mamahala sa Tao

Noong nasa lupa si Jesus, pinatunayan niyang may kakayahan siyang mamahala at maibigin siya dahil

  • May malasakit siya sa mahihirap.​—LUCAS 14:13, 14.

  • Galit siya sa kasamaan at kawalang-katarungan.​—MATEO 21:12, 13.

  • Nakontrol niya ang puwersa ng kalikasan.​—MARCOS 4:39.

  • Nagpakain siya ng libo-libong tao.​—MATEO 14:19-21.

  • Naawa siya sa mga maysakit at pinagaling silang lahat.​—MATEO 8:16.

  • Bumuhay siya ng mga patay.​—JUAN 11:43, 44.

Kung Paano Ka Makikinabang Ngayon sa Kaharian ng Diyos

Magiging mas masaya ang buhay mo ngayon kung magiging mamamayan ka ng Kaharian ng Diyos. Halimbawa, ang mga mamamayan ng Kaharian ay

  • ‘Nakikipagpayapaan sa lahat ng tao.’​—HEBREO 12:14.

  • Payapa at may nagkakaisang pamilya dahil mahal at nirerespeto ng mag- asawa ang isa’t isa.​—EFESO 5:22, 23, 33.

  • Masaya at kontento sa buhay dahil ‘nauunawaan nila na kailangan nila ang Diyos.’​—MATEO 5:3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share