Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Dis. 15
“Sa panahong ito ng taon, pinag-iisipan ng maraming tao ang tungkol sa kapanganakan ni Jesus. Naisip mo na ba kung anong uri ng pamilya ang kinalakhan niya? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Lucas 2:51, 52.] Tinatalakay ng isyung ito ng Ang Bantayan ang praktikal na mga aral na maaari nating matutuhan mula sa ulat ng Bibliya hinggil sa pagpapalaki kay Jesus.”
Gumising! Dis. 22
“Nais nating lahat na makita ang ating mga anak na namumuhay nang maligaya at matagumpay. Ano sa palagay mo ang pinakakailangan ng mga bata upang maharap ang maigting na daigdig sa ngayon? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Kawikaan 22:6.] Tinatalakay ng isyung ito ng Gumising! kung ano ang kailangan ng mga anak at kung paano masasapatan ng mga magulang ang mga pangangailangang ito.”
Ang Bantayan Ene. 1
“Minimithi ng maraming tao ang kapayapaan sa lupa. Sa palagay mo ba’y makikita pa natin ang katuparan ng mga salitang ito? [Basahin ang Awit 46:9. Pagkatapos ay hayaang sumagot.] Tinatalakay ng isyung ito ng Ang Bantayan kung paano ito magaganap at kung bakit tayo makapagtitiwala sa pangako ng Diyos hinggil sa isang daigdig na walang digmaan.”
Gumising! Ene. 8
“Sa buong daigdig, milyun-milyong tao ang pinahihirapan ng mga mood disorder, gaya ng depresyon. Ang ating Maylalang ay lubos na nagmamalasakit sa mga ito. [Basahin ang Awit 34:18.] Tinatalakay ng magasing ito kung paano matutulungan ang mga dumaranas nito. Binabanggit din nito ang pangako ng Bibliya na hindi na magtatagal at ang lahat ng sakit ay mawawala na.”