Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/03 p. 1
  • Gawaing Nakagiginhawa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gawaing Nakagiginhawa
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Kaparehong Materyal
  • “Pasanin Ninyo ang Aking Pamatok”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • “Lumapit Kayo sa Akin, . . . at Pagiginhawahin Ko Kayo”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • ‘Inyong Masusumpungan ang Kaginhawahan ng Kaluluwa Ninyo’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • “Masusumpungan ang Kapahingahan ng Inyong mga Kaluluwa”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 8/03 p. 1

Gawaing Nakagiginhawa

1 Ang mensahe ng Bibliya ay nakagiginhawa sa lahat ng tumatanggap at nagkakapit nito sa kanilang buhay. (Awit 19:​7, 8) Ito ay tumutulong sa kanila na makalaya mula sa maling mga turo at mapanganib na mga gawain at nagbibigay ng maaasahang pag-asa para sa hinaharap. Gayunman, hindi lamang ang mga tumatanggap ng mabuting balita ang nakikinabang. Yaong mga nagbabahagi sa iba ng nakagiginhawang mga katotohanan sa Bibliya ay nagiginhawahan din mismo.​—Kaw. 11:25.

2 Napalakas Dahil sa Ministeryo: Sinabi ni Jesus na yaong mga tumatanggap sa pamatok ng pagiging alagad na Kristiyano, na kalakip dito ang gawaing pangangaral at paggawa ng mga alagad, ay ‘makasusumpong ng kaginhawahan para sa kanilang mga kaluluwa.’ (Mat. 11:29) Nasumpungan niya mismo na ang pagpapatotoo sa iba ay nakapagpapalakas. Para itong pagkain sa kaniya. (Juan 4:34) Nang isugo niya ang 70 alagad upang mangaral, nagsaya sila nang makita nilang inaalalayan ni Jehova ang kanilang mga pagsisikap.​—Luc. 10:17.

3 Maraming Kristiyano sa ngayon ang napalalakas din sa pamamagitan ng kanilang pakikibahagi sa gawaing pangangaral. Isang sister ang nagsabi: “Nakagiginhawa ang ministeryo dahil nagbibigay ito ng direksiyon at layunin sa aking buhay. Gumagaan ang personal na mga problema at pang-araw-araw na mga kaigtingan kapag nakikibahagi ako sa paglilingkod.” Isa pang masigasig na ministro ang nagsabi: ‘Ginagawa ng ministeryo na totoo sa akin si Jehova sa araw-araw at binibigyan ako nito ng kapayapaan at isang antas ng panloob na kaligayahan na hindi matatamo sa ibang paraan.’ Kaylaki ngang pribilehiyo natin na maging “mga kamanggagawa ng Diyos”!​—1 Cor. 3:9.

4 Ang Pamatok ni Kristo ay May Kabaitan: Bagaman hinihimok ang mga Kristiyano na ‘magpunyagi sila nang buong-lakas,’ hindi hinihiling ni Jesus ang higit sa makakaya nating ibigay. (Luc. 13:24) Ang totoo, maibigin niya tayong inaanyayahan na ‘sumailalim sa kaniyang pamatok kasama niya.’ (Mat. 11:​29, tlb. sa Rbi8) Yaong mga kailangang harapin ang mahihirap na kalagayan ay makapagtitiwala na ang kanilang buong-kaluluwang paglilingkod, kahit na limitado, ay nakalulugod nang mainam sa Diyos.​—Mar. 14:6-8; Col. 3:23.

5 Tunay ngang nakagiginhawang maglingkod sa isang Diyos na nagpapahalaga sa anumang ginagawa natin alang-alang sa kaniyang pangalan! (Heb. 6:10) Lagi nawa tayong magsikap na ibigay sa kaniya ang ating pinakamabuti.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share