Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/05 p. 7
  • Pagpapatotoo Nang Walang Salita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapatotoo Nang Walang Salita
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Maiinam na Gawa na Lumuluwalhati kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Pagpapatotoo sa Pamamagitan ng Mabuting Paggawi
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Hebreo 4:12—“Ang Salita ng Diyos ay Buháy at Mabisa”
    Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 9/05 p. 7

Pagpapatotoo Nang Walang Salita

1 Bagaman walang salitang namumutawi sa mga ito, maraming sinasabi ang pisikal na mga nilalang ni Jehova hinggil sa kaniyang di-nakikitang mga katangian. (Awit 19:1-3; Roma 1:20) Sa katulad na paraan, ang ating mainam na paggawi, Kristiyanong mga katangian, at mahinhing hitsura ay nagpapatotoo nang walang salita. (1 Ped. 2:12; 3:1-4) Ang dapat maging hangarin ng bawat isa sa atin ay ‘gayakan ang turo ng ating Tagapagligtas, ang Diyos, sa lahat ng bagay’ sa pamamagitan ng ating paggawi.—Tito 2:10.

2 Paano naging posible na ang mga turo ng Bibliya ay maging higit na kaakit-akit dahil sa di-sakdal na mga tao? Naging posible lamang ito dahil sa patnubay ng Salita ng Diyos at sa kapangyarihan ng banal na espiritu. (Awit 119:105; 143:10) Ang salita ng Diyos “ay buháy at may lakas at mas matalas kaysa sa anumang tabak na may dalawang talim.” (Heb. 4:12) Tumatagos ito sa kaloob-looban natin at tinutulungan tayo nito na taglayin ang bagong personalidad. (Col. 3:9, 10) Ang banal na espiritu ay nagluluwal sa atin ng kaayaayang mga katangian, gaya ng kabaitan, kabutihan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. (Gal. 5:22, 23) Bilang indibiduwal, hinahayaan ba natin ang salita at espiritu ng Diyos na makaimpluwensiya sa ating buhay?—Efe. 4:30; 1 Tes. 2:13.

3 Napapansin Ito ng Iba: Kapag namumuhay tayo alinsunod sa mga pamantayan ni Jehova at nagsisikap na ipakita ang kaniyang mga katangian, napapansin ito ng iba. Bilang halimbawa, isaalang-alang ang isang lalaki na tinutuya ng kaniyang mga katrabaho dahil pandak siya. Isang sister na nagtatrabaho sa opisina ring iyon ang laging nakikitungo sa kaniya nang may dignidad at paggalang. Dahil dito, napakilos siyang itanong sa sister kung bakit iba ang pakikitungo nito sa kaniya. Ipinaliwanag ng sister na ang kaniyang magalang na paggawi ay resulta ng pagkakapit ng mga simulain ng Bibliya sa kaniyang buhay. Ibinahagi rin niya sa lalaki ang kamangha-manghang pag-asa ukol sa Kaharian. Nag-aral ng Bibliya ang lalaki at nang dakong huli ay sumulong tungo sa bautismo. Nang bumalik siya sa kaniyang lupang tinubuan, namangha ang kaniyang mga kamag-anak sa kaniyang mainam na paggawi, at tinanggap din ng ilan sa kanila ang katotohanan.

4 Sa trabaho man, sa paaralan, o kapag nakikitungo sa mga kamag-anak at kapitbahay, mauudyukan natin ang iba na luwalhatiin ang Diyos sa pamamagitan ng ating mainam na paggawi at pagpapatotoo.—Mat. 5:16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share